Pagkalipas ng limang araw, as usual dumating si Elliot sa Sterling Group ng alas diyes ng umaga.“Sir, bukas na po ang engagement niyo. Ayaw niyo po bang mag day off muna ngayon?” Bati ni Chad.“Ayoko.” Sagot ni Elliot habang naglalakad papunta sa kanyang office habang nakabuntot si Chad. “Sir, nabalitaan ko po kay Mike na okay daw ang naging pag’uusap nila ng Bohmer Holdings at nakumbinsi daw nila ito na magtayo ng kumpanya dito sa Aryadelle na magsusupply sakanila ng mga high-end na lense.“Kung hindi po ako nagkakamali, ang Bohmer Holdings din po ang nagsusupply sa Alpha Technologies, diba?” Tanong ni Elliot. “Mhm tama. Isa lang ang ibig sabihin nito.. Mukhang maganda talaga ang relasyon ni Miss Tate sa may ari ng Bohmer Holdings kasi kung sa mga normal na sitwasyon lang, sa tingin ko hindi sila magiging ganun ka willing na mag set up ng kumpanya nila dito sa Aryadelle.” LUmapit si Chad kay Elliot at pabulong na nagpatuloy, “Sir, may natuklasan akong interesting sa Bohmer Ho
“Mommy, nahihilo si Layla. Magiging okay din siya. Kailangan niya lang magpahinga kaya wag ka ng mag’alala. Ako ng bahala sakanya.” Sagot ni Hayden.“Ah… okay. Sige, ikaw ng bahala sa kapatid mo ah.”“Okay po.”Pagkatapos ng tawag, hindi bumalik si Avery sa loob ng kanyang office at nag drive pa rin siya pa uwi.Malakas ang kutob niya na wala ang mga anak niya sa bahay. Kung sasabihin niyang uuwi siya, sigurado siyang uuwi ang mga ito. Sa oras na hindi niya maabutan ang mga ito sa bahay, saka niya ulit tatawagan si Hayden.Sa palagay ni Avery, nagpapanggap na may sakit ang mga ito para gawin nanaman ang mga sikreto nitong agenda.Kumpara kay Hayden, sobrang inosente ni Layla at kadalasan ay sumusunod lang ito sa kuya nito.Ilang beses niya na ring nahuhuli si Hayden na gumagawa ng kalokohan kaya sa tuwing may mga kakaiba itong kinikilos, sobrang kinakabahan siya. Pagkarating niya sa harapan ng bahay nila, nagmamadali siyang bumaba at naglakad papunta sa front door. Inenter
“Bakit? Anong tingin mo sa sarili mo? Bata ka rin naman ah!” Naiinis na sagot ni Layla. “Nadumihan ang mga mata ko noong nakita ko yun. Gusto mo rin bang madumihan ang mga mata mo?” Umiling si Layla. Interesado siya pero dahil sa mga sinabi ni Hayden, hindi bale nalang. “Gusto tayong kuhaan ni Mommy ng bodyguard,” Biglang bago ni Layla ng topic. “Kapag may bodyguard na tayo, hindi na tayo basta-bastang makakapunta kahit saan natin gusto!” “Kapag nangyari yun, ikaw ang magdidistract sa mga bodyguard habang ginagawa ko ang mga misyon ko.”“Kapag kinasal talaga yung walang kwenta nating tatay doon sa Sanford na babae na yun, ayoko na talaga siyang makita dahil hindi natin kailangan ng tatay na hindi naman kayang magakatatay!” Tinignan ni Hayden ang inosente niyang kapatid, “Hindi niya papakasalan yung babaeng yun.”“Bakit hindi?”“Kasi hindi siya mabuting babae.”“Hindi rin naman mabuting tao si Daddy kaya bagay lang sila!” Hindi na sumagot si Hayden. Pakiramdam niya s
Kahit gaano pa kapangit at kalala ang naging experience ng isang customer, sino ba naman ang hindi maeengganyo kapag inofferan sila ng high-end na version ng halos libre?!Sa labas ng Tate Industries, nagdagsaan ang mga returning customer. Alas nuebe na ng gabi nang makalabas si Avery ng kanyang office.Wala na siyang ibang pinuntahan at nagdrive siya diretso pauwi. Malamang tulog na ang mga anak niya pag dating niya. Kapag natapos na ang lahat ng mga gusot na inaayos niya, nagbabalak siyang magbakasyon ng sandali para matutukan niya ang mga bata.Habang nagmumuni-muni, biglang nag ring ang kanyang phone. Sinilip niya ang screen at nang makita ang pangalan ng tumatawag, kinonnect niya ito sa kanyang bluetooth earphones at sinagot ang tawag.“Avery! Nakita mo ba ang kumakalat ngayon sa social media?! Nakakainis ha!” Galit na galit na salubong ni Tammy mula sa kabilang linya. “Ang bait bait mo na ngang binigyan mo sila ng mga libreng drone kahit hindi mo naman kailangang gawi
Sa wakas, si Eric Santos na matagal ng hinahanap ni Elliot ay nagpakita na ulit sa social media!Bilang tinuturing na hari ng pop icon, ang aksidente na siguro nito three years ago ang pinaka malaking trahedya na nangyari sa buhay nito!Mula nun, tuluyan itong nawala sa limelight.At ang alam ng lahat ay patay na ito.Pero hindi tumigil ang mga diehard fan nito na mag post sa social media kung gaano umaasa ang mga ito na mag milagro at mabuhay ang idol ng mga ito. At ngayon… tuluyan na ngang nangyari ang milagro!Nagpost si Eric Santos sa account nito ng eksaktong 6:55 noong umagang yun. [Mga kaibigan. Tatlong taon na ang nakaraan noong huling beses akong nakapag post. Kamusta kayong lahat? Gusto ko lang sabihin sainyo na maayos ang lagay ko, pero medyo malungkot ako. Bumili rin ako ng Storm Series drone last year. Kung saan-saan ko ito ginamit at sobrang pasasalamat ko dito dahil nacapture nito ang ilan sa mga magagandang ala-ala na babaunin ko habang buhay. Sobrang pasasalam
“Mike! Bakit hindi niyo sinasagot ni Miss Tate ang mga phone ninyo?” Hindi mapakaling salubong ng vice president. “May nangyari! Bilisan mo! Gisingin mo na si Miss Tate!” Walang ideya si Mike kaya nag’aalala at natataranta rin niyang pinapasok muna ang vice president. “Ano bang nangyari? Magsasara na ba ang company natin? Hindi naman diba?”“Paano kayo naka contact ng isang sikat na celebrity sa loob lang ng isang gabi? Pinagtanggol lang naman ng pop idol na si Eric Santos ang product natin! Sobrang sikat nun!” Nanlaki ang mga mata ni Mike sa sobrang gulat.“Teka… hindi ko maintindihan… anong ibig mong sabihin?!” “Diyos ko! Ang super star na si Eric Santos ay sinuportahan lang naman ang ating Storm Series sa social media! Mula noong magpost siya kaninang umaga, hindi na naawat ang mga customer na nagoorder sa atin! Ang masaklap dito ay mas marami ng di hamak ang nagoorder sa atin ngayon kahit sumahin mo pa ang lahat ng mga order noon bago tayo magkaroon ng issue!Kanina pa t
Sa loob ng itim na Rolls-Roice, nakalock ang lahat ng pintuan habang si Avery naman ay naka upo sa loob at nagpupumilit na makalabas. Hindi niya rin alam kung ano eksakto ang nangyari pero nagising nalang siya na nandoon na siya.Ano to?Abduction?“Anong kailangan mo sa akin, Elliot?” Tanong ni Avery nang may nanlilisik na mga mata.‘Diba ngayon ang engagement party niya?‘Bakit siya nandito?’“Kilala mo ba si Eric Santos, Avery?” Tinitingan ni Elliot si Avery ng diretso sa mga mata. “Wag mong subukang magsinungaling sa akin.”Pagkatapos sagutin ni Avery ang tawag ni Eric kanina, nag deadbatt ang kanyang phone kaya wala siyang ideya sa kung anong nangyayari ngayon sa internet. “Hindi, bakit?”Tinitigan niya rin ng diretso sa mga mata si Elliot at pinilit niyang wag ipahalatang kinakabahan siya. “Bakit ka niya tutulungan kung hindi kayo magkakilala?” Ramdam ang galit sa boses ni Elliot na sobrang bilis magsalita. “Nakita ko ang picture niya sa phone mo. Kilala kita. Hindi
“Pinapasabi ni Elliot na icancel na ang engagement kasi hindi daw siya pupunta.” Natatarantang sabi ni Henry, sabay hawak sa kamay ng kanyang nanay.Hindi maintindihan ni Rosalie kung anong nangyayari.“Bakit? May nangyari ba?”Umiling si Henry. “Hindi ko rin alam, mommy. Pagkatapos niyang magsalita, binaba niya kaagad. Sa tingin ko may nangyari! Sandali, tatawagin ko ang driver para maihatid ka na muna sa mansyon. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga bisita.”Sobrang nakakahiya! Pero wala rin namang may kayang kumalaban kay Elliot kaya nanahimik nalang ang lahat habang pinapanuod si Zoe na humahagulgol sa isang sulok. Ito na ata ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buong buhay ni Zoe! Noong oras na yun, gusto niya ng magpakain sa lupa. Hinawakan niya ang kanyang gown at tumakbo palabas ng banquet hall nang humahagulgol.Hindi niya palalampasin ‘to! Kailangan niyang makaganti kay Avery!Sa loob ng kanilang classroom sa Starry River Kindergarten, pinapanuod ni Hayden kung pa
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan