"Ako.. Ako na ang gagawa," ani niya, namumula.Natahimik siya saglit, pagkatapos ay iniabot niya ang mga damit sabay talikod.Namula si Ling Yiran sabay suot ng kaniyang damit. Hindi niya napansin si Yi Jinli, na tumalikod sa kanya, ay mahigpit na nakakuyom ang kamao ngayon.Ang tunog nang pagpapalit niya ng damit ay nagdadala ng kilig kay Yi Jinli sa mga panahong yun.Kahit noong nasa sasakyan, pinipigilan nito ang pagnanais na angkinin siya, pero hindi ibig sabihin nito'y nawala na ang pagnanais.Siguro'y dahil ito kay Gu Lichen na siyang naging dahilan upang gustuhin niya ito lalo.Ayaw lamang niya itong matakot sa kanya ulit. Ayaw niyang tumingin ito sa kanya na may panic at takot sa mga mata. Ayaw niyang mawala siya sa katinuan at masaktan ito.Kaya naman, willing siyang tiisin ang pagnanais niya.Nang matapos si Ling Yiran sa pagpapalit ng damit, humarap si Yi Jinli.Ngayon ay nakapagpalit na siya ng mahabang yellow dress, at ang punit niyang floral dress ay nasa sahig.
Sa study, nasa computer screen ang litrato nila na nakaakbay si Gu Lichen kay Ling Yiran.Nakatitig ang mga mata ni Yi Jinli sa litrato sa screen. Sa huli, hindi na lang siya nagsalita tungkol dito.Hindi niya tinanong ito kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol dito nung araw na iyon, kung bakit niyakap siya ni Gu Lichen, at bakit umiyak si Gu Lichen sa harap niya.Natatakot ba siya na baka ang sagot na marinig galing sa kanya ay ang sagot na ayaw niyang marinig?Hindi namamalayan ni Yi Jinli na napangiwi siya sa isipin. Kailan pa siya naging mahiyain?Tulad ngayong araw, nang pumasok siya sa clothing shop at nakita si Gu Lichen na hawak si Yiran. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng katawan niya habang pinapakinggan ang sinasabi ni Gu Lichen.Ang pinakahuling gusto niya makita ay ang makilala ni Gu Lichen si Yiran.Sa ilang taong pagkakakilala kay Gu Lichen, alam niya kung gaano ito katiyaga pagdating sa babaeng hinahanap niya. Sobrang tiyaga na halos parang baliw
"Talagang ang ang sakit niya sa mata. At dahil masyado niyang mahal ang news media, hayaan niyo siyang maexpose," cold na sabi ni Yi Jinli."Opo," sagot ni Gao Congming.Sa paraan ng pagsasalita ni Young Master Yi, talagang nainis si Young Master Yi ngayon!Ang malas ni Ling Luoyin dahil nakabangga niya ang Young Master Yi, lalo na ngayon na nakipaghiwalay si Ling Luoyin kay Young Master Gu. Walang ni kahit na sino sa Shen City ang pwedeng pumrotekta sa kanya.Halos nakikita na ni Gao Congming kung gaano ka miserable ang magiging tadhana ni Ling Luoyin.Sa kabilang banda, sa studio ng mansyon ni Gu Lichen, nakatayo siya sa tapat ng painting ng isang batang babae buhat ang isang batang lalaki sa baba ng burol.Ipinipinta niya ang kaparehas na bagay nang paulit-ulit, taon taon. Ito ang pinaka naaalala niya sa lahat….Kada taon, ipinipinta niya nang paulit-ulit ang parehas na painting. Gumaling na rin siya sa pagpipinta. Ang batang babae sa painting ay mas nagiging kamukha ng taong
"Pumunta ka sa hotel…" halo-halo ang naramdaman ni Ling Luoyin pagkatapos ng tawag.Halos ilang taon na siya sa entertainment industry. Hindi naman siya inosente upang hindi malaman ang ibig sabihin ng pagpunta sa hotel.Ngunit, ito nalang ang daan palabas para sa kanya.Sa huli dahil sa pagiging ex-girlfriend ni Gu Lichen, maraming tao ang magkakainteres sa katawan niya. May malaking pangalan din sa industriya ang director.Bagaman, nakablacklist na siya sa industriya ng entertainment, hindi ibig sabihin nito na wala na siyang pag-asang umangat ulit.Ayos lang kung bibigyan siya ng director na tumawag sa kanya ng bar performances o behind-the-scenes work. Kailangan lamang niya maghintay ng kaunti hanggang sa makalimutan ng mga tao ang tungkol sa kanila ni Gu Lichen. Tapos, magkakaroon pa rin siya ng pag-asang bumangon ulit.Habang iniisip ito, palihim na iwinaksi ni Ling Luoyin ang isip niya. Kahit lagpas na sa 40 ang edad at director at kasal na ito, kaya pa rin niya itong i-bl
“Itigil niyo yan!” Itigil niyo yan! pinilit na takpan ni Ling Luoyin ang kanyang mukha at katawan gamit ang kanyang mga kamay. Nainis siya sa kanyang sarili dahil hindi pa iyon sapat sa kanila.Biglaan niyang pinilit na takpan ang sarili gamit ang bag na nasa bangkuan sa kanyang tabi, ngunit pati ang bag ay hinampas nila papunta sa lupa at pati ang camera na nilagay niya dito ay gumulong din palabas nito.Ngumisi bigla ang asawa ng direktor, “Nakakatawa. Hindi lang ako ang may gustong magrecord nito.”Paanong hindi alam ng direktor kung ano ang pakay ni Ling Yuoyin hanggang ngayon? Di niya pinansin ang kaawa awa nitong estado ngayon, tinaas niya ang kanyang kamay at nagsimula na niyang pagsusuntukin at sipain si Ling Yuoyin. “You b*tch, paano mo ako nagawang kalabanin? Sino sa tingin mo ikaw?”Kawawang Ling Luoyin. Nasampal siya ng ilang beses kanina at ngayon naman ay binubugbog siya. Nagmakaawa siya, pero walang nangyari. Ang kahihiyan niya ngayon ay vinivideohan pa.Kinabukasan
Kung balang araw ay mawala si Jin…Hindi mapigilang tumawa ni Ling Yiran. Anong problema niya? Hindi naman si Gu Lichen si Jin at hindi naman ako si Ling Luoyin‘Yiran, nakita mo ba ang bakita tungkol kay Ling Luoyin?’ nagsend si Qin Lianyi gamit ang we chat sa kanyang telepono.‘Oo,’ sagot ni Ling Yiran.‘Hindi ba ito karma? Naisip niya na matalino ito, pero anong silbi ng mga ganong petty tricks? Hindi ba sa huli ay natanggal lang din siya?’ Ang sabi ni Qin Lianyi.Nadungisan na ng sobra ngayon ang reputasyon ni Ling Luoyin. Walang lalaking may dignidad ang magkakagusto pa kay Ling Luoyin.‘Nga pala, narinig ko din na binataan ni Gu Lichen si Ling Luoyin. Alam mo ba na gusto niya umalis ito kasama ng kanyang pamilya sa Shen City?’ Sinabi ni Qin Lianyi ang chismis na kanyang narinig. Syempre naman, narinig niya ang chismis na ito kay Bai Tingxin.Hindi lahat ng tao sa industriya ng entertainment ay alam ito. Pinuri ni Qin Lianyi si Bai Tingxin ng sobra dahil dito at sinabi n
Kumonot ang mga noo ni Qi Lianyi habang patuloy siyang nakikinig. Ang mga dating naisip niya ay naging kahina hinala pagkatapos makinig sa opinyon ni Bai Tingxin. “Ang asawa ng direktor ay matalinong tao. Anong silbi ng paggaaa ng mga ganitong bagay para sa ibang tao e ala naman siyang mapapala dito?” Kalamadong sabi ni Bai Tingxin.Hindi tanga si Qin Lianyi. Noong sinabi niya ito, mukhang nanitindihan niya na ito ngayon. “May tao ba na bukod sa kanila na gustong pahirapan si Ling Luoyin?”‘Yung kalabana ba yon ni Ling Luoyin sa industriya ng entertainment? Gu Lichen, or… ‘biglang lumitaw sa kanyang isip ang mukaha ji Yi Jinli.“Iyun na nga ang naisip ko,” padalos dalos na sinabi ni Bai Tingxin.“Sino sa tingin mo ang nasa likod nito?” Ang tanong ni Qin Lianyi, na para bang pursigido itong makinig ng payo.“Kung manghuhula ako, sa tingin ko si Yi Jinli,” ang sabi ni Bai Tingxin.“Bakit?”“Dahil kaunting tao lang ang kayang kumontrol sa ganito. Malamang ay hindi kayang utusan n
Kapag may taong gusto kumuha ng kanyang prey, tatamaan sila ng matindi.“Anong klase ng pagpapahinahon iyan?” Umirap si Qin Lianyi. “Paano kung hindi magtagal ang relasyon ni Yiran at Yi Jinli, o kaya di sinasadya na mainis niya si Yi Jinli? Ano sa tingin mo ang gagawin ni Yi Kinli kay Yiran?”After all, laging mayroong maulan na panahon.Tumawa si Bai Tingxin, tinupi ang mga daliri at pinitik ang noo ni Lianyi. “ Masyado mo namang minamaloit ang kaibigan mo. I’m afraid sa tingin ko ay si Yi Jinli ang inferior sa kanilang dalawa.”Nagulat su Qin Lianyi at binuksan ang kaniyang bibig. ‘No way! Ang word na inferior ay hindi kailanman magiging kaparehas ni Yi Jinli.’“Binibiro mo ba ko?” Sabi ni Qin Lianyi.“Mukha ba akong nagbibiro?” Tanong ni Bai Tingxin. “Sa tingin ko, ang kaibigan mo ang nagpapalakad sa kanilang relasyon, kaya may mga bagay na hindi mo na dapat isipin.”Sa relasyon, kung sino ang mas nagmamahal ay siya ang palaging mapangingibawan. Sa kanilang dalawa, halata na
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at