Share

Kabanata 515

“Si Elliot, yung masamang lalaki na yan, hinalikan niya ako…” Humihikbing sagot ni Layla.

‘Hinalikan ako ng walang kwenta kong tatay… ibig sabihin ba nun ay gusto niya ako?’ Isip ni Layla. ‘Hmph! Kahit na! Hindi ko pa rin siya mapapatawad!’

Lumapit si Elliot kay Avery at humingi ng pasensya, “Avery, sorry. Ang cute kasi ni Layla kaya hindi ko napigilan.”

Hindi inaasahan ni Avery ang lahat ng nangyari. Una, hindi niya inakala na mahilig din pala si Elliot sa mga bata at pangalawa, ngayon niya lang ito na narinig na nag sorry ng diretsahan sakanya.

“Alam kong cute ang anak ko, pero hindi naman siya pwedeng halikan nalang ng lahat dahil dun. Kung pwede pala siyang halikan ng kahit sino dahil cute siya, hindi ko nalang siya ilalabas kasi kawawa naman siya.” Kahit na pinapagalitan ni Avery si Elliot, sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

Kilala ni Avery si Elliot… Kahit gaano nito kagustong gawin ang isang bagay, kayang kaya nitong magpigil. ‘Hindi kaya naramdaman na niya ang lukso n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status