Share

Kabanata 348

Biglang natigilan si Avery, hindi niya alam kung anong gagawin niya.

‘Masyado bang napalakas ang pagkakahawi ko sakanya?”

Habang nakahiga si Zoe sa sahig, nakahawak ito sa tiyan nito at sumisigaw, “Ang anak ko… ang anak ko…”

Nagulantang ang lahat sa sigaw ni Zoe kaya napasugod ang mga kasambay, bodyguard at si Rosalie.

“Avery bakit ka nakahiga jan?” Galit na galit na tanong ni Rosalie, “Tinulak ka ba ni Avery?”

Paano pa ba madudulas si Zoe kung hindi dahil kay Avery. Imposible naman na matapilok ito dahil sobrang patag ng sahig.

Umiiyak si Zoe sa sobrang sakit. “Avery! Inagaw mo na nga sa akin si Elliot, pati ba naman ang anak ko? Walang kinalaman ang anak —”

Biglang nahimasmasan si Avery. Sigurado siya na set up lang ang lahat ng ‘to pero ang hindi niya maintindihan ay bakit sinugal nito ang sarili nitong anak.

Para magalit sakanya si Elliot? Paano kapag may nangyari talaga sa bata?

“Zoe, alam natin ang totoong nangyari. Ginagamit mo ang sarili mong anak para iset up ako.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status