공유

Kabanata 717

Sinubukang tawagan ulit ni Elliot si Chelsea pero hindi na niya ito makontak kaya tinawagan niya si Charlie.

Sumagot naman kaagad si Charlie at nang marinig niya ang mga ginawa ni Chelsea, ilang minuto rin siyang natahimik bago siya nagsalita.

“Makinig ka sa akin, Elliot. Isa ka rin sa mga dahilan kung bakit umabot sa ganun ang kapatid ko. Dapat kasi noon mo pa siya tinanggal sa Sterling Group. Kung wala ka naman palang nararamdaman para sakanya, dapat hindi mo na siya pinaasa pa!”

“Hindi ko siya tinanggal dahil sa work ethics niya.”

“Alam ko, pero hindi mo ba naisip na dahil sa work ethics na yan, kumapit yung tao? Nangyari na ang lahat, wala na tayong magagawa!” Nagbuntong hininga si Charlie at nagpatuloy, “Palabas na ng bansa si Chelsea. Ano bang gusto mong gawin niya?”

“Gusto ko siyang mamatay!”

“Elliot Foster! Walang ginawang iba yung tao bukod sa mahalin ka ng sobra! Ganyan ka na ba talaga kawalang puso?” Halos hindi makahinga si Charlie sa sobrang galit. “Hindi ba pwed
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status