Ini-imagine niya kung gaano siya kaganda kapag nasuot na niya ang mga damit na binili niya para sa kanya. Pero, ngayon lang siya nabigla dahil kahit nakasuot lang ng ordinaryo at mumurahin na dress . ang babaeng nasa harap niya, biglang namula ang mga mata niya habang dahan-dahan itong naglakad papunta sa salamin para tingnan ito. Ngayon, nakatayo sa harap ng salamin si Ling Yiran habang tinitingnan ang dress na suot. Nagustuhan niya ang damit dahil kamukha ito ng floral dress na regalo ng kanyang lola noong bata pa siya.Sa kasamaang palad, yung floral dress na yun ay nagkapunit-punit at naitapon na. Iniyakan pa niya ito noon! Buti nalang, medyo mahaba ang dress. Hindi na siya mag-aalala na makikitaan siya kapag ginamit niya ang kanyang electric bike. Hindi naman kamahalan ang damit na ito—280 dollars ito. At sa tindahan na ganito, kayang kaya pa niya tawaran ang presyo nito para makamura. “ Ano sa tingin mo, Miss? Nagustuhan mo ba? “ Tanong ng shop owner habang papalapit.
Hindi na siya makahinga dahil sa higpit ng yakap nito. “Hindi ako … Hindi … “ hirap na pagkakasabi ni Ling Yiran Akala ni Ling Yiran mahihimatay na siya dahil hindi na siya makahinga, nang biglang, nakaramdam siya ng pwersa na nag-alis sa kanya sa yakap ni Gu Lichen. Pagkatapos, ilang sandali lang ay nakarinig siya ng tunog ng suntok sa kanyang tenga. Sabay nito ang tunog nang mahinang pagsinghot, pagkahulog ng mabigat na mga gamit at ang pagbagsak ng mga upuan at mga shelves. Huminga ng malalim si Ling Yiran. Pagkatapos, ang tanging nakikita niya lang ay ang mukha ni Yi JinliSi Jin ang nag-alis sa kanya mula sa yakap ni Gu Lichen! Blankong napatitig si Ling Yiran kay Yi Jinli na nakatayo sa tabi niya, nagtataka kung bakit siya nandun. Malungkot na tinitigan ng Yi Jinli si Gu Lichen na kanyang sinuntok na nasa lapag. Sumandal si Gu Lichen sa mga shelves na napapalibutan ng mga kalat mula sa pagtama niya. May dugong tumutlo sa gilid ng kanyang mga labi. Sobrang halata na h
Nanginig bigla ang katawan ni Yi Jinli. Gulat itong lumingon kay Ling Yiran. Masyadong puno ng emosyon ang madidilim at mapupungay nitong mga mata na hindi na maintindihan ni Ling Yiran.“Hayaan mo ako makipag-usap sa kanya, Jin.” sabi ni Ling Yiran, habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Yi Jinli para i-comfort siya. Tiningnan siya ni Yi Jinli nang hindi nagalaw. Ang kanyang maninipis na labi ay magkadikit.Nag-aalinlangan siya.Nag-aalinlangan siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin.Humakbang paharap si Ling Yiran paalis sa likod ni Yi Jinli. Hindi siya pinigilan ni Yi Jinli. Tiningnan niya si Gu Lichen na ilang hakbang lang ang layo sa kanya. “ Hindi ako ang hinahanap mo. Wala akong matandaan sa mga sinabi mo kaya, baka hindi ako yung taong hinahanap mo!” Kumislap ang mga mata ni Yi Jinli habang nagsasalita siya, habang ang mukha naman ni Gu Lichen ay halatang hindi naniniwala. “Imposible, ikaw... Nakalimutan mo, hindi ba? Nakalimutan mo na kasi sobrang tagal na?”“La
Hindi nagsalita at patuloy na nagmaneho si Yi Jinli habang nagpapanic. Hindi niya alam kung bakit siya natatakot. Natatakot ba siya na malaman ni Gu Lichen na si Yiran ang babaeng hinahanap niya, o natatakot siya na baka magkaroon ng feelings si Yiran kay Gu Lichen?Hindi, kahit kailan hindi malalaman ni Gu Lichen... ang totoo. Pinakialaman naman niya na ang ebidensya kung sakali. Mukhang... hindi talaga naalala ni Yiran ang mga nangyari noong panahon na yon. Pagkatapos niya ito ipa-imbestiga, nalaman niya na nagkasakit si Yiran pagkatapos na makita si Gu Lichen. Ipinadala pa nga siya sa Shen City dahil ang taas ng lagnat niya. Baka dahil sa lagnat kaya hindi niya maalala ang mga nangyari. Pero… kahit handa siya, bakit hindi pa rin siya mapakali? Na para bang may exception sa kahit na ano. Yung may mangyayari na hindi niya alam. Kagaya nalang ng mga litrato ni Gu Lichen na naiyak habang hawak ang kamay nito. Ano kayang iniisip niya rito? Bakit hindi siya ng kahit na ano tu
“Bakit tayo nandito?” nalilitong tanong ni Ling Yiran.Pinagdikit ni Yi Jinli ang kanyang manipis na labi at tumingin ng diretso sa bintana ng kotse para makita ang buong Shen City.Madals siya dalhin ng tatay niya dito nung nabubuhay pa ito at sinabi sa kanya,, “Alam mo, Jin? Kapag nasa itaas ka, doon mo lang maiintindihan na nakakalungkot sa taas. Pero, kung wala ka sa taas, madalas na, hindi mo kayang kontrolin ang iyong tadhana.” Kaya naman, kung gusto mong makontrol ang tadhana mo, kailangan mo umakyat pataas!Sa tuwing siya ay nalulungkot, aakyat siya dito para tingnan ang skyline ng Shen City. Sinasabihan niya rin ang kanyang sarili na balang araw, makokontrol din niya ang kanyang tadhana. Pero, gaano katagal na ba siya hindi nakapunta dito simula nung siya na ang namumuno sa Yi Group?Noon, akala niya kontrolado na niya ang kanyang tadhana at hindi na maapi ng kahit sino.Pero ngayon, nagmaneho siya papunta nanaman dito. Kontrolado niya ba talaga ang kanyang tadhana
Bakit... Kailangan ba niya sabihin pa ang sagot? Pero, ngayon ang tingin nito ay parang gusto nito sagutin niya ito.“Sabihin mo sakin. Bakit? Bakit hindi ka magkakagusto kay Gu Lichen.” Ipinagdidiinan nito na sagutin niya ito.Hindi mapigilan ni Ling Yiran na mamula pero sinabi niya parin ito ng malakas. “Kase ikaw ang gusto ko. Wala namang namamagitan samin ni Gu Lichen, Jin. Ayokong ma-misunderstand mo ako.”Wala lang ba talaga? Dumilim ng dumilim ang mga mata ni Yi Jinli. Ang mga litrato ni Gu Lichen habang yakap si Ling Yiran sa email inbox nito ay naalala niya ulit.Pati… yung litrato ni Gu Lichen habang naiyak sa harap ni Ling Yiran. Yung mga litrato na yun ay parang inaasar siya. Kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin mapuputol ang pinagsamahan nila Ling Yiran at Gu Lichen.“Wala? Wala ka talagang tinatago sa akin?” mahinang pagkakasabi niya. “Nilinaw ko na lahat sa pagitan namin ni Gu Lichen.” Akala niya, ang tinatanong ni Yi Jinli ay tungkol lang sa nangyari
Nagulat si Ling Yiran. 'Patunayan? Paano ko papatunayan?' Pero, sa sumunod na sandali, habang pinapanuod niyang nakatitig ito sa kaniya, may narealize siya. Nagdalawang isip siya, pagkatapos, siya na mismo ang nagpulupot sa mga kamay niya sa leeg ni Yi Jinli.Pagkatapos, iniangat niya ang kanyang baba at dahan-dahan na hinalikan ito sa labi. Malamig ang mga lab nito at ang amoy napanatag ang loob niya sa amoy nito. Mababaw lang ang halik niya, dampi lang ito sa labi, pero siya ang nag-initiate ngayon. Puno ng pagmamahal ang friction sa pagitan ng kanilang mga labi… Ito ang patunay kung gaano siya kahumaling sa kaniya. Pero, hindi sapat ang halik para kay Yi Jinli.Kung kailan titigil na siya sa paghalik, hinawakan ni Yi Jinli ang likod ng kanyang ulo at idinikit ng madiin ang labi nito sa kaniya. Pinaikot-ikot at sinuck, binuksan ang bibig niya at idiniin ang dulong dila niya sa bibig nito. Hiningi niya ang lahat ng sweetness nito.Nagulat siya sa biglaang intensity ng halik
Nagulat siya at ngayon, nakakaramdam siya ng danger mula rito.. Ang pagnanasa sa kanyang mata ay tila gusto siyang ubusin. Patuloy na hinalikan nito ang kanyang balat, at ang mga daliri nito ay naglakbay sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay naubusan na siya ng lakas. " Jin.. Jin.. Huwag… Huwag mong gawin 'to…" nauutal na ani Ling Yiran habang sinusubukan niya itong patigilan bago pa makagawa ng kung ano. Pero, ngayon, hindi na niya magalaw ang kamay nito. Pinira-piraso na nito ang kanyang floral dress. Pagkatapos, tumayo, tinignan siya, at tinanggal ang jacket nito.Nangangatog si Ling Yiran. Kung natuloy ito, sila ay… Hindi, hindi ganito ang gusto niya! Lalo na ngayon na parang iba ito sa sarili nito. Gusto nito na may patunayan siya na kung ano.. At sa muling pag lapat ng katawan nito sa katawan niya, nag-umpisa na siyang lumaban. "Hindi ko gustong patunayan ito sa ganitong paraan, Jin. Ito ay… Walang mapapatunayan. " Wala 'tong pinapatunay