Nahihiyang lumapit si Mrs. Cooper kay Elliot noong medyo matagal na itong nakatayo sa labas, “Pumasok na po tayo, Master Elliot!” Wala siyang ideya sa kung anong pinag usapan nito at ni Avery pero isa lang ang sigurado niya, ayaw na ayaw ng amo niyang nasasaktan nito si Avery lalo pa ngayong buntis ito. Grabe din naman ang ginawa ni Zoe kanina pero sa kabilang banda ay naiintindihan niya rin naman na may pinanghuhugutan ito... Kung hindi siguro ito nakunan, malamang nakapanganak na ito ngayon. Nag buntong hininga si Elliot at naglakad papasok sa sala. Nakita niya si Zoe na nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa.Nang makita siya nito, nilapag nito ang tasa sa center table at lumapit sakanya. “Elliot, binigyan ko muna si Shea ng sedative. Hindi pa pala siya nakakatulog simula kagabi kaya maganda na magpahinga muna siya.” Sabi ni Zoe habang nakatitig kay Elliot. “Oo nga pala, kailangan niyang pumunta sa ospital bukas para sa cranial check up niya.”Tumungo lang si Elliot.
“Elliot, pumunta na pala kayo ni Shea sa ospital? Akala ko ba sabay tayo?” Naiinis na bungad ni Zoe. Maaga siyang pumunta sa mansyon pero sinabi sakanya ni Mrs. Cooper na kanina pa raw umalis sina Elliot at Shea.Nakatingin langt si Elliot sa mga labas masok na tao sa entrance ng ospital at hindi apektadong sumagot, “Okay naman ang result.”“Ohh.. Magandang balita yan. Oo nga pala, hinahanda ko na rin ang treatment plan para sa pangatlong surgery ni Shea.” Yabang ni Zoe. “May naisip akong magandang ideya! Kapag nagtuloy-tuloy na maging okay si Shea, pwede na natin siyang operahan bago matapos ang taong ‘to.”“Masisiguro mo ba sa akin na kaya mong pabalikin si Shea sa normal pagkatapos ng pangatlong surgery na sinasabi mo?”Nagulat si Zoe.Ano siya sa tingin ni Elliot? Gumagawa ng milagro?“Hindi ko masasabing one hundred percent, pero…”“Kung ganun, wag na nating ituloy.” Walang enosyong sagot ni Elliot. “Balikan mo nalang ako kapag one hundred percent na ang guarantee na kaya
Mabilis na lumipas ang mga araw at Children’s day at prenatal check up na ni Avery bukas. Noong una, akala talaga ni Avery ay hindi kakayanin ng baby niya sa sobrang dami ng gamot na ininom niya noong first trimester niya. Pero buti nalang, malakas ang baby at kinakaya nito hanggang ngayon. Kapag maganda ang resulta ng check up bukas, opisyal ng magkakaroon ng pregnancy medical file si Avery sa ospital na yun. “Sasamahan ka ba ni Elliot na magpa check bukas, Avery?” Tanong ni Mike habang nag gagabihan sila. “Bakit? May date ka ba bukas? Kaya ko namang pumunta dun ng mag isa.” Sagot ni Avery. Biglang tumaas ang isang kilay ni Mike, “Ano?! Hindi ka sasamahan ni Elliot?”“Hindi niya naman ako kailangang samahan. Isa pa kapag ikaw ang sumama sa akin, baka isipin ng lahat na ikaw ang tatay ni baby.”“Magpasama ka nalang sa katulong.”“Wag na. Mas kailangan siya ng mga bata. Pumunta ka na sa date mo at wag mo na akong alalahanin.” Humigop muna si Avery ng sabaw bago siya magp
Para itong isang estatwa na nakatayo lang at hindi gumagalaw!Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery.Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang phone para tignan kung nag text o tumawag sakanya si Elliot. Pero hindi! ‘Anong oras siya dumating?‘Bakit parang sobrang aga naman ata?’‘Kung nagkataon na nalate ako kaunti ng gising, ibig sabihin mas matagal siyang maghihintay sa labas?” Mabilisang nagpalit si Avery ng damit at nagmamadali siyang bumaba. Pagkabukas niya ng pintuan, tumambad sakanya si Elliot na nakatitig sakanya. Nakasuot si Avery ng puting dress at medyo bumagal ang hakbang niya papalapit dito. Nagtatakang tinignan ni Elliot ang relo niya. ‘Alas siyete palang, bakit gising na siya?’‘Akala ko ba nagiging antukin ang mga buntis?’Binuksan ni Avery ang gate at nagtanong, “Anong ginagawa mo dito?”Sa laki ng eyebags ni Elliot, sigurado siya na hindi pa ito nakakatulog buong magdamag. “Pumunta ako dito para sunduin ka. Maaga pa, bakit gising ka na? Pwede
Nablangko ang utak ni Avery.Nakalimutan niya ang lahat ng gusto niyang sabihin.“Ni hindi man lang nila ito dinedeny! Hahaha!” Pang-aasar ng nanay ni Wesley.Napakmot si Wesley ng ulo, at awkward na bnago ang usapan.“Ang resulta ng blood test ay ilalabas pagkatapos natin kumain ng mananghalian.”Tumango si Avery, yumuko at nagsimulang kumain.Pagkatapos nila mananghalian, pinilit ni Avery si Wesley na huwag na siya samahan sa ospital para kunin ang resultya niya.Nahihiya na kasi siya sa pag-abala dito kaninang umaga.Ang bahay ni Wesley ay malapit sa ospital, kaya naman ay magkasama silang naglakad ni Elliot.“Bakit hindi mo ako hinayaan na magpaliwanag kanina? Natutuwa ka ba na wala akong alam?” Sabi niya.“Hindi naman tayo close kay Mrs. Brook, kaya hindi na natin kailangan makipagsagutan sa kanya.”Si Elliot ay naglalakad sa tabi niya habang nakamasid ito sa paligid.“Hindi ka man close sa kanya, pwes ako oo.”“Dahil magkakilala naman kayo, pwede mo naman ipaliwanag
Kahit na nagkaroon si Elliot ng relasyon kay Zoe, ang mga chismis tungkol sa lovelife nito ay mas hindi skandaloso kaysa sa ibang mga matagumpay na lalaki.…Alasais ng gabi, sila Avery at ang mga bata ay dumating na sa restaurant na pinili ni Elliot.Si Elliot ay nagreserve ng VIP room.Nung sinabi ni Avery ang room number sa reception desk, kaagad naman silang dinala ng waiter dito.Pagkapasok nila, biglang napasigaw si Layla sa gulat!“Mommy! Ang ganda dito!”Ang kwarto ay puno ng dekorasyon na hango sa Children’s Day.May mga makukulay na mga lobo, ilaw at bulaklak. Meron din itong maraming regalo na nababalutan ang sahig kaya namanghanga sila lahat.“Ano ang mga nasa loob ng mga regalo, Mommy?” Tanong ni Layla habang dinadampot ang isa sa mga regalo.“Mga dekorasyon lang yan. Wala silang laman.” sabi ni Avery.Ngumiti ang waiter at sinabi, “Actually, Miss Tate, may mga regalo sa loob ng mga yan at si Mr. Foster ang naghanda ng mga ito. Itong lahat ay mga regalo para sa
Hindi makapunta si Elliot dahil kay Zoe.Hindi ito ang nakapanakit kay Avery ng sobra.Ang pinakamasakit ay naalala niya ang katotohanan na may anak silang dalawa ni Zoe.Dagdag pa dito, inaakusahan siya nito na siya ang pumatay sa anak nito… At, pinaniwalaan siya ni Elliot.Dahil kung hindi, hindi niya ipagbubuntis ang anak nila ngayon.Nung mga sandlaing ito, napuno ng luha ang mga mata niya.Pinatay niya ang tawag dahil nawalan siya ng lakas, at kailangan humawak sa lamesa bilang suporta.Nung napansin nila na nag-iba ang mommy nila, kaagad silang napatalon sa kinakaupuan nila.“Mmmy! Anong problema?” Malakas na sigaw ni Layla habang naiiyak.“Hindi ba siya dadating, Mommy?” HUla ni Hayden. “Huwag ka na umiyak, Mommy. Uwi na tayo!”Pinilit ni Avery na lunukin ang mga luha niya at guilty na sinabi, “Gutom kayong dalawa, tama? Lumipat tayo sa ibang restaurant para sa dinner.”Sabay na umiling ang dalawa.“Hindi ako gutom, Mommy! Galit lang ako…” sabi ni Layla habang namumu
Nung napatay na ni Avery ang tawag, doon lang narealize ni Elliot ang nangyayari.Bigla siyang tumigil sa pagmamaneho, at sumigaw, “Alis!”Nagulat si Shea, habang iyak ng iyak si Zoe sa likod.Alam ni Zoe na siya ang kausap ni Elliot, pero ayaw niyang umalis sa sasakyan hanggang sa makarating sila sa city.“Huwag mong hintayin na gumamit ako ng pwersa, Zoe!” Habang masama na nakatingin kay Zoe.Namutla si Zoe sa takot. Kaagad niyang binuksan ang pinto at bumababa ng sasakyan.Pagkalabas niya, biglang humarurot ang sasakyan at parang kidlat ito sa bilis.Mga dalawampung minuto ang lumipas, nakarating an rin si Elliot sa restaurant.Pagkapasok niya sa kwarto, tinuro ng manager ang mga regalo at sinabi, “Binuksan nila ang lahat ng regalo, pero wala silang kinuha na kahit isa.”Parang may bumara sa lalamunan ni Elliot at namula ang mga mata niya habang nakatingin sa mga nabuksan na regalo.“Kumain sila ng mga prutas at mga snacks,” pagpapatuloy ng manager. “Medyo nalate ka lang a