Hindi na siya makahinga dahil sa higpit ng yakap nito. “Hindi ako … Hindi … “ hirap na pagkakasabi ni Ling Yiran Akala ni Ling Yiran mahihimatay na siya dahil hindi na siya makahinga, nang biglang, nakaramdam siya ng pwersa na nag-alis sa kanya sa yakap ni Gu Lichen. Pagkatapos, ilang sandali lang ay nakarinig siya ng tunog ng suntok sa kanyang tenga. Sabay nito ang tunog nang mahinang pagsinghot, pagkahulog ng mabigat na mga gamit at ang pagbagsak ng mga upuan at mga shelves. Huminga ng malalim si Ling Yiran. Pagkatapos, ang tanging nakikita niya lang ay ang mukha ni Yi JinliSi Jin ang nag-alis sa kanya mula sa yakap ni Gu Lichen! Blankong napatitig si Ling Yiran kay Yi Jinli na nakatayo sa tabi niya, nagtataka kung bakit siya nandun. Malungkot na tinitigan ng Yi Jinli si Gu Lichen na kanyang sinuntok na nasa lapag. Sumandal si Gu Lichen sa mga shelves na napapalibutan ng mga kalat mula sa pagtama niya. May dugong tumutlo sa gilid ng kanyang mga labi. Sobrang halata na h
Nanginig bigla ang katawan ni Yi Jinli. Gulat itong lumingon kay Ling Yiran. Masyadong puno ng emosyon ang madidilim at mapupungay nitong mga mata na hindi na maintindihan ni Ling Yiran.“Hayaan mo ako makipag-usap sa kanya, Jin.” sabi ni Ling Yiran, habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Yi Jinli para i-comfort siya. Tiningnan siya ni Yi Jinli nang hindi nagalaw. Ang kanyang maninipis na labi ay magkadikit.Nag-aalinlangan siya.Nag-aalinlangan siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin.Humakbang paharap si Ling Yiran paalis sa likod ni Yi Jinli. Hindi siya pinigilan ni Yi Jinli. Tiningnan niya si Gu Lichen na ilang hakbang lang ang layo sa kanya. “ Hindi ako ang hinahanap mo. Wala akong matandaan sa mga sinabi mo kaya, baka hindi ako yung taong hinahanap mo!” Kumislap ang mga mata ni Yi Jinli habang nagsasalita siya, habang ang mukha naman ni Gu Lichen ay halatang hindi naniniwala. “Imposible, ikaw... Nakalimutan mo, hindi ba? Nakalimutan mo na kasi sobrang tagal na?”“La
Hindi nagsalita at patuloy na nagmaneho si Yi Jinli habang nagpapanic. Hindi niya alam kung bakit siya natatakot. Natatakot ba siya na malaman ni Gu Lichen na si Yiran ang babaeng hinahanap niya, o natatakot siya na baka magkaroon ng feelings si Yiran kay Gu Lichen?Hindi, kahit kailan hindi malalaman ni Gu Lichen... ang totoo. Pinakialaman naman niya na ang ebidensya kung sakali. Mukhang... hindi talaga naalala ni Yiran ang mga nangyari noong panahon na yon. Pagkatapos niya ito ipa-imbestiga, nalaman niya na nagkasakit si Yiran pagkatapos na makita si Gu Lichen. Ipinadala pa nga siya sa Shen City dahil ang taas ng lagnat niya. Baka dahil sa lagnat kaya hindi niya maalala ang mga nangyari. Pero… kahit handa siya, bakit hindi pa rin siya mapakali? Na para bang may exception sa kahit na ano. Yung may mangyayari na hindi niya alam. Kagaya nalang ng mga litrato ni Gu Lichen na naiyak habang hawak ang kamay nito. Ano kayang iniisip niya rito? Bakit hindi siya ng kahit na ano tu
“Bakit tayo nandito?” nalilitong tanong ni Ling Yiran.Pinagdikit ni Yi Jinli ang kanyang manipis na labi at tumingin ng diretso sa bintana ng kotse para makita ang buong Shen City.Madals siya dalhin ng tatay niya dito nung nabubuhay pa ito at sinabi sa kanya,, “Alam mo, Jin? Kapag nasa itaas ka, doon mo lang maiintindihan na nakakalungkot sa taas. Pero, kung wala ka sa taas, madalas na, hindi mo kayang kontrolin ang iyong tadhana.” Kaya naman, kung gusto mong makontrol ang tadhana mo, kailangan mo umakyat pataas!Sa tuwing siya ay nalulungkot, aakyat siya dito para tingnan ang skyline ng Shen City. Sinasabihan niya rin ang kanyang sarili na balang araw, makokontrol din niya ang kanyang tadhana. Pero, gaano katagal na ba siya hindi nakapunta dito simula nung siya na ang namumuno sa Yi Group?Noon, akala niya kontrolado na niya ang kanyang tadhana at hindi na maapi ng kahit sino.Pero ngayon, nagmaneho siya papunta nanaman dito. Kontrolado niya ba talaga ang kanyang tadhana
Bakit... Kailangan ba niya sabihin pa ang sagot? Pero, ngayon ang tingin nito ay parang gusto nito sagutin niya ito.“Sabihin mo sakin. Bakit? Bakit hindi ka magkakagusto kay Gu Lichen.” Ipinagdidiinan nito na sagutin niya ito.Hindi mapigilan ni Ling Yiran na mamula pero sinabi niya parin ito ng malakas. “Kase ikaw ang gusto ko. Wala namang namamagitan samin ni Gu Lichen, Jin. Ayokong ma-misunderstand mo ako.”Wala lang ba talaga? Dumilim ng dumilim ang mga mata ni Yi Jinli. Ang mga litrato ni Gu Lichen habang yakap si Ling Yiran sa email inbox nito ay naalala niya ulit.Pati… yung litrato ni Gu Lichen habang naiyak sa harap ni Ling Yiran. Yung mga litrato na yun ay parang inaasar siya. Kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin mapuputol ang pinagsamahan nila Ling Yiran at Gu Lichen.“Wala? Wala ka talagang tinatago sa akin?” mahinang pagkakasabi niya. “Nilinaw ko na lahat sa pagitan namin ni Gu Lichen.” Akala niya, ang tinatanong ni Yi Jinli ay tungkol lang sa nangyari
Nagulat si Ling Yiran. 'Patunayan? Paano ko papatunayan?' Pero, sa sumunod na sandali, habang pinapanuod niyang nakatitig ito sa kaniya, may narealize siya. Nagdalawang isip siya, pagkatapos, siya na mismo ang nagpulupot sa mga kamay niya sa leeg ni Yi Jinli.Pagkatapos, iniangat niya ang kanyang baba at dahan-dahan na hinalikan ito sa labi. Malamig ang mga lab nito at ang amoy napanatag ang loob niya sa amoy nito. Mababaw lang ang halik niya, dampi lang ito sa labi, pero siya ang nag-initiate ngayon. Puno ng pagmamahal ang friction sa pagitan ng kanilang mga labi… Ito ang patunay kung gaano siya kahumaling sa kaniya. Pero, hindi sapat ang halik para kay Yi Jinli.Kung kailan titigil na siya sa paghalik, hinawakan ni Yi Jinli ang likod ng kanyang ulo at idinikit ng madiin ang labi nito sa kaniya. Pinaikot-ikot at sinuck, binuksan ang bibig niya at idiniin ang dulong dila niya sa bibig nito. Hiningi niya ang lahat ng sweetness nito.Nagulat siya sa biglaang intensity ng halik
Nagulat siya at ngayon, nakakaramdam siya ng danger mula rito.. Ang pagnanasa sa kanyang mata ay tila gusto siyang ubusin. Patuloy na hinalikan nito ang kanyang balat, at ang mga daliri nito ay naglakbay sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay naubusan na siya ng lakas. " Jin.. Jin.. Huwag… Huwag mong gawin 'to…" nauutal na ani Ling Yiran habang sinusubukan niya itong patigilan bago pa makagawa ng kung ano. Pero, ngayon, hindi na niya magalaw ang kamay nito. Pinira-piraso na nito ang kanyang floral dress. Pagkatapos, tumayo, tinignan siya, at tinanggal ang jacket nito.Nangangatog si Ling Yiran. Kung natuloy ito, sila ay… Hindi, hindi ganito ang gusto niya! Lalo na ngayon na parang iba ito sa sarili nito. Gusto nito na may patunayan siya na kung ano.. At sa muling pag lapat ng katawan nito sa katawan niya, nag-umpisa na siyang lumaban. "Hindi ko gustong patunayan ito sa ganitong paraan, Jin. Ito ay… Walang mapapatunayan. " Wala 'tong pinapatunay
Sinabi niya, "Tawagin mo akong Ate." Ate. Tinanggap siya nito bilang kapamilya niya simula ngayon.Lagi siyang tinatawag nito, "Jin, Jin.." Ang paraan niya nang pagtawag ang pinakagentle sa lahat, kaya naaadik siya rito. Gusto niyang marinig ang pagtawag nito sa kaniya habang buhay. "Jin… Jin…" Pagtawag nito. Tinatawag siya ulit nito… Pero bakit tila ang pag-iyak nito ay may kasamang hikbi? Umiiyak… ba siya? Unti-unitng bumalik sa wisyo si Yi Jinli at sa wakas ay nakita niya ang luhaang mukha ni Ling Yiran. Umiiyak… siya? Nasaktan ba niya ito? Oo, gusto niyang patunayan nito kung gaano ito kahumaling sa kanya, kung gaano siya nito kamahal, at kung gaano siya nito kagusto. Kaya naman, desperado siyang angkinin ito sa kotse. Pero, puno ng luha ang mukha nito, ang makinis na balat nito ngayon ay puno na ng mga pasa, at mukhang may takot sa mga mata nito. Natakot niya ba ito? Ang lahat ng ito ay dahil kay Gu Lichen na kahit ang kaisa-isang dahilan kung saan siya ay k
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at