Sa tingin mo, bakit tinawag yun na darknet? Kasi site yun ng mga kriminal…Sa tingin ko hindi mo kakayanin yung mga nandun!” Asar ni Mike. Masyado namang OA si Mike! Si Chad ang kanang kamay ni Elliot at mula noon hanggang ngayon ay hindi siya umatras ni minsan kaya bakit naman siya matatakot ng basta-basta?“Maiintindihan mo ang ibig kong sabihin kapag nakita mo!” Pumasok sina Chad at Mike sa kwarto ni Mike at dumiretso sila sa harapan ng computer. Nasilip palang ni Mike ang gustong ipakita ni Chad, kinilabutan na siya! Yun ay picture ni Laura Jensen. Si Laura na nanay ni Avery! Dalawang taon na noong namatay ito sa aksidente, kaya hindi siya makapaniwala na makikita niya ang picture nito sa darkweb!Hindi kaya…Biglang humigpit ang hawak ni Mike sa mouse at tinitigan niya ng maigi ang monitor. Pagkatapos niyang basahin ang lahat ng impormasyon, galit na galit siya. “Naiintindihan mo na ako ngayon? Lilo ang pangalan ng username na naghahanap ng isang middle-age na ba
Dahan-dahang hinawakan ni Avery ang mukha ni Elliot. Nagulat siya na malamig ito. Hindi naman ganun kalamig sa loob ng bahay nila pero siguro dahil malamig ang panahon, kailangan pa ring magkumot kapag natutulog sa gabi. Kinumutan ni Avery si Eliot kaya medyo nagdikit ang mga mukha nila at umiwas siya kasi amoy alak ito. Noong nakahiga na siya ulit, narinig niya na bigla itong nagsalita. “Avery…magiging mabuting tatay ako… Pangako…”Mahina lang ang boses nito kaya humarap siya rito pero nakita niyang nakapikit naman ito.Mukhang nanaginip ito… Sa panaginip nito ay nangangako itong magiging mabuti itong tatay sa anak nila..Nananiginip lang si Elliot, pero hindi napigilan ni Avery na maiyak. Hindi naman siguro ito mananaginip ng ganun kung hindi rin yun ang iniisip nito, diba? Malamang masyado nitong inisip ang sinabi niya rito.Na naniniwala siyang kaya nitong maging mabuting tatay. Sa tuwing magsesend ang doktor ng bagong picture ng baby nila, sobrang saya nitong pin
Binuhat ni Elliot si Avery at dinala niya ito sa sofa. “Dito ka nalang, Avery. Ako na ang haharap kay Chelsea. Sisiguraduhin ko sayo na magbabayad siya sa lahat ng mga ginawa niya.”Tumungo si Avery.Wala ng sinayang na oras sina Elliot at Chad, at umalis na rin sila kaagad ng bahay ni Avery. Sa loob ng sasakyan, tinawagan ni Elliot ang number ni Chelsea. Medyo matagal din bago ito sumagot. Medyo nanibago siya dahil kadalasan, isang ring palang ay sinasagot na kaagad nito. Hindi nagsasalita si Chelsea. Siguro nakakutob ito na may nangyari dahil sobrang bihira lang naman siyang tumawag dito!“Nasaan ka ngayon?” Tanong ni Elliot. Nang marinig ni Chelsea ang boses nito, bigla siyang kinilabutan. “May nangyari ba?”“Oo.”“Ano yun? Sabihin mo na dito! Natatakot akong makita ka!” Halata sa boses ni Chelsea na natatakot ito. May ideya si Elliot sa kung anumang tumatakbo sa isip ni Chelsea. “Nahihiya kasi sayo noong nasampal kita. Gusto ko lang sanang mag sorry sayo sa p
Sinubukang tawagan ulit ni Elliot si Chelsea pero hindi na niya ito makontak kaya tinawagan niya si Charlie. Sumagot naman kaagad si Charlie at nang marinig niya ang mga ginawa ni Chelsea, ilang minuto rin siyang natahimik bago siya nagsalita. “Makinig ka sa akin, Elliot. Isa ka rin sa mga dahilan kung bakit umabot sa ganun ang kapatid ko. Dapat kasi noon mo pa siya tinanggal sa Sterling Group. Kung wala ka naman palang nararamdaman para sakanya, dapat hindi mo na siya pinaasa pa!”“Hindi ko siya tinanggal dahil sa work ethics niya.”“Alam ko, pero hindi mo ba naisip na dahil sa work ethics na yan, kumapit yung tao? Nangyari na ang lahat, wala na tayong magagawa!” Nagbuntong hininga si Charlie at nagpatuloy, “Palabas na ng bansa si Chelsea. Ano bang gusto mong gawin niya?” “Gusto ko siyang mamatay!” “Elliot Foster! Walang ginawang iba yung tao bukod sa mahalin ka ng sobra! Ganyan ka na ba talaga kawalang puso?” Halos hindi makahinga si Charlie sa sobrang galit. “Hindi ba pwed
Sa sobrang galit ni Avery, hindi niya na namalayan na napalakas niya ang boses niya. Kaya sabay-sabay na nagtinginan sina Mike at ang dalawang bata. Dahil dito, bigla siyang hinila ni Elliot at umakyat sila sa isang kwarto sa first floor.“Ano kayang nangyari? Bakit nag aaway nanaman sila?” Bulong ni Mike sa sarili niya habang kinukuha ang kanyang phone para itext si Chad. Chad: [Hayaan mo na sila. Bantayan mo nalang yung mga bata.]Mike: [Kaya naman pala hindi ka makapunta dito ngayon. Ano? Pinatakas ba ng boss mo si Chelsea Tierney?]Chad: [Bantayan mo nga yang bibig mo. Sigurado ako na may rason siya.]MIke: [T*ng*n*! May ebidensya na nga diba?!]Chad: [Wala si Chelsea sa bansa ngayon kaya paano naman namin siya mahahanap? Kung gusto mo, ikaw nalang ang maghanap sakanya kasi magaling ka naman palagi diba?!]Mike: [Bakit hindi mo sinabi kaagad? Siyempre maiintindihan naman yun ni Avery no!]Sinarado ni Elliot ang pintuan at tinitigan si Avery ng diretso sa mga mata. “May
Mawala man siya, kayang kaya ni Avery na palakihin ng maayos ang mga anak nila. Mawala man siya, kayang kaya ni Avery na maging successful sa trabaho nito. “Kung hindi dahil sayo, hindi naman magagalit sa akin si Chelsea, at hindi madadamay si Tammy! Hindi rin kailangang lumabas ng baby ko ng prematured. Ano pa ba, Elliot Foster? Sobra sobra mo na akong nasaktan!” Hindi na kinaya ni Avery at nasabi niya na ang lahat ng sama ng loob niya. Totoo naman ang mga sinabi ni Avery kaya nawalan na ng pagpipilian si Elliot. "Avery…"“Wag na wag mong tatawagin ang pangalan ko!” Galit na galit na sigaw ni Avery. “Umalis ka na sa pamamahay ko at wag na wag ka ng magpapakita sa akin ulit! Yung tungkol sa bata, pag usapan nalang natin yun kapag nakalabas na siya ng ospital!”Tahimik lang na nakatayo si Elliot sa isang gilid habang pinapanuod niya kung paano mag wala si Avery.Alam niya na kailangan niyang umalis dahil kung magtatagal siya doon, lalo lang matitrigger si Avery.Buo na ang d
Pagkatapos tawagan si Avery, tinawagan din ng doktor si Elliot.Pareho nilang hindi inaasahan pero sabay silang dumating sa ospital. Sa neonatal unit, pinaliwanag ng doktor ang sitwasyon ng baby nila. “Hindi gumana sakanya yung traditional treatment na binigay namin. Mas humaba ang tulog niya at pahina din ng pahina ang pag hinga niya… Inobserbahan ko ng ilang oras hanggang sa umabot ako sa konklusyon na baka nagkaroon siya ng kakaibang trauma dahil sa pagiging prematured niya.”Habang nagsasalita, binigay ng doktor ang chart ng baby kina Avery at Elliot.Kinuha ito ni Avery at binasa ng maigi. “May problema sa immune system ang baby ninyo.” Huminga ng sobrang lalim ang doktor bago magpatuloy. “Sobrang anemic din niya. Wala akong nakikitang ibang paraan sa ngayon bukod sa blood transfusion. Nagtanong na ako sa blood bank kanina, pero wala kasing nag match sakanya. Medyo espesyal kasi ang dugo ng anak niyo.”Pakiramdam ni Elliot ay mahihimatay siya habang pinapakinggan ang sin
Biglang lumakas ang loob ni Wesley nang marinig niya ang boses ni Shea. Kung tama ang pagkakaalala niya, RH negative ang blood type ni Shea…Tandang tanda niya na bago ito operahan ni Avery noon, ginawan niya ito ng pre-op check-up.Habang tinitigan niya si Shea, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. “Bakit mo ako tinitignan ng ganyan, Wesley?” Naguguluhang tanong ni Shea. “Magsalita ka! Ano bang nangyayari?” Gusto naman talagang magsalita ni Wesley pero hindi niya maibuka ang mga labi niya!Kung normal lang sana si Shea, mas maiintindihan nito ang mga nangyayari at hindi niya na kailangan pang mag isip kung paano siya magpapaliwanag dito..Alam niya naman na hindi ito magdadalawang isip na mag donate ng dugo para mailigtas si baby Robert. Pero hindi kasi normal si Shea…Hanggang ngayon ay nagrerecover pa rin ito galinjg sa mga naging major surgery nito. At hindi niya rin naman kakayaning makita na si Shea ang nahihirapan sa mga magiging side effects kapag nagdonate i