Nanginig bigla ang katawan ni Yi Jinli. Gulat itong lumingon kay Ling Yiran. Masyadong puno ng emosyon ang madidilim at mapupungay nitong mga mata na hindi na maintindihan ni Ling Yiran.“Hayaan mo ako makipag-usap sa kanya, Jin.” sabi ni Ling Yiran, habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Yi Jinli para i-comfort siya. Tiningnan siya ni Yi Jinli nang hindi nagalaw. Ang kanyang maninipis na labi ay magkadikit.Nag-aalinlangan siya.Nag-aalinlangan siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin.Humakbang paharap si Ling Yiran paalis sa likod ni Yi Jinli. Hindi siya pinigilan ni Yi Jinli. Tiningnan niya si Gu Lichen na ilang hakbang lang ang layo sa kanya. “ Hindi ako ang hinahanap mo. Wala akong matandaan sa mga sinabi mo kaya, baka hindi ako yung taong hinahanap mo!” Kumislap ang mga mata ni Yi Jinli habang nagsasalita siya, habang ang mukha naman ni Gu Lichen ay halatang hindi naniniwala. “Imposible, ikaw... Nakalimutan mo, hindi ba? Nakalimutan mo na kasi sobrang tagal na?”“La
Hindi nagsalita at patuloy na nagmaneho si Yi Jinli habang nagpapanic. Hindi niya alam kung bakit siya natatakot. Natatakot ba siya na malaman ni Gu Lichen na si Yiran ang babaeng hinahanap niya, o natatakot siya na baka magkaroon ng feelings si Yiran kay Gu Lichen?Hindi, kahit kailan hindi malalaman ni Gu Lichen... ang totoo. Pinakialaman naman niya na ang ebidensya kung sakali. Mukhang... hindi talaga naalala ni Yiran ang mga nangyari noong panahon na yon. Pagkatapos niya ito ipa-imbestiga, nalaman niya na nagkasakit si Yiran pagkatapos na makita si Gu Lichen. Ipinadala pa nga siya sa Shen City dahil ang taas ng lagnat niya. Baka dahil sa lagnat kaya hindi niya maalala ang mga nangyari. Pero… kahit handa siya, bakit hindi pa rin siya mapakali? Na para bang may exception sa kahit na ano. Yung may mangyayari na hindi niya alam. Kagaya nalang ng mga litrato ni Gu Lichen na naiyak habang hawak ang kamay nito. Ano kayang iniisip niya rito? Bakit hindi siya ng kahit na ano tu
“Bakit tayo nandito?” nalilitong tanong ni Ling Yiran.Pinagdikit ni Yi Jinli ang kanyang manipis na labi at tumingin ng diretso sa bintana ng kotse para makita ang buong Shen City.Madals siya dalhin ng tatay niya dito nung nabubuhay pa ito at sinabi sa kanya,, “Alam mo, Jin? Kapag nasa itaas ka, doon mo lang maiintindihan na nakakalungkot sa taas. Pero, kung wala ka sa taas, madalas na, hindi mo kayang kontrolin ang iyong tadhana.” Kaya naman, kung gusto mong makontrol ang tadhana mo, kailangan mo umakyat pataas!Sa tuwing siya ay nalulungkot, aakyat siya dito para tingnan ang skyline ng Shen City. Sinasabihan niya rin ang kanyang sarili na balang araw, makokontrol din niya ang kanyang tadhana. Pero, gaano katagal na ba siya hindi nakapunta dito simula nung siya na ang namumuno sa Yi Group?Noon, akala niya kontrolado na niya ang kanyang tadhana at hindi na maapi ng kahit sino.Pero ngayon, nagmaneho siya papunta nanaman dito. Kontrolado niya ba talaga ang kanyang tadhana
Bakit... Kailangan ba niya sabihin pa ang sagot? Pero, ngayon ang tingin nito ay parang gusto nito sagutin niya ito.“Sabihin mo sakin. Bakit? Bakit hindi ka magkakagusto kay Gu Lichen.” Ipinagdidiinan nito na sagutin niya ito.Hindi mapigilan ni Ling Yiran na mamula pero sinabi niya parin ito ng malakas. “Kase ikaw ang gusto ko. Wala namang namamagitan samin ni Gu Lichen, Jin. Ayokong ma-misunderstand mo ako.”Wala lang ba talaga? Dumilim ng dumilim ang mga mata ni Yi Jinli. Ang mga litrato ni Gu Lichen habang yakap si Ling Yiran sa email inbox nito ay naalala niya ulit.Pati… yung litrato ni Gu Lichen habang naiyak sa harap ni Ling Yiran. Yung mga litrato na yun ay parang inaasar siya. Kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin mapuputol ang pinagsamahan nila Ling Yiran at Gu Lichen.“Wala? Wala ka talagang tinatago sa akin?” mahinang pagkakasabi niya. “Nilinaw ko na lahat sa pagitan namin ni Gu Lichen.” Akala niya, ang tinatanong ni Yi Jinli ay tungkol lang sa nangyari
Nagulat si Ling Yiran. 'Patunayan? Paano ko papatunayan?' Pero, sa sumunod na sandali, habang pinapanuod niyang nakatitig ito sa kaniya, may narealize siya. Nagdalawang isip siya, pagkatapos, siya na mismo ang nagpulupot sa mga kamay niya sa leeg ni Yi Jinli.Pagkatapos, iniangat niya ang kanyang baba at dahan-dahan na hinalikan ito sa labi. Malamig ang mga lab nito at ang amoy napanatag ang loob niya sa amoy nito. Mababaw lang ang halik niya, dampi lang ito sa labi, pero siya ang nag-initiate ngayon. Puno ng pagmamahal ang friction sa pagitan ng kanilang mga labi… Ito ang patunay kung gaano siya kahumaling sa kaniya. Pero, hindi sapat ang halik para kay Yi Jinli.Kung kailan titigil na siya sa paghalik, hinawakan ni Yi Jinli ang likod ng kanyang ulo at idinikit ng madiin ang labi nito sa kaniya. Pinaikot-ikot at sinuck, binuksan ang bibig niya at idiniin ang dulong dila niya sa bibig nito. Hiningi niya ang lahat ng sweetness nito.Nagulat siya sa biglaang intensity ng halik
Nagulat siya at ngayon, nakakaramdam siya ng danger mula rito.. Ang pagnanasa sa kanyang mata ay tila gusto siyang ubusin. Patuloy na hinalikan nito ang kanyang balat, at ang mga daliri nito ay naglakbay sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay naubusan na siya ng lakas. " Jin.. Jin.. Huwag… Huwag mong gawin 'to…" nauutal na ani Ling Yiran habang sinusubukan niya itong patigilan bago pa makagawa ng kung ano. Pero, ngayon, hindi na niya magalaw ang kamay nito. Pinira-piraso na nito ang kanyang floral dress. Pagkatapos, tumayo, tinignan siya, at tinanggal ang jacket nito.Nangangatog si Ling Yiran. Kung natuloy ito, sila ay… Hindi, hindi ganito ang gusto niya! Lalo na ngayon na parang iba ito sa sarili nito. Gusto nito na may patunayan siya na kung ano.. At sa muling pag lapat ng katawan nito sa katawan niya, nag-umpisa na siyang lumaban. "Hindi ko gustong patunayan ito sa ganitong paraan, Jin. Ito ay… Walang mapapatunayan. " Wala 'tong pinapatunay
Sinabi niya, "Tawagin mo akong Ate." Ate. Tinanggap siya nito bilang kapamilya niya simula ngayon.Lagi siyang tinatawag nito, "Jin, Jin.." Ang paraan niya nang pagtawag ang pinakagentle sa lahat, kaya naaadik siya rito. Gusto niyang marinig ang pagtawag nito sa kaniya habang buhay. "Jin… Jin…" Pagtawag nito. Tinatawag siya ulit nito… Pero bakit tila ang pag-iyak nito ay may kasamang hikbi? Umiiyak… ba siya? Unti-unitng bumalik sa wisyo si Yi Jinli at sa wakas ay nakita niya ang luhaang mukha ni Ling Yiran. Umiiyak… siya? Nasaktan ba niya ito? Oo, gusto niyang patunayan nito kung gaano ito kahumaling sa kanya, kung gaano siya nito kamahal, at kung gaano siya nito kagusto. Kaya naman, desperado siyang angkinin ito sa kotse. Pero, puno ng luha ang mukha nito, ang makinis na balat nito ngayon ay puno na ng mga pasa, at mukhang may takot sa mga mata nito. Natakot niya ba ito? Ang lahat ng ito ay dahil kay Gu Lichen na kahit ang kaisa-isang dahilan kung saan siya ay k
Pagkatapos ng ilang sandali, binuksan niya ang kanyang bibig at sinabing, "Kung sa tingin mo ang tanging paraan lang para mapatunayan ko sa 'yo kung gaano kita kamahal ay ang gawin ito ngayon dito, edi… sige." Handa siyang gawin ang lahat ng mga bagay na ayaw niyang gawin para sa kaniya. Hindi na mahalaga kung may makakita man sa kanila at malagay sila sa kahiya-hiyang sitwasyon. .Gusto niya lamang paginhawain ang kahinaan nito. Gusto niya ito alagaan. Nakatulala lamang si Yi Jinli sa taong nasa harapan niya. Ang boses niya'y pamilyar, pero kakaiba ito sa kaniyang pandinig. 'Anong sinasabi niya? Sabi niya willing siya.'Kahit kita sa katawan niyang nanginginig siya, kahit halatang natatakot siya, para sa kaniya… willing siya. Akala mo'y may kung anong dumadaloy sa kaniyang puso, pinaparamdam sa kanya ang hapdi at pait, pero… pinaginhawa nito ang kanyang agam-agam.Kahit ang malamig niyang katawan ay nagsmulang uminit ulit.. Ito si Yiran, ang babaeng mahal niya… Pagkatap