Para bang hindi na mahalaga para sa kanya kung gaano kamahal ng dalawang tao sa larawan ang isa’t-isa, wala na itong magagawa sa kanya. Iniisip niya kung sumuko na ba talaga siya. Ngayon, gusto na lamang niyang protektahan ang kanyang anak at ang kanyang pamilya! ... Matapos umalis ni Ling Yiran sa maliit na restaurant at bumalik sa Yi Residence ng may mabigat na puso, sinabi ni Yi Jinli, “Iniisip mo pa rin ba ang tungkol kay Lil Yan?” Tumango si Ling Yiran. “Hindi gusto ni Sis Zhuo na mahanap siya ni Ye Wenming. Sinasabi ni Sis Zhuo kay Lil Yan na nasa langit na ang kanyang ama. Pero mayroon nang kinakasama si Ye Wenming. Kung ako iyon, magpapakalayo at hindi ko nang gugustuhin na makita siya ulit.” Napakunoot ang kilay ni Yi Jinli sa lahat ng sinabi ni Ling Yiran. Maaring hindi para sa kanya ang mga sinabi niya, pero siya, na nakikinig, ay sineryoso ito. “Ito ba ay dahil... Dinala niya si Zhuo Qianyun sa bilangguan noon?” tanong ni Yi Jinli. Si Yi Jinli lamang ang nakak
“Sige, ipinapangako ko na lagi mo akong makikita.” Ang kanyang banayad na tinig ay umalingawngaw sa hangin. Hinehele ang bawat simoy ng hangin na nakapapawi sa kanyang habag na puso. Tumungo siya at diretsong tiningnan ang mga mata ni Ling Yiran. “Talaga? Hindi ka nagsisinungaling?”“Oo, totoo ang mga sinabi ko,” aniya, sino ba siya upang gumawa pa ng anumang bagay na makakasakit sa kanya? Siya lang naman ang lalaking mahal na mahal siya ng sobra. Hindi siya si Ye Wenming, at hindi sila tutulad sa buhay nina Ye Wenming at Sis Zhuo. “Sabihin mo sa akin na mahal mo ako at hindi mo kakayaning hindi ako makita,” sabi ni Yi Jinli sa napapaos na boses. Ang kanyang mga mata ay kumikinang at punong-puno ng pag-asam at pananabik.Minsan talaga ay namamangha si Ling Yiran sa hitsura ng mga mata nito, nararamdaman niya na parang siya lamang ang mundo niya. Gaano ba siya kamahal ng lalaking ito? Kung sa una, nag-aalinlangan siya sa kanyang pagmamahal, ngayon ay natitiyak na niyang totoo
“Pinaparamdam sa akin ng trabaho na ‘to na kaya kong suportahan ang aking sarili,” sabi ni Ling Yiran. Kumislap ang mga mata ni Yi Jinli nang marinig niya ito. Ngumiti siya at sinabi, “Ihahatid kita sa trabaho mo ngayon.” Habang nagsasalita siya, hinalikan niya si Ling Yiran sa noo, pagkatapos ay hinila ang kumot na nagtatakip sa kanya bago umalis ng kama. “Ah!” nagpakawala ng isang mahinang sigaw si Ling Yiran at agad-agad tumalikod. Nakita... niya. Nakita niya ngayon lang! Napangiti si Yi Jinli sa nahihiyang itsura ni Ling Yiran. Nakita niya na sobrang cute ng reaksyon nito. “Bakit, hindi mo ba gusto?” Tumalikod si Yi Jinli, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa magkabilang panig ng manipis na kumot ni Ling Yiran habang ang kanyang mainit na hininga ay humahaplos sa kanyang mukha. Namula ang mukha ni Ling Yiran. Sobrang lapit niya kaya nalilito siya kung saan titingin. “Oo... Pasensya na.”“Bakit ka humihingi ng tawad?” Itinaas ni Yi Jinli ang kanyang kamay at kinuha ang
Sa pagdaan ng mga taon, ang nakatagong peklat ay naging mababaw at mababaw, ngunit nanatili ito roon.Sa teknolohiya ngayon, kaya niyang piliin na ipatanggal ang peklat sa pamamagitan ng high-tech na pamamaraan, pero hindi niya ginawa. Para bang ipaalala sa kanyang sarili ang isang bagay na naging dahilan nito. Kung ang kanyang ina ang pinagmulan ng kanyang kawalan ng kapanatagan sa relasyon, paano pa siya? Mababa rin ang tingin ni Ling Yiran sa kanyang sarili. Dahil sa pagtataksil ni Xiao Ziqi, natatakot din siya sa pag-ibig. Minsan niyang naisip na mabuhay ng mag-isa buong buhay niya. Ngayon, si Yi Jinli ang nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng seguridad at ang nagturo sa kanya na magmahal ulit. “Bakit? Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?” Tumingala si Yi Jinli sa tamang oras lamang upang mahuli niya ang hugis almond na mga mata ni Ling Yiran. Ang paraan ng pagtingin ni Ling Yiran sa kanya ay may pagkabalisa na halo-halong lungkot at awa, pati na rin ang iba pang mga emosyon n
Pero masasabi niya na sobrang mahal ni Yiran si Yi Jinli. Naiisip niya ang tungkol dito pero wala siyang sinasabi na kahit ano. Dahil marami ring pinagdaanan si Yiran tulad niya, at malamang ay naiisip na rin ni Yiran ang lahat ng alalahanin sa kanyang isipan. Umaasa lamang siya sa kanyang puso na mayroong magandang kahihinatnan ang pag-ibig Yiran, hindi tulad sa kanya. Nagdadaldalan si Qin Lianyi at Ling Yiran sa kanilang libreng oras sa hapon. Nagpakawala ng napakahaba na kasiyahan si Qin Lianyi nang malaman niya na ang kanyang matalik na kaibigan ay pumunta upang makita ang pangunahing pelikula ni Gao Jingshan. Sana lang ay naroroon siya kahapon. Nagsimula siyang magtanong tungkol sa pagkikita ni Ling Yiran kay Gao Jingshan kahapon at ang kanyang mga litrato sa kanya. Ipinadala ni Ling Yiran kay Qin Lianyi ang mga litrato na nakuha niya sa kanyang phone kahapon. Para naman sa mga may pirmang litrato at mga poster na ibinigay ni Gao Jingshan, kakailanganin niyang kuhaan ng li
“Dalawang poster pa,” ani Ling Yiran. “Ako na gagawa niyan.” Kinuha niya ang phone sa kamay ni Ling Yiran at kinuhanan ng mga litrato ang dalawang natitirang poster bago ipadala ang mga ito kay Qin Lianyi. Imbes na hayaan na gawin ito ni Ling Yiran, nagkusa na si Yi Jinli na gawin ito. “Tapos na lahat?” gulat si Ling Yiran sa bilis ng pagkuha ng mga litrato ni Yi Jinli. “Oo. Dalawang poster lang naman ‘to. Ano sa tingin mo katagal kong gagawin ‘to?” tanong ni Yi Jinli. Tiningnan ni Ling Yiran ang mga litrato ng mga poster na ipinadala ni Yi Jinli sa kanyang kaibigan. Uh, medyo hindi pantay ang pagkakakuha. Hindi niya alam kung papansinin pa ito ni Lianyi. Kung papansinin niya, kukuhaan niya na lang ulit ito mamaya. Binuksan muli ni Ling Yiran ang photo album sa kanyang phone at inumpisahan tingnan ang mga litrato niya kasama si Gao Jingshan na kinuhaan ni Yi Jinli kahapon, iniisip na pumili ng isa para mai-print. Tsaka, magandang memorya ito na magkaroon ng isang litrato ka
Sa kanyang mukha na malapit sa kanya, kusa siyang naglagay ng halik sa mga labi ni Yi Jinli. “Sa mga mata ko, ikaw ang pinakamahusay. Ang isang artista ay isa lamang artista, at ikaw ang nag-iisang taong mahal ko. Kaya kong daanan ang tubig at apoy para sa iyo, pero hindi ko gagawin iyon para sa mga artista. Kaya hindi mo kailangang magselos.” Kung hindi pa sapat ang kanyang seguridad, kung ganoon ay bibigyan niya ito ng seguridad, kahit gaano pa niya ito kailangan!Dumaan sa apoy at tubig... Nagulat si Yi Jinli na parang hindi niya naisip na lalabas ito sa kanyang bibig. Uminit ang kanyang puso. Sa pagtibok ng kanyang puso, ang init ay dahan-dahang dumaloy sa kanyang buong katawan. Ito ang kanyang Yiran, ang Yiran na mahal niya ng sobra. “Dadaanan ko rin ang apoy at tubig para sa’yo, kahit na anong mangyari!” ang mga salita ay malumanay na lumabas sa kanyang bibig ngunit mabigat ang dala nito. Ito ay isang pangako, panghabang-buhay na pangako. Ang babaeng ito ay unti-unti
Gwapo siya at bagay para kay Qin Lianyi. Bakit hindi maibigay ni Qin Lianyi sa kanya ang parehong kasabikan sa pagfa-fangirl sa mga artista sa kanya? Hindi pa niya nakikita ang kanyang sarili sa phone nito. “Tinitingnan mo si Gao Jingshan?” tumingin siya sa phone ni Qin Lianyi at nakita na nakikipag-chat siya kay Ling Yiran. Ang mga litrato ng mga poster ay ipinadala sa kanya ni Ling Yiran, at ang mga salita ni Qin Lianyi sa kanilang pag-uusap ay tunog na... matandang manyak!Mas galit ang nararamdaman ni Bai Tingxin sa tuwing tinitingnan niya ito lalo. Ang babaeng ito... mukhang kailangan niyang ipalala ulit dito kung kaninong pagmamay-ari siya!“Oo.” Medyo namula si Qin Lianyi. “Ang swerte sobra ni Yiran. Dinala siya ni Yi Jinli para makita ang premiere na pelikula ni Gao Jingshan at nakita niya mismo sa personal si Gao Jingshan. Binigay ni Gao Jingshan ang mga poster na ito sa kanya.”“Aktor lang siya. Anong nakakahanga tungkol sa mga ilang posters?” sabi ni Bai Tingxin. Hind