Share

Kabanata 716

Binuhat ni Elliot si Avery at dinala niya ito sa sofa.

“Dito ka nalang, Avery. Ako na ang haharap kay Chelsea. Sisiguraduhin ko sayo na magbabayad siya sa lahat ng mga ginawa niya.”

Tumungo si Avery.

Wala ng sinayang na oras sina Elliot at Chad, at umalis na rin sila kaagad ng bahay ni Avery.

Sa loob ng sasakyan, tinawagan ni Elliot ang number ni Chelsea. Medyo matagal din bago ito sumagot.

Medyo nanibago siya dahil kadalasan, isang ring palang ay sinasagot na kaagad nito.

Hindi nagsasalita si Chelsea.

Siguro nakakutob ito na may nangyari dahil sobrang bihira lang naman siyang tumawag dito!

“Nasaan ka ngayon?” Tanong ni Elliot.

Nang marinig ni Chelsea ang boses nito, bigla siyang kinilabutan.

“May nangyari ba?”

“Oo.”

“Ano yun? Sabihin mo na dito! Natatakot akong makita ka!”

Halata sa boses ni Chelsea na natatakot ito.

May ideya si Elliot sa kung anumang tumatakbo sa isip ni Chelsea. “Nahihiya kasi sayo noong nasampal kita. Gusto ko lang sanang mag sorry sayo sa p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status