Share

Kabanata 495

Para itong isang estatwa na nakatayo lang at hindi gumagalaw!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery.

Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang phone para tignan kung nag text o tumawag sakanya si Elliot.

Pero hindi!

‘Anong oras siya dumating?

‘Bakit parang sobrang aga naman ata?’

‘Kung nagkataon na nalate ako kaunti ng gising, ibig sabihin mas matagal siyang maghihintay sa labas?”

Mabilisang nagpalit si Avery ng damit at nagmamadali siyang bumaba.

Pagkabukas niya ng pintuan, tumambad sakanya si Elliot na nakatitig sakanya.

Nakasuot si Avery ng puting dress at medyo bumagal ang hakbang niya papalapit dito.

Nagtatakang tinignan ni Elliot ang relo niya.

‘Alas siyete palang, bakit gising na siya?’

‘Akala ko ba nagiging antukin ang mga buntis?’

Binuksan ni Avery ang gate at nagtanong, “Anong ginagawa mo dito?”

Sa laki ng eyebags ni Elliot, sigurado siya na hindi pa ito nakakatulog buong magdamag.

“Pumunta ako dito para sunduin ka. Maaga pa, bakit gising ka na? Pwede
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status