Share

Kabanata 499

Nung napatay na ni Avery ang tawag, doon lang narealize ni Elliot ang nangyayari.

Bigla siyang tumigil sa pagmamaneho, at sumigaw, “Alis!”

Nagulat si Shea, habang iyak ng iyak si Zoe sa likod.

Alam ni Zoe na siya ang kausap ni Elliot, pero ayaw niyang umalis sa sasakyan hanggang sa makarating sila sa city.

“Huwag mong hintayin na gumamit ako ng pwersa, Zoe!” Habang masama na nakatingin kay Zoe.

Namutla si Zoe sa takot. Kaagad niyang binuksan ang pinto at bumababa ng sasakyan.

Pagkalabas niya, biglang humarurot ang sasakyan at parang kidlat ito sa bilis.

Mga dalawampung minuto ang lumipas, nakarating an rin si Elliot sa restaurant.

Pagkapasok niya sa kwarto, tinuro ng manager ang mga regalo at sinabi, “Binuksan nila ang lahat ng regalo, pero wala silang kinuha na kahit isa.”

Parang may bumara sa lalamunan ni Elliot at namula ang mga mata niya habang nakatingin sa mga nabuksan na regalo.

“Kumain sila ng mga prutas at mga snacks,” pagpapatuloy ng manager. “Medyo nalate ka lang a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status