Muntik na mabilaukan si Qin Lianyi sa kanyang kinakain. Sinikap niyang lunukin ang pagkain sa kanyang bibig at tumingin sa mga mata ni Bai Tingxin. Ang kanyang mga mata ay malalim na nakatitig sa kanya na parang gusto niyang makita ang lahat ng sa kanya. “Ano...” kinagat ni Qin Lianyi ang kanyang labi at sinubukang gumawa ng rason. “Dahil minsan... medyo iba ka, parang ano... Uh, isang lotus. Oo, isang lotus na pinapahalagahan lang at hindi pwedeng manggulo sa paligid niya, kaya... ako... hindi ko sinusubukang maging madikit sa’yo.”Habang nagsasalita siya, nakaramdam siya ng matinding kirot na parang may bumabagabag sa kanya habang naiisip ang madikit nilang pinagsamahan noon. Tingnan mo nga naman kung anong nakuha niya sa sarili dahil dito! Kahit na mayroon siyang ilang mga nakakatawang ideya, hindi siya naglakas-loob na umakto ng ganoon!‘Aba! Anong nakakatawang mga ideya?’ mabilis na sinabi ni Qin Lianyi sa kanyang sarili na ayaw na niyang magkaproblema pa sa kanya. “Bakit hi
Pulang-pula ang pisngi ni Qin Lianyi habang medyo pumipikit ang kanyang mga mata. Ang ulo niya ay nakadantay sa balikat ni Bai Tingxin, at amoy alak na rin ang loob ng sasakyan. Lasing na siya pero hindi lasing si Bai Tingxin. Minsan hinihiling niya na madali siyang malasing hangga’t kaya niya. Siguro hindi siya masyadong mag-iisip kung lasing siya. Bahagyang nanigas ang katawan niya dahil dahan-dahang hinahawakan ng isang kamay ang dibdib niya. Wala pa ring malay ang babaeng ito kapag nalalasing siya. “Alam mo ba ang ginagawa mo, Qin Lianyi?” tanong ni Bai Tingxin. Pero sa sandaling sinabi niya ito, natawa ulit siya sa kanyang sarili. Bakit ba siya nagtatanong sa isang lasing na babae? Malamang ay hindi niya alam kung ano ang tinatanong niya. Pero, sumagot ito, “Oo, Hina... Hinahawakan ka...”Magaling, may malay siya. Nanuya si Bai Tingxin. “Hindi ka ba natatakot na pagsisihan mo ito paggising mo?”Pero sinasabi niya lang ito. Medyo nag-aatubili siyang alisin ang kamay m
Maya-maya ay napangiwi siya. Uminom? Habang kinukuskos niya ang kanyang ulo, dumilat si Qin Lianyi at tumitig sa kisame ng kwarto. Paunti nang paunti, ang memorya niya kagabi ay bumalik sa kanyang isipin. Tama, naalala niya na uminom siya nang napakaraming red wine habang kumakain ng midnight snack kasama si Bai Tingxin kahapon. Tapos... Nalasing siya... Tapos...Paunti nang paunti, ang mahalagang detalye ay nagpatuloy na lumutang sa kanyang isipan. Mukhang napunta siya sa sasakyan kasama si Bai Tingxin. At sa loob ng sasakyan, hinahawakan niya si Bai Tingxin buong oras!Sa huli ay sumuko na si Qin Lianyi at tinigil na isipin pa ito. Pinagdarasal niya na ang mga sinabi niya kagabi na hindi niya maalala ay hindi mura o sumpa laban kay Bai Tingxin. Kung hindi man, sa paraan ng paghawak niya ng sama ng loob, iisip siya ng mga paraan para makapaghiganti sa kanya. Bumangon si Qin Lianyi at pinalitan ang kanyang damit. Nang lumabas siya sa kanyang kwarto, nakita niya ang kanyang mg
Sa lugar ng industriya, kahit na anong straw ang lumipad sa hangin ay pagkakaguluhan pa rin ito ng mga tao sa labas. Siya at si Gu Lichen ay hindi gumawa ng anumang mga pagpapakita sa publiko sa oras na ito, at maraming mga haka-haka na iniwan siya nito.Kaya kailangan na niyang lumabas sa publiko kasama si Gu Lichen para itaboy ang usap-usapan. Pero... Hindi siya nabibigyan ng pagkakataon na makipagkita kay Lichen. “Hindi mo ba ako matutulungan ulit, Secretary Zhang? Gusto ko siyang makita,” mapagpakumbabang sinabi ni Ling Luoyin. “Hindi po talaga pwede. Sinabi na ni Mr. Gun na hindi siya makikipagkita, kaya hindi po.” Sinabi ng sekretarya na parang wala nang pag-asa pang magbago. Nakikita na rin ni Ling Luoyin ang malabong kurap ng pangungutya sa mga mata ni Gu Lichen at ang iba’t-ibang uri ng awa na parang mas magaling siya kaysa sa kanya. Akala ba ni Secretary Zhang na tinaboy siya ni Lichen at kaya balik siya sa dati niyang sarili ulit? Madilim na inisip ni Ling Luoyi
Si... Gu Lichen!Suot niya ang kanyang puting shirt kasama ang beige trousers, nagmukha siyang kaswal at kalmado. Ang kanyang itim na buhok ay medyo magulo. Ang malamig na ilaw ng buwan ay nahulog sa kanya at kalahating nadiliman ang kanyang pinong mukha. Ngayon lang ay naramdaman ni Ling Yiran na medyo iba siya sa kanyang sarili. Nakatingin si Gu Lichen sa kanya, ang kanyang itim na mga mata na walang pinagkaiba sa tingin na karaniwan niyang binibigay. Imbes ay madilim ito. Hindi komportable si Ling Yiran sa paraan ng pagtingin niya sa kanya. Para banag may tinitingnan siyang kung ano sa kanya. Habang paunti-unting lumalapit si Gu Lichen, naramdaman ni Ling Yiran ang pagdaloy ng alak sa kanyang mukha.“Nakainom ka ba?” hindi namalayang tanong ni Ling Yiran. “Oo, konti lang,” sabi niya nang may kasamang halakhak, ang kanyang mga mata ay tumuon pa sa kanya lalo. Marahang pinagdikit ni Ling Yiran ang kanyang mga labi. “Gumagabi na. Kailangan ko nang umuwi. Paalam.” Habang nag
Ang mga luha ay...Bigla ay parang mayroong tumutusok na karayom sa kanyang isipan, naramdaman niya ang biglaang sakit...“Alam mo? Miss na miss na kita... Miss na kita...” bulong niya habang palapit nang palapit ang kanyang mukha... ang kanilang mga labi ay muntik nang magdikit. Pow!Ang malinaw na sampal ay umalingawngaw sa kadiliman. Marahang hiningal si Ling Yiran, ang palad ng kanyang kanang kamay ay nasusunog sa sakit – tanda kung gaano kalakas ang sampal niya sa kanya ngayon. Ang mukha ni Gu Lichen ay nasampal sa isang dako. Ang hangin sa kanyang paligid ay ‘tila lumamig. Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos ng mahabang sandali, dahan-dahang pinihit niya ang kanyang ulo gamit ang kanyang mga mata na nakatuon sa kanya. Hindi na malabo ang kanyang mga mata ngayon. Naging mas malinaw sila. Dahan-dahang lumuwag ang kanyang mga daliri na nakahawak kay Ling Yiran, at walang sinasabi na salita, umikot siya at sumuray patungo sa isang kalapit na kotse. Nilagay ni Ling Y
Pinamulahan siya ng pisngi sa rason niya. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatawa.Masaya si Ling Yiran na pagmasdan si Yi Jinli nang tahimik. Hindi niya maisip na isang araw ay magsasama silang dalawa sa ganitong paraan. Iba siya sa tuwing nagtatrabaho, nililipat ang pahina ng mga dokumento habang ang panulat sa kanyang kamay ay patuloy na gumagalaw habang nililista ang mga mahahalagang bagay. Nakikita niya na mabilis itong magbasa at paminsan-minsan ay nagbibigay siya ng mga sunod na sunod na utos sa kabilang dulo ng kompyuter. Sa pagtingin kay Yi Jinli ay biglang nakaramdam ng kasiyahan si Ling Yiran. Palagi niyang naririnig mula sa mga tao na nakakaakit ang mga lalaki tuwing nagtatrabaho. Mukhang totoo nga iyon. Alam ng lahat na hari ng mundo ng negosyo si Yi Jinli dahil nagmula siya sa isang mayaman at kilalang pamilya, ngunit walang sinuman ang pinanganak na hari. Kahit na mayroon siyang suporta sa pamilyang Yi, maari pa rin siyang matanggal kahit na anong oras kung
“Kung gusto mong makita na umiyak ako, iiyak ako,” ang kanyang boses ay muling umalingawngaw sa hangin. Lumaki ang mga mata ni Ling Yiran sa gulat, at hindi makapaniwala ang kanyang mukha. Sinabi ba niya na... iiyak siya?“Anong problema?” tanong niya ng may ngiti sa labi. “Sabi mo kasi, ikaw...”“Kung gusto mong makita ‘yon. Gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para gawin ang gusto mo,” sabi niya habang dahan-dahan siyang yumuko, lalo niyang nakita ang gwapong mukha nito sa kanyang mga mata. Blangkong tumitig si Ling Yiran sa malapit na mukha ni Yi Jinli sa kanya. Naaninag ni Ling Yiran ang kanyang mukha sa madilim na mga mata nito. Ngumiti si Yi Jinli at nagsalita sa isang seryosong ekspresyon na para bang kailangan lang niyang gawin ay sabihin ang kanyang ‘oo’ ay iiyak na talaga siya at luluha na. “Gusto mo?” Ang kanyang tinig ay umalingawngaw ulit sa kanyang tainga. Ang kanyang mga bulong ay nakakaantig ng puso. Umiling si Ling Yiran at sumagot, “Hindi.”Ang kanyang sagot