Share

Kabanata 492

Nahihiyang lumapit si Mrs. Cooper kay Elliot noong medyo matagal na itong nakatayo sa labas, “Pumasok na po tayo, Master Elliot!”

Wala siyang ideya sa kung anong pinag usapan nito at ni Avery pero isa lang ang sigurado niya, ayaw na ayaw ng amo niyang nasasaktan nito si Avery lalo pa ngayong buntis ito.

Grabe din naman ang ginawa ni Zoe kanina pero sa kabilang banda ay naiintindihan niya rin naman na may pinanghuhugutan ito...

Kung hindi siguro ito nakunan, malamang nakapanganak na ito ngayon.

Nag buntong hininga si Elliot at naglakad papasok sa sala.

Nakita niya si Zoe na nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa.

Nang makita siya nito, nilapag nito ang tasa sa center table at lumapit sakanya.

“Elliot, binigyan ko muna si Shea ng sedative. Hindi pa pala siya nakakatulog simula kagabi kaya maganda na magpahinga muna siya.” Sabi ni Zoe habang nakatitig kay Elliot. “Oo nga pala, kailangan niyang pumunta sa ospital bukas para sa cranial check up niya.”

Tumungo lang si Elliot.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status