"Sumakay na kayo sa private jet, sasamahan ko muna dito si Layla. Robert, ikaw na ang bahala kay Ivy ah. Hindi ko sigurado kung kailam ako makakauwi.” Bilin ni Elliot. Nakatayo sa tabi nila si Ivy habang kinakausap ni Elliot si Robert."Aalagaan ko pong mabuti si Ivy," sagot ni Robert."Magpahinga muna kayo para makabiyeha na kayo kaagad bukas.” Gusto ni Elliot na makapag pahinga ng maayos ang dalawa para naman hindi pagod na pagod ang mga ito bukas. “Tawagan mo amo kapag may nangyari at sasabihin niyo ang lahat sa akin.”"Opo, Daddy."Tumingin si Elliot kay Ivy at sinabi, “Ivy, wag ka na masyadong mag alala. Bastam mag focus ka lang sa pag aaral mo at sa oras na medyo mas gumaan na ang sitwasyon dito, uuwi ako kaagad.”Tumango si Ivy at sinabing, "Diba nagsabi ang doktor na kuhaan natin si Layla ng psychologist Layla?"“Itatanong ko rin muna yan kay Layla at pag uusapan namin ng Mommy mo.”Tumango si Ivy. "Daddy, ang dami mo ng puting buhok." Nakatayo si Ivy malapit kay Elli
Biglang natawa si Mike. "Siguro pareho lang ng teknik sa pagpapakintabng sapatos.""Mas mahirap talaga magkulay ng buhok kaysa doon," sabi ni Chad. "Pero matalino si Avery kaya walang magiging problema sakanya basta sundin mo ang instruction.”Tumango si Elliot."Mommy, bakit hindi na lang kayo pumunta ni Daddy sa salon? Baka marumimihan pa ang mga kamay niyo," sabi ni Hayden.Magaling si Hayden mambola. Sa totoo lang ay natatakot siya na baka hindi talaga kayanin ni Sabrina, pero sinabi niyai na lang niya na ayaw niya lang na marumi ang kamay nito para hindi ganun kabigat!"Gusto ng mommy mo na siya mismo ang gumawa para sa daddy mo. Hindi mo ba alam kung anong tawag dito?" Niyakap si Mike kay Hayden at sinabi, "Ito ay tinatawag na 'spicing things up'. Wala ka namang girlfriend, kaya hindi mo maiintindihan."Hindi sumagot si Hayden sa pang-aasar ni Mike."Late na, kaya mauuna na kami ni Chad," biglang sabi ni Mike bago pa man magkaroon ng pagkakataon si Hayden na maipagta
"Layla, sigurado ako na hindi magagalit si Uncle Eric sa'yo paggising niyaat magiging sobrang saya nkiya kapag nakita ka niyang nasa maayos na kalagayan." Gusto ni Ivy na maalala ni Layla kung ano ang nararamdaman ni Eric sa kanya nang iligtas niya ang kanyang buhay.Ngumiti si Layla nang sabihin ni Ivy na magigising si Eric. "Maghihintay ako na bumukas ang kanyang mga mata."Pagkatapos maligo, bumalik ang dalawa sa living room at nakita nila si Avery na kinukulayan ng buhok si Elliot, sa tulong ni Robert. "Kinakabahan ka ba, Daddy?" Lumapit si Ivy at nanood kay Avery.Kinakabahan si Elliot, pero nangibabaw sakanya ang tiwala niya kay Avery. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkulay ng buhok si Avery, pero naniniwala siya na kapag sinunod nito ang instruction ay alam na kaagd nito ang gagawin.“Itim lang naman ang ikukulay kaya hindi kailangang maging sobrang perpekto. Isa pa, practoce makes perfect! Kapag tumanda na kami ng Mommy niyo,m mas dadami rin ang mga puti naming
"Tara na!" sabi ni Avery habang tinatapik si Layla sa balikat.Hindi gumalaw si Layla sakanyang kinatatayuan na para bang hindi niya narinig ang sinabi ni Avery, kaya hinawakan nito ang kanyang kamay at inilabas siya sa intensive care ward bago tulungan si Layla na tanggalin ang kanyang protective equipment."Huwag kang umiyak, Layla. Magiging okay siya," sabi ni Avery. "Ito ay pansamantala lamang. Kapag nakakuha na siya ng donor at naoperahan na siya, hindi na niya kailangan umasa sa mga machine."Niyakap ni Layla ang kanyang Mommy at napaiyak. "Mommy, kailangan mo siyang iligtas... Marami pa akong gustong sabihin sa kanya...""Alam ko." Hinaplos ni Avery ang likod ni Layla. "Malaki ang ginawa niya para sa pamilya natin, kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya at gagawin ko ang lahat para makahanap ng donor... Kapag nakahanap kami, magiging okay na si Eric.""Papaano natin mapapabilis ang proseso, Mommy?" Nais ni Layla na makatulong kahit ano pa ang gawin."Layla, alam kong nag
"Ang tiyahin ko dati ay host ng isang TV show, pero tumigil siya dahil nagkasakit. Ngayon ay nagtuturo siya, pero maselan siya sa mga tinuturuan niya. Dahil sa kanya, nag-major ako sa broadcasting. Hinahangaan ko siya," sabi ng babaeng kasama ni Ivy."Pinili ko rin ang major na ito dahil sa respeto ko sa isang broadcaster," sabi ni Ivy."Ah, sino siya?"Hindi alam ni Ivy kung ano ang sasabihin dahil ang broadcaster na kanyang hinahangaan ay mula sa Taronia.Lahat ng palabas na pinapanood niya at ang balita na kanyang nasusubaybayan ay mula sa Taronia, kaya hindi niya alam masyado ang mga broadcaster o mga host sa Aryadelle."Hindi ko alam ang kanyang pangalan," nagsinungaling si Ivy."Ivy, hindi ka nakikisama sa anumang pagtitipon. Hindi mo ba gusto ang mga ganitong okasyon, o bawal ka ng pamilya mo? Malaki ang gastos sa pagtira sa mga tirahan malapit sa aming kampus, kaya mayaman ang pamilya mo!""Hindi, hindi lang ako mahilig sa mga pagtitipon. Sali ako kapag may kredit
Nagulat si Ivy dahil hindi niya alam na uuwi sina Elliot at Layla. Hinawakan niya ang kanyang telepono at lumapit sa katabi niya, "Pasensya na! Kailangan ko nang umuwi ngayon. Bibilhan kita ng hapunan sa susunod na pagkakataon!""Sige lang! Hahapunan na lang ako mag-isa," sabi ng katabi niya."Salamat," sabi ni Ivy bago nagmadaling lumabas ng kantinahan."Nakakausap mo sino, Ivy?" narinig ni Robert si Ivy sa telepono."Kasama sa eskwela. Hindi siya sa klase ko," sabi niya. "Nasaan ka na ba ngayon, Robert?""Malapit na ako," sabi ni Robert nang hindi nag-iingat. "May bago ka bang kaibigan?""Hindi. Kung tutuusin, nakakagulat. Humingi ako ng tulong sa guro ko para maghanap ng tutor, at iyon nga, siya ang tiyahin ng bago kong tutor," maikling ipinaliwanag ni Ivy. "Mukhang mabait naman siya at hindi naman mukhang tsismosa."Sikat si Robert sa kanyang unibersidad dahil alam ng lahat kung sino ang kanyang pamilya, kaya hindi pa siya nakakaranas ng ganoong sitwasyon. Ginawa niya
Nagpadala rin siya ng mensahe kay Amy.Simula nung mga pangyayari sa Cambrode, ilang beses nang tumawag at nagtext si Amy kay Layla. Gusto pa nga nitong pumunta sa Bridgedale para bisitahin si Layla, pero tinanggihan ni Layla.Dahil nakabalik na siya, naisip ni Layla na dapat ay maabisuhan din si Amy tungkol sa kanyang pagbabalik.Lahat ng manager sa Tate Industries ay sobrang nag-aalala tungkol sa kanya, kaya bawat isa sa kanila ay sinabihan niya na nakauwi na siya.Di-nagtagal, tumigil sa harap ng bakuran ang kotse ni Robert, at tinanong ng mga katulong si Elliot kung gusto niya ng hapunan.Tumango si Elliot at tumayo mula sa sofa."Layla!" tumakbo si Ivy nang makita niya si Layla na lumabas ng bahay.Binuksan ni Layla ang kanyang mga braso at niyakap si Ivy ng mahigpit."Hayaan mo akong tingnan ka, Layla.""Gumaling na ako." Umikot si Layla para kay Ivy."Maganda yan," sabi ni Ivy habang pumapasok sila sa loob at nagpalit ng tsinelas bago siya nagdala kay Layla sa
Agad na sumagot ang tawag."Tita, ako ito si Layla." Kahit na dati nang tawagin ni Layla si Eric na kanyang tito, tinatawag pa rin niya ang nanay nito bilang 'tita' dahil sa kanyang kabataan at kagandahan.Tuwing bumibisita si Layla sa kanila, tinatawag niya si Mrs. Santos bilang 'tita' at si Eric naman ay tawagin niya sa pangalan.Kung kahit anong oras pa ito, masaya si Mrs. Santos na tumanggap ng tawag mula kay Layla, ngunit dahil hindi nila alam kung makakapagpaopera si Eric, malungkot ang kanyang puso at hindi niya maipakita ang kanyang kasiyahan.Sumagot si Mrs. Santos ng hums at sinabi ni Layla, "Tita, nandito na ako sa Aryadelle at gusto kitang bisitahin bukas."Nagdalawang-isip si Mrs. Santos bago pumayag."Hindi kita pipigilan sa pagtulog. Bukas na lang kita makikita," sabi ni Layla bago itinigil ang tawag.Bagaman hindi man lang inakusahan ni Mrs. Santos si Layla ng anuman, hindi pa rin nakakaligtas si Layla sa damdamin ng pagkakasala.Samantala, sa mansyon ni Eric, n
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan