Share

Kabanata 335

“Mommy, nahihilo si Layla. Magiging okay din siya. Kailangan niya lang magpahinga kaya wag ka ng mag’alala. Ako ng bahala sakanya.” Sagot ni Hayden.

“Ah… okay. Sige, ikaw ng bahala sa kapatid mo ah.”

“Okay po.”

Pagkatapos ng tawag, hindi bumalik si Avery sa loob ng kanyang office at nag drive pa rin siya pa uwi.

Malakas ang kutob niya na wala ang mga anak niya sa bahay.

Kung sasabihin niyang uuwi siya, sigurado siyang uuwi ang mga ito. Sa oras na hindi niya maabutan ang mga ito sa bahay, saka niya ulit tatawagan si Hayden.

Sa palagay ni Avery, nagpapanggap na may sakit ang mga ito para gawin nanaman ang mga sikreto nitong agenda.

Kumpara kay Hayden, sobrang inosente ni Layla at kadalasan ay sumusunod lang ito sa kuya nito.

Ilang beses niya na ring nahuhuli si Hayden na gumagawa ng kalokohan kaya sa tuwing may mga kakaiba itong kinikilos, sobrang kinakabahan siya.

Pagkarating niya sa harapan ng bahay nila, nagmamadali siyang bumaba at naglakad papunta sa front door.

Inenter
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status