Naglakad si Avery papunta sa parking lot at kumaripas siya ng maneho pauwi. Dahil naiipon na ang luha sa magkabila niyang mga mata, halos hindi niya na makta ang daan kaya huminto muna siya sa isang gilid. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari kay Robert dahil sa pagiging premature nito, sana may kinontrol niya ang emosyon niya.Habang iniisip niya na sinalo ni Robert ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, hindi mapatawad ni Avery ang sarili niya. Kung papipiliin siya sa buhay nila ni Robert, hindi siya magdadalawang isip na ialay ang buhay niya para sa anak niya! …Sa mansyon ni Wanda, kasalukuyan siyang umiinom ng wine habang nakikipag usap sakanyang phone. “Congrats, Chelsea!” Masaya niyang bati. “Malapit ng mamatay ang anak ni Avery Tate. Kung hindi sana naging premature ang bata, baka hindi ito nangyari.”Nakwento na ni Charlie kay Chelsea ang tungkol dun kanina. Pero ang pagkakasabi ng kapatid niya ay may sakit lang ang bata at wala naman itong nabanggit
Alam ni Mrs. Cooper na sa lagay ni Avery ngayon ay hindi nito kakayaning magbuhat ng mabigat kaya siya na mismo ang nag represinta, “Gusto mo bang dalhin ko nalang yan sa kwarto mo?” Nakatitig lang si Avery sa kahon at umiling, “Wala naman akong binili kaya hindi ko rin alam kung anong laman niya. Pakibuksan nalang.”“Sige, kukuha lang ako ng gunting.”Noong umalis si Mrs. Cooper, sakto namang dumating sina Hayden at Layla. Hindi na talaga kaya ni Avery ang sakit ng tiyan niya kaya umupo muna siya sa sofa. “Mommy, anong laman ng package na yan?” Tanong ni Layla. “Hindi ko rin alam kasi wala naman akong binili.” Sagot ni Avery.Kumunot ang noo ni Hayden. “Hindi kaya nakkaatkot nanaman ang laman niyan kagaya noong nakaraan?”Bigla ring naalarma si Avery. Sabi ni Mrs. Cooper, mabigat daw ang kahon. Ano naman kayang laman niyan? Bato? Semento?“Pumunta muna kayo sa kwarto niyo.” Nag aalala si Avery na baka kung ano nanaman ang laman ng package at ayaw niyang matakot nanaman
Nanginginig ang mga tuhod ni Avery habang naglalakad para tignan ang itim na lapida. “Avery! Wag mo ng tignan!” Sigaw ni Mrs. Cooper at dali-dali niyang hinarangan ang lapida para hindi makita ni Avery.Pero hinawi ni Avery si Mrs. Cooper. “Gusto kong makita kung ano ang nakasulat… Ipakita mo sa akin!” Bago pa humarang si Mrs. Cooper, nasilip na ni Avery ang puting ink na nakaukit. “Dito naka himlay si Robert Foster”Buhay pa ang anak niya… lumalaban… sino nanamang kampon ni Satanas ang gumawa nito?!“Avery, kung sino man ang nagpadala nito, sigurado ako na may masama siyang balak! Kailangan nating tumawag ng pulis!” Nangingig ang mga kamay ni Mrs. Cooper sa kaba nang hawakan niya ang kamay ni Avery. “Wag kang magpapatinag sakanila! Kailangan mong tatagan ang loob mo, Avery. Buhay pa si Robert! At kahit ano pang sabihin nila, lumalaban ang bata.”Dahil sa mga sinabi ni Mrs. Cooper, hindi na napigilan ni Avery na maging emosyunal. Niyakap niya si Mrs. Cooper at umiiyak na
Pero baka tama nga ang sinabi ni Avery… na hindi siya karapat-dapat na maging isang tatay! Kung sarili niya ngang buhay ay hindi niya maayos, paano pa kaya siya magpapalaki ng bata?Pagkarating ni Wesley, si Mike at Chad lang ang naabutan nila ni Shea sa neonatal unit.“Bakit, Wesley?” Gulat na tanong ni Mike nang makita niyang may dalang kahon si Wesley. May nakasulat na “Blood Transfusion Kit” sa labas nito. “Dugo,” Sagot ni Wesley. Wala na siyang oras para makipag usap kaya pagkatapos niyang sagutin si Mike, dire-diretso siyang naglakad papunta sa doctor’s office.Sinundan naman siya nina Mike at Chad. “Yan ba yung dugo na pwedeng gamitin ni Robert? Yung sinasabi nilang RH negative?”“Oo, pero kaunti lang ‘to.” Sagot ni Wesley. Parehong gulat na gulat sina Mike at Chad. “Paano ka nakakuha niyan, Wesley?”Hindi sumagot si Wesley. Sobrang bigat ng puso niya. Noong tinanong niya si Shea kung gusto nitong mag donate ng dugo para kay Robert, hindi ito nag alangan kaya
Nagmamadaling umakyat si Elliot papunta sa master’s bedroom. Pagkabukas niya ng pintuan, tanging ang nightstand lang ang naka bukas habang si Avery naman ay nakaupo sa kama at nakatulala.“May nahanap ng dugo, Avery!” Sobrang gandang balita nun para kay Avery kaya dali-dali itong tumayo. Tumakbo si Elliot papalapit sakanya para alalayan siya. “Dito ka nalang muna, Avery. Ako na ang babalik sa ospital.” Sa wakas, nakita na ni Elliot ang pag asa sa mukha ni Avery! “Magiging okay si Robert.”“Inumpisahan na daw ba nila ang blood transfusion?” Hinawakan ni Avery ang kamay ni Elliot at mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata.”“Katatapos lang daw itest ng doktor ang dugo. Si Wesley daw ang nagdala kaya nagtitiwala ako. Sobrang putla mo. Magpahinga ka muna. Babalitaan kita kaagad pag nasa ospital na ako.”Nakahinga ng sobrang luwag si Avery. “Sige na, bumalik ka na sa ospital!” "Okay."Inalalayan ni Elliot si Avery na humiga at hinintay niya lang na makatulog ito bago siya luma
Kinuha ni Elliot ang kanyang phone para tawagan si Wesley. Medyo matagal bago ito sumagot. “Kamusta na si Robert?”“Saan mo nakuha ang dugo, Wesley?” Naglakad si Elliot papunta sa isang sulok na walang makakarinig sakanya at medyo tumaas ang kanyang boses. “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin!” Palaging magkasama sina Shea at Wesley. Kaya hindi imposibleng galing kay Shea ang dugong sinala nito! Wala naman talagang intensyon si Wesley na magsinungaling, pero hindi niya rin alam kung paano niya sasabihin kay Elliot ang katotohanan.“Sa tingin ko, hindi ka naman talaga nag titiwala sa akin, Elliot Foster.” Kalmadong sagot ni Wesley. “Kaya mo bang maniwala sa akin? Eh noong sinabi ko nga sayo na walang namamagitan sa amin ni Avery noon, ayaw mong maniwala diba?”“Ibang usapan yung ngayon!”“Pagod ako.” Ayaw ng makipag usap ni Wesley kay Elliot. “Kung gusto mong malaman kung kay Shea ba galing ang dugong yan, bakit hindi nalang siya ang tanungin mo? Sigurado ako na sasagu
Umupo si Elliot sa labas ng ICU. Hindi nagtagal, tumabi sakanya si Mike. “Sige na, umuwi ka na muna para makapag pahinga ka.” Sabi ni Elliot. “Sanay akong mag puyat, at kahit naman umuwi ako, hindi rin ako makaktulog.” Sumandal si Mike sa upuan at nag scroll ng kanyang phone. “Naghahanap din ako ng mga pwedeng mag donate sa Bridgedale… Sa tingin ko naman hindi naman ganito dapat ka imposibleng makahanap tayo kahit pa gaano ka rare ang blood type ni Robert. Sa tingin mo, bakit kaya walang nag dodonate sa atin? Kulang pa ba ang inooffer nating pera?”“Hindi naman kasi lahat alam ang blood type nila, at wala rin silang ideya kung gaano na tayo kadesperado ngayon. Mas malaki pa ang mundo kaysa sa inaakala natin. Maraming mga tao na nakatira sa mga lugar na walang kuryente at tubig. Baka nga hindi pa nila alam kung ano ang internet eh.”Tinignang ni Mike si Elliot para basahin ang mood nito. “Sabagay. Mukhang alam ko na kung bakit maraming babaeng naiinlove sayo. Bukod sa mayaman ka
Kinuha ni Avery ang kanyang phone para tawagan si Shea. Nag riring lang ito pero walang sumasagot kaya naisipan niyang tawagan si Wesley. Sumagot naman ito kaagad. “Avery, kamusta ka na? Kamusta na si Robert?”“Okay naman ako. Ganun din si Robert… Sinabi ng doktor sa akin na bumisita raw si Shea kanina at sobrang putla daw niya? Tinatwagan ko kasi siya pero hindi siya sumasagot kaya nag aalala ako sakanya.”Biglang kinabahan si Wesley. “Sige, pupuntahan ko na siya.”“Sige. Balitaan mo ako ha? Okay naman ang itsura niya pag nakikita ko siya kaya nagulat din ako na sinabi ng doktor na maputla raw siya. Kung hindi talaga maganda ang pakiramdam niya, dalhin mo siya kaagad sa ospital para macheck up siya.”“Sige.”Nagmamadaling binaba ni Wesley ang tawag, at tinawagan ang bodyguard ni Shea. Sumagot kaagad ang bodyguard. “Nasaan si Shea? Okay lang ba siya?” Ninenerbyos na tanong ni Wesley. “Nakatulog siya sa sasakyan. Pauwi na kami.” Sagot ng bodyguard. “Medyo maputla siya, Mr