Kapag may taong gusto kumuha ng kanyang prey, tatamaan sila ng matindi.“Anong klase ng pagpapahinahon iyan?” Umirap si Qin Lianyi. “Paano kung hindi magtagal ang relasyon ni Yiran at Yi Jinli, o kaya di sinasadya na mainis niya si Yi Jinli? Ano sa tingin mo ang gagawin ni Yi Kinli kay Yiran?”After all, laging mayroong maulan na panahon.Tumawa si Bai Tingxin, tinupi ang mga daliri at pinitik ang noo ni Lianyi. “ Masyado mo namang minamaloit ang kaibigan mo. I’m afraid sa tingin ko ay si Yi Jinli ang inferior sa kanilang dalawa.”Nagulat su Qin Lianyi at binuksan ang kaniyang bibig. ‘No way! Ang word na inferior ay hindi kailanman magiging kaparehas ni Yi Jinli.’“Binibiro mo ba ko?” Sabi ni Qin Lianyi.“Mukha ba akong nagbibiro?” Tanong ni Bai Tingxin. “Sa tingin ko, ang kaibigan mo ang nagpapalakad sa kanilang relasyon, kaya may mga bagay na hindi mo na dapat isipin.”Sa relasyon, kung sino ang mas nagmamahal ay siya ang palaging mapangingibawan. Sa kanilang dalawa, halata na
Ngayon ay lalo itong nagmukhang kwarto niya bago pa siya mapunta sa kulungan.Kung mayroon mang pagmamay ari ng kanyang nanay.. nilagay niya ang mga gamit ng kanyang nanay dati sa kahon na nasa ilalim ng kanyang kama.Pumunta si Ling Yiran sa gilid ng kama at sinubukan niyang abutin ang kahon sa ilalim ng kanyang kama.“Hayaan mong ako na ang gumawa niyan.” yumuko pababa si Yi Jinli at tinulungan niya si Ling Yiran na hilahin ang kahon sa ilalim ng kanyang kama.Punong puno na ng alikabok ang buong kwarto at nadumihan ang kanyang mga damit.“Pasensya na,” ang sabi niya. Alam niyang gusto lagi nitong malinis ang mga bagay bagay, bukod sa noong tumira siya kasama nito sa nirentahan niyang bahay. Sinubukan talaga nitong hindi malagyan ng kahit anong alikabok.“Anong dapat pagpasensyahan doon? Hindi ba trabaho ng lalaki na tulungan ang kanyang nobya?” tanong ni Yi Jinli.‘Kanyang nobya…’ ang mga salitang ito ang nagpabilis magpapula sa mukha ni Ling Yiran. Tapos, nabaling ang kanyan
Siya lamang ang nakapag papayag dito na kusang mapasailalim sa kanya!Kahit sabihin nitong lumuhod sa kanyang harapan, kusang loob niya itong gagawin.Ang gusto niya lamang ay huwag siyang iwanan nito… kahit anong mangyari, ayaw niyang iwanan siya nito..Malamang ay ganito din minahal ng kanyang tatay ang kanyang nanay. Kaya lamang ay iniwan din ng kanyang nanay ang kanyang tatay kaya naiwan itong nanlulumo.Subalit si Yiran ay hindi ang kanyang nanay. Hindi siya iiwanan ni Yiran!Ng natapos ang kanilan paghahalikan, hiningal si Ling Yiran at namula. Sinubukan niyang humakbang patalikod, ngunit nilagay ni Yi Jinli ang kanyang mga braso sa kanyang bewang at hinatak siya nito ng mas malapit na para mayakap ito.“Anong problema?” Napatingin siya sa kanya na para bang naguguluhan.“Sabihin mo sa akin na hindi mo ako iiwan.” Niyuko niya ang kanyang ulo. Tinitigan siya ng malalim nang magaganda nitong mga mata.Kumurap siya at nakangiting sinabi,” Syempre naman, hindi kita iiwan. Ba
Subalit, marahil doon nakasalalay ang mahika ng kapalaran.“Jin, lagi kong pakiramdam na ang pagmamahal ay karangyaan pagkatapos ko makalabas ng kulungan. Hindi ko inakala na magmamahal ako ulit, pero ngayon ay talagang sobrang saya ko na nakilala kita at nahulog ang loob ko sayo. Minsan, pakiramdam ko na ikaw ang tagapagligtas ko na galing sa Diyos.”Bulong niya, habang sinasabi niya ang nararamdaman niya.Binigyan siya ulit nito ng pag asa. Para siyang kabalyero na ibinigay ng Diyos para alisin siya sa mundo ng kalungkutan at kawalan ng pag asa dahil nakita ng Diyos na masyado siyang miserable.Nanigas si Yi Jinli. ‘Tagapagligtas? Kung isang araw malaman niya kung ano talagang nangyari, ganun pa din kaya ang kanyang iisipin?Hindi, hindi niya hahayaang malaman niya ito!Walang araw na mangyayari iyun!Ang totoo… siya talaga ang tagapagligtas ni Yin. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang ay hindi niya mauunawaan ang pakiramdam na magmahal ng tao.Gusto mo siyang maging sa iyo.
Sa mga bata..sa partikular, ang pamilyang katulad nila ay nakatuon ang attensyon sa mga ito.“Ano naman? Nung una tayong mag umpisang mag date, sinabi ko na sayo na okay lang kahit hindi ako magkaroon ng sarili kong anak. Mahal kita, hindi ang bata.” Siya lang ang tanging mahalagang bagay sa kanya sa mundo.“Subalit..” nagdadalawang isip pa din siya tungkol dito.‘Talaga bang mahalaga ito? Ilang lalaki sa mundo ang kayang tanggapin na wala silang anak sa buong buhay nila?’“Yiran! Ang mga bata ay tagapagmana lang ng pamilya ng mga Yi para sa akin. Hindi ako lalaking mapagmahal. Pero kung ako at ikaw ay magkaroon ng anak sa hinaharap, marahil ay mamahalin ko sila. Kung hindi naman, edi pwede naman tayong mag ampon sa bahay ampunan o kaya sa isa sa mga malapit na kamag-anak ng pamilya ng mga Yi. Sa tingin ko ay hindi iyun problema sa akin. Ang mahalaga lang sa akin ay kung pakakasalan mo ako,” ang sabi niya.Pagkatapos ng kanyang sinabi, nagliliyab ang kanyang mga mata na tumitig ka
“Kilala mo ba siyang mabuti?” tanong ni Qin Lianyi.“Medyo. Wala akong hindi alam sa pamilya niya, career, buhay, at personalidad. At tsaka, nakatira ako sa residente ng mga Yi pansamantala,” sabi ni Ling Yiran.“E paano naman yung masama niyang side?” tanong ni Qin Lianyi.Gulat na tumingin si Ling Yiran sakanya habang si Qi Lianyi naman ay medyo mukhang nahiya. “Ang ubig kong sabihin, after all, siya ay si Yi Jinli. Hindi ba lagi nilang sinasabi na siya ay walang awa at walang magandang patutunguhan ang mga taong babangga sa kanya?”Medyo binaba ni Ling Yiran ang kanyang mga mata. Alam niya kung anong ibig sabihin ng kanyang matalik na kaibigan. Katulad noong siya ay nasa kulungan. Madaming tao ang umapi sa kanya dahil kay Yi Jinli.Ngunit… “Lianyi, kapag hindi mo sinubukan gawin ang hakbang na yun, hindi mo malalaman kung anong nakalaan na kinabukasan para sa iyo. Gusto kong gawin ang hakbang na yun dahil sa tingin ko walang magmamahal sakin sa buong mundo katulad ng pagmamaha
Dapat ay hinawakan niya ito ng mabuti simula sa una pa lang!“Heh, bakit ka umiinom mag-isa?” biglang narinig ni Gu Lichen ang boses ni Ye Chongwei. “Madalang kang pumunta dito. Hindi ba nakakasawa uminom mag-isa?”‘Nakakasawa?’Inikot ni Gu Lichen ang baso sa kanyang kamay at tumingin sa mga tao sa paligid niya.Ang tanging rason kaya pumayag siyang pumunta sa party ni Ye Chongwei ay dahil sobrang stress siya nitong mga dumating na araw, gusto niya makahinga ng maluwag.Ngunit, pagkatapos niya pumunta, nalaman niya na wala pa ding pagbabago.Ang tanging naiisip niya lamang ay si Ling Yiran, at hindi niya ito matanggal sa kanyang isipan.“By the way, narinig ko nga pala na may hindi kayo pagkakaunawaan ni Yi Jinli kanina. Anong nangyari?” tanong ni Ye Chongwei.Napatingin si Gu Lichen sa dati niyang kaibigan ng nakangiti ng bahagya. “Masyado kang madaming alam.”Natigilan si Ye Chongwei, “Talaga ha?” Narinig niya ang balita sa mga sabi sabi lamang, ngunit mukhang tama nga ito.
“Anong nangyayari dito? Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang hindi mapakali at mukhang kinakabahan si Lichen dahil sa babae, at basta basta pa itong lumabas ng biglaan!“Anong klase ng babae si Ling Yiran?’Akala niya ay walang kwentang pagtatalo lamang iyon, kahit na tungkol sa babae pa. Ngunit, ngayon… puno ng pangamba at pag aalala ang kanyang puso. Kung talagang mag-aaway silang dalawa dahil sa babae.. malamang ay mararanasan ng Shen City na bumagsak ang langit sa lupa at bumukas ang mundo!‘Teka lang! Hindi ba ang lagi lamang inaalala ni Lichen ay ang may-ari ng bracelet?‘Pero na lang…’ biglang natakot sinYe Chongwei na isipin ito.Ang kahihinatnan ng kanyang hinala ang bumuhay sa takot sa kanyang puso!...Nagmaneho si Gu Lichen papunta sa isang maliit na restaurant.‘Kasal? Papakasalan niya kaya si Yi Jinli?’Kahit noon ay nalaman niya na ang katotohanan… hindi, hindi siya papayag na pakasalan nito si Yi Jinli!Ilang taon niya itong hinanap. Tinatak niya ang bo