Share

Kabanata 516

Medyo lihis ang sagot ni Avery, pero sobrang naiintindihan ni Elliot kung anong gusto nitong iparating.

Para bang sinasabi nito na wag na siyang mag abala pang alamin ang anumang tungkol kina Hayden at Layla, at kahit pa gaano kalakas ang kutob niya na anak niya si Hayden, hindi yun totoo dahil ang tanging anak niya lang ay angt ang dinadala nito ngayon!

Kung ang dating Elliot ang pagbabasehan, malamang ay pumutok na ito ngayon sa galit sa naging sagot ni Avery pero ginagawa niya ang lahat para magbago kaya hindi na siya sumagot at hinayaan nalang ito.

Pagkatapos lagyan ni Avery ng gamot ang sugat, kumuha siya ng gasa para sana balutin ang kamay ni Elliot.

“Wag na, kahit band aid nalang.” Sa tingin ni Elliot, sobra naman ang gasa para sa ganun kaliit na sugat at baka isipin pa ng iba ay injured siya.

Pero parang walang narinig si Avery at binalot pa rin ang kamay ni Elliot ng gasa.

“Wag mo munang hayaang mabasa ang sugat mo ng ilang araw.”

“Paano ako maliligo?” Tanong ni E
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status