“Anong nangyayari dito? Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang hindi mapakali at mukhang kinakabahan si Lichen dahil sa babae, at basta basta pa itong lumabas ng biglaan!“Anong klase ng babae si Ling Yiran?’Akala niya ay walang kwentang pagtatalo lamang iyon, kahit na tungkol sa babae pa. Ngunit, ngayon… puno ng pangamba at pag aalala ang kanyang puso. Kung talagang mag-aaway silang dalawa dahil sa babae.. malamang ay mararanasan ng Shen City na bumagsak ang langit sa lupa at bumukas ang mundo!‘Teka lang! Hindi ba ang lagi lamang inaalala ni Lichen ay ang may-ari ng bracelet?‘Pero na lang…’ biglang natakot sinYe Chongwei na isipin ito.Ang kahihinatnan ng kanyang hinala ang bumuhay sa takot sa kanyang puso!...Nagmaneho si Gu Lichen papunta sa isang maliit na restaurant.‘Kasal? Papakasalan niya kaya si Yi Jinli?’Kahit noon ay nalaman niya na ang katotohanan… hindi, hindi siya papayag na pakasalan nito si Yi Jinli!Ilang taon niya itong hinanap. Tinatak niya ang bo
Ngunit, hindi siya makakuha ng tyempo. Hindi niya kayang mawala si Lil Yan. Si Lil Yan ang naging lakas niya para siya ay mabuhay!Alam ni Ling Yiran na walang siyang karapatan para makialam dito, kaya ang kaya niya lang nasabi ay, “Pwede mo laging sabihin sa akin kapag kailangan mo ang tulong ko.”“Salamat! “ nakangiting sabi ni Zhuo Qianyun, “Sa katunayan ay natulungan mo ako ng husto. Kung hindi dahil sayo, si Lil Yan ay hindi marahil…”Ng bigla na lang, may pumasok sa kanyang restaurant at naputo ang sinasabi ni Zhuo Qianyun.Hinihingal na tumakbo papasok si Gu Lichen. Gulat na gulat si Zhuo Qianyun at Ling Yiran ng biglang hatakin ni Gu Lichen sa braso si Ling Yiran at agad agad na tinanong, “Papakasalan mo ba si Yi Jinli?”Nagulat si Ling Yiran. Hindi pa nila ito sinasabi sa publiko. Binanggit niya pa lamang ito kay Lianyi at Sis Zhuo.“Oo,” binigyan niya ito ng malinaw na sagot."Bakit?"“Dahil mahal ko siya at mahal niya ako. Hindi ba sapat na iyun para magpakasal kami?
“Napagkamalan mo akong ibang tao, Mr. Gu. At tsaka, kahit na hindi ka nagkamali, wala pa ding magbabago. Ang taong mahal ko ay si Jinli, at siya din ang taong gusto kong pakasalan. Ala akong nararamdaman na kahit ano sayo.Ang mga salita niya ang agad agad na nagpalamig sa kanyang mga dugo. Nanigas ang buong katawan niya.Kinuha na ni Ling Yiran ang oportunidad na matanggal niya ang kanyang braso sa gitna ng mga daliri nito. “Sana ay hindi mo na ako babalikan uli sa hinaharap sa ganitong dahilan. Wala pa ding magbabago kung ako man yung sinasabi mo.”Pagkatapos noon ay lumingon na si Ling Yiran kay Zhuo Qianyun at simabing, “Uuwi na ako, sis Zhuo.”“Sige,” sagot ni Zhuo Qianyun.Lumabas na si Ling Yiran sa maliit na restaurant ngunit si Gu Lichen ay naiwang nakatayo habang nakatulala sa mga kamay niyang walang laman.Wala, wala!‘Walang magbabago kahit siya iyon?‘Bakit ganon? Bakit? dahang dahang sinara ni Gu Lichen ang kanyang mga kamay, at hinigpitan ito hanggang sa matusok
“Anong nangyayari dito?’Ang boses ng bata sa kanyang panaginip ay sobrang kaparehas ng sinabi ni Gu Lichen sa kanya noong nasa maliit na restaurant sila nung kinagabihan.‘Dahil kaya narinig ko ang mga salita na iyon kaya na nanaginip ako ng ganito ngayon?’Hindi mapigilan ni Ling Yiran na kumunot ang kanyang noo kapag naiisip ito at pakiramdam niya ay sumasakit ulit ang kanyang ulo.“Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?” narinig ni Ling Yiran sa kanyang mga tenga ang boses ni Yi Jinli.“Hindi, kainting sakit lamang ng ulo,” ang sagot niya.Tinaas niya ang kanyang kamay. Ang mga dulo ng kanyang maiinit na daliri ay dumikit sa kanyang noo, at minasahe siya nito.Ang diin ng kanyang mga daliri ay tamang tama lang at ang pagmasahe nito ay pinagaan ang kanyang pakiramdam.“Mas okay na ba ang pakiramdam mo?” Tanong niya.“Oo, mas okay na,” ang sagot niya habang tumatango.“Dalhin na lang kaya kita bukas sa ospital para macheck-up ka at malaman natin kung ano ang dahilan ng pagsakit
“Sige,” ang sabi nito habang dahan dahang sinasarado ang kanyang mga mata. Nararamdaman niyang magaan nitong minamasahe ang kanyang ulo.“Subalit, Jin… mukhang mahalaga talaga kay Gu Lichen ang tao na iyon,” bulong ni Ling Yiran. Iniisip niya dati na playboy si Gu Lichen, pero medyo nagulat siya ng malaman niya na pursigido ito sa paghahanap ng babae na iyon.Hinahanap niya ang batang babae na nakilala niya noong bata pa sila. Kung nakilala niya yung bata na yon nung maliliit pa sila, gaano katagal na kaya niyang hinahanap ang tao na yon? Sampung taon? Dalawampung taon?Pagbibigay ng ganun katagal na oras para sa paghahanap ng isang tao… ito ang uri ng pagtiyatiyaga na wala sa maraming tao.“Matagal na siyang naghahanap. Sa tingin mo mahahanap niya pa ito?” Tanong ni Ling Yiran.“Gusto mo bang mahanap niya ito?” Tanong niya.“Sana ay mahanap niya, para hindi niya na ako mapagkamalan kahit kailan,” sagot niya.Dahil nakapikit ang kanyang mga mata, hindi niya nakita ang lungkot at
Naalala niya na ito ay ibinenta sa halagang daang milyon ng dolyares at nagbiro siya na sino ang magsusuot ng ganon kamahal na na diyamante sa hinaharap.Sa hindi inaasahan, ang diyamanteng ito ay nasa harapan niya ngayon.Ito ba yung… Frozen Heart?” Gulat na tanong niya.“Nakita mo na ito?” Gulat ring sagot ni Yi Jinli."Oo." Habang tumango ang kanyang ulo. “Gagamitin ko itong diyamanteng ito para sa iyong wedding ring. Pwede kang tumingin ng ring setting na gusto mo, o pwede ring hayaan mo ang taga-disenyo na mag-disenyo ng gusto mo,” sabi ni Yi Jinli.‘Wedding ring?’ Napapikit si Ling Yiran sa gulat.Ang diyamenteng naghahalaga ng daang milyon para sa kanyang wedding ring? Hindi makapaniwala si Ling Yiran.“Ayaw mo ba ito?” Nakasimangot na sagot ni Yi Jinli. “Kung ayaw mo, titingin pa ako ng ibang bagay na diyamante, o may iba ka bang gusto na bato?”“Hindi!” Mabilis na tugon ni Ling Yiran. Hindi naman sa hindi niya ito gusto, talaga lang na… “Sobrang mahal ng diyamanteng
Lahat ng imposible ay naging posible dahil sa kanya.“Hindi ba matagal mo nang gustong mabaliktad ang kaso? Bakit ka tahimik?” Sabi ni Yi Jinli dahil tahimik lamang si Ling Yiran.“Ang mga ebidensya na yon… ay sapat na ba para mabaligtad ang kaso? Kaya ba nilang ibigay ang katotohanan?” Bulong ni Ling Yiran.Ang katotohanan… ang mga mata ni Yi Jinli ay kumural ng kaunti. “Oo, hindi iyon problema. Magtiwala ka sa akin!”Namuo ang luha sa mga mata ni Ling Yiran, ang humihikbing sinabi, “Salamat, Jin!”Si Yi Jinli ay pansamantalang natigilan ng makita ang luha ni Ling Yiran. “Huwag kang umiyak. Hindi kita tinulungang maghanap ng ebidensya at baligtarin ang kaso para lamang makita kang umiiyak.”Ramdam na ramdam ni Yi Jinli ang sakit sa kanyang puso dahil sa mga luha ni Ling Yiran.Ngunit, lalo lamang humagulgol si Ling Yiran. Dahil ito sa ilang taon na paghihirap niya sa kawalang hustisya na tila ngayon niya lang makakamit.Mahigpit na niyakap ni Ling Yiran si Yi Jinli habang huma
“Wala ka namang kinalaman dito. Magandang bagay na tinutulungan mo ako sa pagsawalang-bisa ng kaso. Umiiyak ako dahil ang bagay na ito ay matagal nang bumabagabag sa sa aking isipan at ngayon na alam ko na posibleng makapsawalang-bisa ito, hindi ko nakontrol ang aking emosyon,” sabi niya.Nagdikit ang manipis na labi ni Yi Jinli at wala na siyang sinabi. Itinaas lamang niya ang kanyang kamay at hinawakan si Ling Yiran sa kanyang mga braso.Hindi alam ni Ling Yiran kung bakit siya humihingi nga tawad.‘Patawad’, ang pagpapalagpas niya noon sa mga maling gawain ang dahilan kung bakit nagdurusa si Ling Yiran sa sa mga bagay na ito at iniwanan siyang sugatan. Ang tanging magagawa lamang niya ay linisin ang pangalan ni Ling Yiran.Ngunit, maaaring hindi na malaman ni Ling Yiran ang hinahanap-hanap niyang katotohanan!Hinawakan ni Yi Jinli si Ling Yiran ng napakahigpit…...Nang susunod na araw, kumuha si Ling Yiran ng leave of absence kasama si Zhuo Qianyun at pumunta sa law form kas