Share

Kabanata 341

“Pinapasabi ni Elliot na icancel na ang engagement kasi hindi daw siya pupunta.” Natatarantang sabi ni Henry, sabay hawak sa kamay ng kanyang nanay.

Hindi maintindihan ni Rosalie kung anong nangyayari.

“Bakit? May nangyari ba?”

Umiling si Henry. “Hindi ko rin alam, mommy. Pagkatapos niyang magsalita, binaba niya kaagad. Sa tingin ko may nangyari! Sandali, tatawagin ko ang driver para maihatid ka na muna sa mansyon. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga bisita.”

Sobrang nakakahiya!

Pero wala rin namang may kayang kumalaban kay Elliot kaya nanahimik nalang ang lahat habang pinapanuod si Zoe na humahagulgol sa isang sulok.

Ito na ata ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buong buhay ni Zoe! Noong oras na yun, gusto niya ng magpakain sa lupa. Hinawakan niya ang kanyang gown at tumakbo palabas ng banquet hall nang humahagulgol.

Hindi niya palalampasin ‘to! Kailangan niyang makaganti kay Avery!

Sa loob ng kanilang classroom sa Starry River Kindergarten, pinapanuod ni Hayden kung pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status