“Okay lang yun. Kahit pa mahanap niya ako, wala siyang makukuha sa akin. Wag kang mag’alala.” Sagot ni Eric. “Okay. Pagbutihin mo ang rehabilitation therapy mo ha. Hinihintay ko ang comeback mo.”“Gagawin ko ang lahat!” …Noong gabing yun, nagkaroon si Eric ng hindi inaasahang bisita sakanyang villa na nasa tuktok ng bundok. Hindi niya inakala na mahahanap siya ni Elliot ng ganun kabilis.”May kasama itong babae. “Hello, Eric. Pasensya ka na kung naka istorbo ako sayo.” Magalang na bati ni Elliot. “Sobrang tagal na kitang hinahanap at sa totoo lang, akala ko hindi na talaga kita makikita. Buti nalang at nagpost ka ng video mo kaninang umaga.”Walang bakas ng kahit anong kaba sa mukha ni Eric. Ngumiti siya kay Elliot at magalang din na sumagot, “Ano pong maitutulong ko sainyo, Mr. Foster?” Tinignan ni Elliot si Shea at sinabi, “Shea, may pusa doon oh. Gusto mo siyang tignan?”Naglakad si Shea para tignan ang pusa habang may nakabuntot na bodyguard sakanya. Tinignan n
‘Bakit hindi nagsabi ng totoo sa akin si Avery? Nag iingat lang ba siya o ganun nalang talaga kalalim ang galit niya sa akin?‘Kung nag’iingat siya… anong rason niya? Anong kinatatakot niya?‘Kung galit naman siya sa akin — parang mas mahirap naman atang intindihin yun! Wala naman akong ginawang masama sakanay, bakit ba siya galit na galit sa akin?!’Sobrang nakakunot ang noo ni Elliot habang nasa byahe sila paauwi. Pagkarating nila sa mansyon, ibinilin niya kay Mrs. Cooper si Shea. Wala pang limang minuto na nakakauwi sila nang may tumawag sakanya kaya muli siyang umalis. Nang makita ni Ben si Elliot na papasok ng Twilight Bar, dali-dali siyang kumuha ng upuan para rito. “Elliot! Buong araw kitang hinahanap, saan ka ba nanggaling?” Nilagyan ni Ben ng wine ang baso ni Elliot. “Pinuntahan ko si Eric Santos.” Kinuha ni Elliot ang wine at uminom. “Hindi kayo maniniwala sa kung sino ang nag opera sakanya.”Nagtinginan ang lahat kay Elliot. Nagaantay ang mga ito na magpatuloy si
Sinubukang isipin ni Elliot kung ano ang mga nasabi niya pero sobrang sakit ng ulo niya kaya hinayaan niya nalang. Wala na siyang pakielam sa kahit ano pang narinig ni Zoe!…Pakiramdam ni Zoe ay pinukpok siya ng bato sa ulo na para bang nagpira-piraso ang utak niya. Kahit na hindi niya tanggap na mas magaling sakanya si Avery, kailangan niyang harapin ang katotohanan!Kung si Avery nga ang sikretong estudyante ni Professor Hough at ang anonymous na doktor na nagopera kay Shea ng dalawang beses, mukhang tapos na talaga siya! May laban pa sana siya kung nagkataong magkaibang doktor ito kahit pa si Avery ang isa rito!Pero ang alam ni Elliot ay siya talaga ang nasa likod ng mga surgery ni Shea. Sa oras na umamin si Avery balang araw, lahat ng mayroon siya ngayon ay siguradong mawawala…‘Kailangan kong makaisip ng paraan!’Pagkatapos mag’umagahan, sinamahan ni Zoe na maglakad-lakad si Rosalie sa garden ng mansyon.“Aunt Rosalie, sinabi po sa akin Elliot ang dahilan kung bakit niya
Biglang natigilan si Avery, hindi niya alam kung anong gagawin niya. ‘Masyado bang napalakas ang pagkakahawi ko sakanya?” Habang nakahiga si Zoe sa sahig, nakahawak ito sa tiyan nito at sumisigaw, “Ang anak ko… ang anak ko…”Nagulantang ang lahat sa sigaw ni Zoe kaya napasugod ang mga kasambay, bodyguard at si Rosalie.“Avery bakit ka nakahiga jan?” Galit na galit na tanong ni Rosalie, “Tinulak ka ba ni Avery?”Paano pa ba madudulas si Zoe kung hindi dahil kay Avery. Imposible naman na matapilok ito dahil sobrang patag ng sahig. Umiiyak si Zoe sa sobrang sakit. “Avery! Inagaw mo na nga sa akin si Elliot, pati ba naman ang anak ko? Walang kinalaman ang anak —”Biglang nahimasmasan si Avery. Sigurado siya na set up lang ang lahat ng ‘to pero ang hindi niya maintindihan ay bakit sinugal nito ang sarili nitong anak. Para magalit sakanya si Elliot? Paano kapag may nangyari talaga sa bata?“Zoe, alam natin ang totoong nangyari. Ginagamit mo ang sarili mong anak para iset up ako.
Sa kabilang linya, napahawak ng mahigpit si Elliot sakanyang phone. Pagkalipas ng kalahating oras, dumating siya sa ospital. “Mr. Foster, sorry. HIndi na po namin kayang iligtas ang anak ninyo.” Malungkot na balita ng doktor. “Hinimatay po si Miss Sanford sa sobrang lungkot.”Hindi maawat kakaiyak si Rosalie na nakatayo sa isang gilid. Hindi siya makapag salita.Si Richard naman na tatay ni Zoe, ay nakatayo rin sa isang gilid at may hawak na itim na plastic. Sobrang putla nito at ang laman plastic ay ang patay na fetus. “Elliot, ayos lang naman kita kung hindi mo talaga mahal ang anak ko pero bakit kailangang madamay ng apo ko?! Ang sama sama mo!” Galit na galit na sabi nI Richard.Tinignan ni Elliot ang plastic at sinabi, “Akin na ang bata.”Halo-halo ang naramdaman ni Elliot, pero ni isa dun ay wala ang lungkot. Siguro galit… galit kay Avery na naging dahilan ng pagkamatay ng bata. Pero may parte rin sakanya na nagsasabing gusto niyang ipapaternity test ang patay na fetus
Biglang natahimik si Elliot. Hindi niya inakala na ganito pala kasama si Avery. “Avery, buhay ang pinaguusapan natin dito. Ganyan ka ba talaga kasama?” “Bakit? Namatay ba ang anak mo?” Huminga ng malalim si Avery. “Siguro tinatawanan ako ni Zoe ngayon no? Sinet up niya ako kapalit ang sarili niyang anak. No wonder kaya hindi mo siya maiwan-iwan.”Dalawa ang ibig sabihin ni Avery. Bukod sa masama at walang kwentang nanay si Zoe, gusto niyang iparating kay Elliot na magkaparehas ang mga ugali nito.“Dinudugo siya ngayon at kasalukuyan siyang nirerevive ng mga doktor. Parte pa rin ba to ng plano niya? Sabihin mo nga? Hindi lang anak niya ang napahamak, pati siya mismo. Anong masasabi mo, Avery?”Hindi nakapagsalita si Avery. “Avery, sa pagkakataong ito, hindi na kita palalampasin!” Pagkatapos itong sabihin ni Elliot ay naputol na ang tawag. Habnag si Avery naman ay naiwang nakahawak sakanyang phone. Sobrang putla ng mukha niya at parang mahihimatay siya sakanyang kinatatayuan.
Alas sinco ng hapon sa Starry River Kindergarten. Ito ang unang araw na may bodyguard sina Hayden at Layla at ang unang trabaho nito ay ang sunduin ang dalawa. “Uncle bodyguard, pwede po ba kaming maglaro ni Hayden sa labas?” Tanong ni Layla. Sinusubukan niyang tignan kung gaano ito kaluwag. Ngumiti ang bodyguard at sumagot, “Sige, sasamahan ko kayong maglaro pagkatapos niyong mag dinner.”“Oh! Anong dinner? Magoorder ba tayo o paglulutuan mo kami? Anong oras ka uuwi?”“Uuwi ako kapag dumating na ang mommy o uncle Mike niyo. Pwede ko kayong ipagluto ng kahit anong gusto niyo.”“Hmm edi kailangan naying pumunta sa supermarket para bumili ng ingredients! Kapag pinagluto mo ba kami, madodoble ang bayad sayo ng mommy namin? Paano pag hindi ka pala masarap magluto?”Hindi napigilan ng bodyguard na matawa sa sobrang pagkainosente ni Layla. “Sapat ang bayad sa akin ng mommy niyo para ipag luto kayo.”Sinama ng bodyguard ang dalawang bata sa supermarket. Pagsapit ng alas siyete, n
Bigyan siya ng isa bilang kapalit?Akala ni Avery ay nagkamali lang siya ng dinig. ‘Anong akala niya ganun ganun lang na gumawa ng bata? Anong gusto nitong mangyari?Nang makita ni Elliot na naguguluhan si Avery, kalmado siyang nagpaliwanag, “Gagamitin mo yang matres mo para bigyan ako ng anak. Wala akong pakielam kung mabuhay yun o hindi, basta sa akin!” Kinilabutan si Avery sa sinabi ni Elliot. “Elliot! Baliw ka na talaga!” ‘Noong buntis ako sa mga anak mo, pinakaladkad mo ako sa mga bodyguard mo para ipa abort sila! Nakakalimutan mo na ba na nangyari yun?!’‘Tapos ngayon gusto mo akong magbuntis? Anong tingin mo sa akin? Laruan?’‘Bubuntisin mo ako kung kailan mo gusto at pipilitin mo akong magpa’abort kapag ayaw mo ng anak?!’“Haha! “Oo, baliw na ako! Baliw na baliw!” Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Elliot habang nagsasalita sa sobrang galit. “Avery, ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nabaliw. Ikaw ang ang mga kasinungalingan mo! Sinagad mo na ako!”Sobrang natakot