"Tito," tawag ni Layla.Hummm si Mr. Santos, at nang makita niya na mag-isa si Layla, tinanong niya, "Ikaw ang nag-drive papa dito?""Oo."Kinuha niya ang mga regalo mula kay Layla at sinabi, "Nagluluto ang misis ko sa kusina. Mahilig ka sa kanyang luto, kaya nagluluto siya para sa iyo.""Hindi na kailangan. Lalabas na lang tayo at kakain." Ayaw ni Layla na mapagod sila."Marami kaming nabili sa palengke, kaya kumain na lang tayo sa bahay!" sabi ni Mr. Santos bago ibigay kay Layla ang isang pares ng malinis na tsinelas. "Ito yung parehong tsinelas na suot mo nung huli kang bumisita. Nalabhan na namin ito."Habang nagpapalit ng tsinelas, lumabas si Mrs. Santos mula sa kusina."Tita," lumapit si Layla kay Mrs. Santos. "Pasensya na po kayo at kay Tito. Pumunta ako dito para mag-apologize sa inyo.""Ay, huwag mo nang isipin yun. Tumawag na ang mga magulang mo at humingi na ng tawad." Inilihim ni Mrs. Santos ang kanyang kalungkutan at sinabi, "May iniwan ba sa atin na mensahe si Eri
"Layla, nakita kitang lumaki at alam kong isang mabuting babaeng kabataan ka. Hindi mo naman sinasadya ang mga nangyari. Hindi ka namin sisihin sa nangyari. Huwag kang mag-sorry. Dito ka na lang at maghapunan tayo. Magluluto na ako.""Pwede po akong tumulong," sabi ni Layla."Okay lang. Tutulungan na lang ng asawa ko. Magpahinga ka na lang. Kakalabas mo lang din ba sa ospital? Nakarekober ka na ba?" "Oo naman, kung hindi, hindi ako papayagan ng magulang ko na umuwi," sagot ni Layla."Maganda naman yan... Kung naging katulad ka rin ni Eric, mas lalo kaming malungkot," sabi ni Mrs. Santos, nang kaunti nang maibsan ang kanyang loob. "Panoorin mo na lang ang telebisyon habang naghihintay."Hindi naman interesado si Layla sa panonood ng telebisyon at sinabi, "Pwede po bang mag-stay muna ako sa kwarto ni Eric?""Sige, walang problema!" sabi ni Mrs. Santos.Dinala na ni Eric si Layla dito dati, kaya alam niya kung alin ang kwarto ni Eric.Si Layla lang ang babae bukod kay Mrs. Santos
Madalas ay nahuhuli niya si Eric na vinivideohan siya kapag nagrereview, kaya minsan niyang natanong kung bakit. Ipinaliwanag nito na gusto nitong ipakita sakanya kung saang aspeto siya pwede pang mag improve, at sa tuwing may gagawin naman siyang maganda ay hindi rin ito nagkukulang sa pagpuri sakanya. Kaya unti-unti siyang nasanay na vinivideohan siya ni Eric at siya na mismo ang excited na pinapanuod ang mga ito tuwing pagkatapos. Ang buong akala niya ay ganun lang yun kasimple, pero ang hindi niya inaasahan ay ang lahat pala ng recording sakanya ni Eric ay nakasave pala ang lahat at nakita niya ang mga ito nang minsan niyang hiramin ang iPad nito. "Palagi ba niya itong pinapanood?" tanong niya sa kanyang sarili.Hindi napigilan ni Layla na maging emosyunal. Pagkagraduate niya ng college, napagdesisyuan niya na huminto na sa pagiging artista at magfocus na sa pagiging tagapag mana ng Tate Industries, kaya mula nun ay unti-unti silang nagkalayo ni Eric. Dahil din sa tra
Ngumiti si Ivy pero malakas ang kutob niya na hindi talaga siya makakapasa sa internship kapag nag apply siya. Siyempre, mas pabor pa rin ang mga TV host doon sa mga estudyanteng may experience na…“Pag iisipan ko ng mabuti! Pero malakas din ang kutob ko na baka magulat ang recruiter sa application natin…”"Maniwala ka man o hindi, higit sa limampung porsyento ng mga major sa broadcasting ang mag-aapply. Tungkol naman sa iniisip ng recruiter, problema na niya 'yon. Hindi naman niya kayang tandaan lahat ng mga pangalan ng mga nag apply. Huwag kang mag-alala," sabi ni Meredith. "Ikaw ang dapat na may kontrol sa iyong kapalaran. 'Yan ang sinasabi sa akin ng tita ko. Nakuha ng tita ko ang internship kahit na first year student pa lang siya dahil sa kanyang kagandahan, kasanayan sa komunikasyon, at tapang. Bukod doon, wala siyang anumang karanasan.At higit sa lahat, hindi siya eksperto sa kahit anong paraan... pero siyempre, hindi pa maraming tao ang kumuha ng kursong ito noon."Medyo
Hindi niya rin nagustuhan ang sinabi nito na kaya nitong pumasa kahit hindi na ito mag aral.“Huy! Baka naman mali ang pagkakaintindi mo ha? Ang benefit na sinasabi ko ay ang talino at kasipagan na namana ko kina Mommy at Daddy. Ha ha! Baka hindi mo naitatanong pero magaling talaga ako sa school.” Nattawang paliwanag ni Robert. "Robert, baka ako ang pinakawalang talento sa pamilyang ito." Malungkot na umupo si Ivy sa dining table. "Kailangan kong mag-aral nang mabuti para maintindihan ko ang sinasabi ng lecturer.""Alam mo ba kung ano ang mga pinagdaanan ko noong bata pa ako?" sabi ni Robert habang nakatitig sa mga mata ni Ivy. "Noong bata ako, hindi mabilang na mga one-on-one classes ang mga inatenan ko, at hindi lang yun dun natatapos! Marami rin akong mga naging kaklase na iba’t-iba ang grade! Wala akong ibang ginawa kundi ang mag notes ng mag notes hanggang sa makapasok ako sa university. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa mga pinagdaanan ko noon kasi ngayon nagbubunga an
Nahihiya na napayuko si Ivy. "Hindi ko yata kayang gawin iyon, Robert.""Ha? Sagutin mo lang ang tanong ko kung gusto mo bang maging CEO ng isang kumpanya, at itigil mo muna ang pag-iisip kung karapat-dapat ka. Wala namang pinanganak na lider kaagad.” Sa tingin ni Robert, ang isang taong kalmado at tahimik na tulad ni Ivy ay bagay na maging isang lider.Medyo naguluhan si Ivy.Bago mag summer, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang makahanap ng trabaho na para makapag ipon. Kahit kailan, hindi niya naisip na kumuha ng kursong hindi niya naman magagamit kaya paano niya pa kaya maiisip na mangarap na maging isang lider?"Kitra mo, nag-aalangan ka." NIlagyan ni Robert ng isang pork rib ang plato ni Ivy at nagpatuloy, "Ibig sabihin gusto mo. Hindi katulad ko na sigurado ako hindi ko talaga gustong maging isang CEO.""Eh ano bang gusto mo?" tanong ni Ivy."Hmm… Kung sasabihin ko ba sa iyo na wala akong ibang gusto kundi ang magpahinga sa hanggang sa mamatay ako, matatawa ka ba sa a
Sa tingin ni Robertmagiging karangalan din naman ng kahit anong TV station na maging intern si Ivy! Isa pa, hindi man si Ivy ang makuha sa gusto nitong station, marami pa namang iba jan!”...Matapos tawagan ni Layla, pumunta kaagad si Elliot sa bahay nina Mr. at Mrs. Santos.Tumawag si Layla dahil may nangyaring hindi maganda.Habang sila ay kumakain ng tanghalian, nasobrahan si Mr. Santos sa pag inom ng alak kaya nalasing ito. Umiiyak ito at nagpupumilit na idonate ang puso nito kay Eric. Takot na takot si Layla.Walang basa sa mundo ang pumapayag na maging donor ng organ ang isang buhay na tao, kaya ang ginagawa ng karamihan ay nagiging organ pledgers sila o yung mga nagbibigay ng pahintulot na idonate ang kanilang mga organ sa oras na mamatay sila.Kaya nagmamadaling pumunta si Elliot at medyo matagal din niyang napakalma si Mr. Santos at nakumbinsing hindi yun magandang ideya. “Eh diba kailangan di ng anak ko ng baga? Pwede kong idonate yung akin!” Ramdam sa mga mata
"Sa oras na magising si Eric at malaman niyang isa sa inyo ang nag donate sakanya ng puso, sa tingin niyo ba gugustughin niya pang mabuhay?” Seryosong tanong ni Elliot. "Maniwala tayo kay Avery. Magiging okay si Eric."Tumango ang dalawa."Wag niyo rin masyadong ipressure si Avery. Ihahanda namin ang mga sarili namin sa lahat ng posibilidad.” Sabi ni Mr. Santos."Wag kayong mag alala, naiintindihan ko ang pinagdadaanan ninyo at gagawin namin ang lahat para maligtas siya," sagot ni Elliot."Salamat."Habang nasa byahe, ibinaba ni Layla ang bintana. Napatingin si Elliot. "Layla, isara mo ang bintana. Baka magkasakit ka.""Medyo naiinitan po ako, Daddy.""Nakalimutan mo na ba ang bilin ng Mommy mo? Mahina ka pa raw kaya hindi ka dapat masyadong malamigan."Sinenyasan ni Elliot ang driver, na agad namang sinara ang bintana.“Parang sobrang laki ng itinanda ng Mommy at Daddy ni Eric…” Malungkot na sabi ni Layla habang inaalala ang mga nangyari kanian. "Kahit naman walang nangy