Share

Kabanata 518

Yumuko si Elliot at tinitigan niya ng diretso sa mga mata si Layla. “Bakit tinatawag mo lang ako sa pangalan ko? Hindi maganda yan.”

Nagbuntong hininga si Layla at nakanguso na sumagot, “Kasi masama kang tao!”

“Yan ba ang tinuro sayo ng Mommy niyo?” Kalmadong tanong ni Elliot.

Hindi siya galit. Alam ni Elliot na bata lang si Layla kaya sigurado siya na hindi nito naiintindihan ang mga sinasabi nito.

At malamang may mga narinig ito sa nakatatanda na akala nito ay okay lang kaya ginagaya nito.

“Hindi ah! Hindi kayang manira ng Mommy ko ng ibang tao!” Naisip ni Layla na baka ibaling ni Elliot ang sisi kay Hayden kaya bigla niyang binago ang topic. “Anong niluluto mo?”

“Sweet barbeque ribs.” Sagot ni Elliot at ipinakita niya ang minarinate niyang ribs. “Favorite ‘to ng Mommy niyo. Gusto mo bang tikman? Sandali, lulutuan din kita.”

Walang pagdadalawang isip na sumagot si Layla, “Gusto ko ng chocolate! Hindi ako mahilig sa karne! Pwede mo ba yang lagyan ng chocolate? Pero wag mong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status