Share

Kabanata 490

Nakita ni Avery na biglang nakahinga ng maluwag si Mrs. Cooper.

Ibig sabihin, masaya ito na pumunta si Zoe para ma check up si Shea.

“Gising na daw ba si Master Elliot? Kailan daw siya uuwi?” Tanong ni Mrs. Cooper sa bodyguard.

Pero bago pa makasagot ang bodyguard, dumating si Zoe na may dala-dalang first aid kit.

“Tinawagan ka ba ni Master Elliot, Miss Sanford?”

Tumungo si Zoe. “Oo. Pauwi na rin siya. Kamusta si Shea?”

Noong paakyat na sana si Zoe, bigla siyang nagilan nang makita niya si Avery na nakatayo sa second floor.

Gusto sanang magwala ni Zoe agad-agad pero pinigilan niya ang sarili niya.

Tumingin siya kay Mrs. Cooper, at may tono ng inis na nagtanong, “Sinong nagpapunta kay Avery Tate dito?”

“Bibisitahin lang sana ni Avery si Shea,” naiilang na sagot ni Mrs. Cooper.

“Ah… akal ko naman may nagpapunta sakanya!”

Umakyat si Zoe at naglakad papunta kay Avery. “Diba matagal na kayong hiwalay ni Elliot, Avery? Base sa balita ko, ikaw ang nang iwan sakanya at palagi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status