Ano nalang kaya ang pwedeng mangyari kung nagkataon na wala si Tammy noong oras na yun sa bahay ni Elliot na tumawag ng ambulansya. Noong araw na yun, nag isip ng maigi si Avery hanggang sa kinagabihan, napagdesisyunan niyang pumunta sa mansyon ni Elliot. “Ipagdadrive na nita,” Sabi ni Mike habang nakasunod kay Avery palabas ng bahay.Umiling si Avery at simabi, “Hindi na, bibisitahin ko lang si Shea. Babalik din ako kaagad.”“Ako pa niloko mo! Kung si Shea lang talaga ang pakay mo, pwede mo naman siyang tawagan lalo na ngayon na may phone na siya!” Dahil masyadong prangka si Mike, alam ni Avery na hindi siya mananalo dito kahit pa anong palusot ang sabihin niya. “Wag mo na akong ipag drive. Kaya ko ng pumunta mag isa doon.”“Baliw ka ba?! Buntis ka ngayon kaya sa tingin mo ba hahayaan kitang mag drive ng mag isa, lalo na at sobrang lalim na ng gabi? Takot ko lang na patayin ako ni Elliot kapag may nangyari sayo!” Pagpupumilit ni Mike. “Ganito nalang…Ipagdadrive nalang kita
Nakita ni Avery na biglang nakahinga ng maluwag si Mrs. Cooper. Ibig sabihin, masaya ito na pumunta si Zoe para ma check up si Shea. “Gising na daw ba si Master Elliot? Kailan daw siya uuwi?” Tanong ni Mrs. Cooper sa bodyguard.Pero bago pa makasagot ang bodyguard, dumating si Zoe na may dala-dalang first aid kit. “Tinawagan ka ba ni Master Elliot, Miss Sanford?”Tumungo si Zoe. “Oo. Pauwi na rin siya. Kamusta si Shea?”Noong paakyat na sana si Zoe, bigla siyang nagilan nang makita niya si Avery na nakatayo sa second floor.Gusto sanang magwala ni Zoe agad-agad pero pinigilan niya ang sarili niya. Tumingin siya kay Mrs. Cooper, at may tono ng inis na nagtanong, “Sinong nagpapunta kay Avery Tate dito?”“Bibisitahin lang sana ni Avery si Shea,” naiilang na sagot ni Mrs. Cooper.“Ah… akal ko naman may nagpapunta sakanya!” Umakyat si Zoe at naglakad papunta kay Avery. “Diba matagal na kayong hiwalay ni Elliot, Avery? Base sa balita ko, ikaw ang nang iwan sakanya at palagi
Hindi sumagot si Avery kay Mrs. Cooper.Tama… hindi nalang talaga dapat siya pumunta doon. Dapat nakinig siya kay Mike.May phone naman si Shea at kung gusto niya itong pasalamatan, pwede naman sana niya itong tawagan muna bago siya makipag kita dito. Pagkarating ni Avery sa ground floor, kinuha niya lang ang kanyang bag sa sofa at dire-diretso siyang naglakad palabas. Sakto, yun din ang dating ng itim na Rolls Roice.Nakauwi na si Elliot. Noong oras na yun, wala na ng mapaglagyan ang hiya ni Avery. Kung kanina pa sana siya bumaba, sana hindi na siya naabutan ni Elliot, Muli… sana kanina pa siya nakinig kay Mrs. Cooper… galit na galit si Avery sa sarili niya. “Nandito na pala si Master Elliot, Avery.” Sabi ni Mrs. Cooper. ‘Ano naman kung nakauwi na siya?’Yumuko si Avery at nagpatuloy sa paglalakad. Pero huli na ang lahat dahil nakita na ni Elliot ang sasakyan ni Avery sa labas. Hindi niya inexpect na bibisita si Avery.Pagkababa niya ng sasakyan, nakita niya i
Nahihiyang lumapit si Mrs. Cooper kay Elliot noong medyo matagal na itong nakatayo sa labas, “Pumasok na po tayo, Master Elliot!” Wala siyang ideya sa kung anong pinag usapan nito at ni Avery pero isa lang ang sigurado niya, ayaw na ayaw ng amo niyang nasasaktan nito si Avery lalo pa ngayong buntis ito. Grabe din naman ang ginawa ni Zoe kanina pero sa kabilang banda ay naiintindihan niya rin naman na may pinanghuhugutan ito... Kung hindi siguro ito nakunan, malamang nakapanganak na ito ngayon. Nag buntong hininga si Elliot at naglakad papasok sa sala. Nakita niya si Zoe na nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa.Nang makita siya nito, nilapag nito ang tasa sa center table at lumapit sakanya. “Elliot, binigyan ko muna si Shea ng sedative. Hindi pa pala siya nakakatulog simula kagabi kaya maganda na magpahinga muna siya.” Sabi ni Zoe habang nakatitig kay Elliot. “Oo nga pala, kailangan niyang pumunta sa ospital bukas para sa cranial check up niya.”Tumungo lang si Elliot.
“Elliot, pumunta na pala kayo ni Shea sa ospital? Akala ko ba sabay tayo?” Naiinis na bungad ni Zoe. Maaga siyang pumunta sa mansyon pero sinabi sakanya ni Mrs. Cooper na kanina pa raw umalis sina Elliot at Shea.Nakatingin langt si Elliot sa mga labas masok na tao sa entrance ng ospital at hindi apektadong sumagot, “Okay naman ang result.”“Ohh.. Magandang balita yan. Oo nga pala, hinahanda ko na rin ang treatment plan para sa pangatlong surgery ni Shea.” Yabang ni Zoe. “May naisip akong magandang ideya! Kapag nagtuloy-tuloy na maging okay si Shea, pwede na natin siyang operahan bago matapos ang taong ‘to.”“Masisiguro mo ba sa akin na kaya mong pabalikin si Shea sa normal pagkatapos ng pangatlong surgery na sinasabi mo?”Nagulat si Zoe.Ano siya sa tingin ni Elliot? Gumagawa ng milagro?“Hindi ko masasabing one hundred percent, pero…”“Kung ganun, wag na nating ituloy.” Walang enosyong sagot ni Elliot. “Balikan mo nalang ako kapag one hundred percent na ang guarantee na kaya
Mabilis na lumipas ang mga araw at Children’s day at prenatal check up na ni Avery bukas. Noong una, akala talaga ni Avery ay hindi kakayanin ng baby niya sa sobrang dami ng gamot na ininom niya noong first trimester niya. Pero buti nalang, malakas ang baby at kinakaya nito hanggang ngayon. Kapag maganda ang resulta ng check up bukas, opisyal ng magkakaroon ng pregnancy medical file si Avery sa ospital na yun. “Sasamahan ka ba ni Elliot na magpa check bukas, Avery?” Tanong ni Mike habang nag gagabihan sila. “Bakit? May date ka ba bukas? Kaya ko namang pumunta dun ng mag isa.” Sagot ni Avery. Biglang tumaas ang isang kilay ni Mike, “Ano?! Hindi ka sasamahan ni Elliot?”“Hindi niya naman ako kailangang samahan. Isa pa kapag ikaw ang sumama sa akin, baka isipin ng lahat na ikaw ang tatay ni baby.”“Magpasama ka nalang sa katulong.”“Wag na. Mas kailangan siya ng mga bata. Pumunta ka na sa date mo at wag mo na akong alalahanin.” Humigop muna si Avery ng sabaw bago siya magp
Para itong isang estatwa na nakatayo lang at hindi gumagalaw!Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery.Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang phone para tignan kung nag text o tumawag sakanya si Elliot. Pero hindi! ‘Anong oras siya dumating?‘Bakit parang sobrang aga naman ata?’‘Kung nagkataon na nalate ako kaunti ng gising, ibig sabihin mas matagal siyang maghihintay sa labas?” Mabilisang nagpalit si Avery ng damit at nagmamadali siyang bumaba. Pagkabukas niya ng pintuan, tumambad sakanya si Elliot na nakatitig sakanya. Nakasuot si Avery ng puting dress at medyo bumagal ang hakbang niya papalapit dito. Nagtatakang tinignan ni Elliot ang relo niya. ‘Alas siyete palang, bakit gising na siya?’‘Akala ko ba nagiging antukin ang mga buntis?’Binuksan ni Avery ang gate at nagtanong, “Anong ginagawa mo dito?”Sa laki ng eyebags ni Elliot, sigurado siya na hindi pa ito nakakatulog buong magdamag. “Pumunta ako dito para sunduin ka. Maaga pa, bakit gising ka na? Pwede
Nablangko ang utak ni Avery.Nakalimutan niya ang lahat ng gusto niyang sabihin.“Ni hindi man lang nila ito dinedeny! Hahaha!” Pang-aasar ng nanay ni Wesley.Napakmot si Wesley ng ulo, at awkward na bnago ang usapan.“Ang resulta ng blood test ay ilalabas pagkatapos natin kumain ng mananghalian.”Tumango si Avery, yumuko at nagsimulang kumain.Pagkatapos nila mananghalian, pinilit ni Avery si Wesley na huwag na siya samahan sa ospital para kunin ang resultya niya.Nahihiya na kasi siya sa pag-abala dito kaninang umaga.Ang bahay ni Wesley ay malapit sa ospital, kaya naman ay magkasama silang naglakad ni Elliot.“Bakit hindi mo ako hinayaan na magpaliwanag kanina? Natutuwa ka ba na wala akong alam?” Sabi niya.“Hindi naman tayo close kay Mrs. Brook, kaya hindi na natin kailangan makipagsagutan sa kanya.”Si Elliot ay naglalakad sa tabi niya habang nakamasid ito sa paligid.“Hindi ka man close sa kanya, pwes ako oo.”“Dahil magkakilala naman kayo, pwede mo naman ipaliwanag