Si... Gu Lichen!Suot niya ang kanyang puting shirt kasama ang beige trousers, nagmukha siyang kaswal at kalmado. Ang kanyang itim na buhok ay medyo magulo. Ang malamig na ilaw ng buwan ay nahulog sa kanya at kalahating nadiliman ang kanyang pinong mukha. Ngayon lang ay naramdaman ni Ling Yiran na medyo iba siya sa kanyang sarili. Nakatingin si Gu Lichen sa kanya, ang kanyang itim na mga mata na walang pinagkaiba sa tingin na karaniwan niyang binibigay. Imbes ay madilim ito. Hindi komportable si Ling Yiran sa paraan ng pagtingin niya sa kanya. Para banag may tinitingnan siyang kung ano sa kanya. Habang paunti-unting lumalapit si Gu Lichen, naramdaman ni Ling Yiran ang pagdaloy ng alak sa kanyang mukha.“Nakainom ka ba?” hindi namalayang tanong ni Ling Yiran. “Oo, konti lang,” sabi niya nang may kasamang halakhak, ang kanyang mga mata ay tumuon pa sa kanya lalo. Marahang pinagdikit ni Ling Yiran ang kanyang mga labi. “Gumagabi na. Kailangan ko nang umuwi. Paalam.” Habang nag
Ang mga luha ay...Bigla ay parang mayroong tumutusok na karayom sa kanyang isipan, naramdaman niya ang biglaang sakit...“Alam mo? Miss na miss na kita... Miss na kita...” bulong niya habang palapit nang palapit ang kanyang mukha... ang kanilang mga labi ay muntik nang magdikit. Pow!Ang malinaw na sampal ay umalingawngaw sa kadiliman. Marahang hiningal si Ling Yiran, ang palad ng kanyang kanang kamay ay nasusunog sa sakit – tanda kung gaano kalakas ang sampal niya sa kanya ngayon. Ang mukha ni Gu Lichen ay nasampal sa isang dako. Ang hangin sa kanyang paligid ay ‘tila lumamig. Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos ng mahabang sandali, dahan-dahang pinihit niya ang kanyang ulo gamit ang kanyang mga mata na nakatuon sa kanya. Hindi na malabo ang kanyang mga mata ngayon. Naging mas malinaw sila. Dahan-dahang lumuwag ang kanyang mga daliri na nakahawak kay Ling Yiran, at walang sinasabi na salita, umikot siya at sumuray patungo sa isang kalapit na kotse. Nilagay ni Ling Y
Pinamulahan siya ng pisngi sa rason niya. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatawa.Masaya si Ling Yiran na pagmasdan si Yi Jinli nang tahimik. Hindi niya maisip na isang araw ay magsasama silang dalawa sa ganitong paraan. Iba siya sa tuwing nagtatrabaho, nililipat ang pahina ng mga dokumento habang ang panulat sa kanyang kamay ay patuloy na gumagalaw habang nililista ang mga mahahalagang bagay. Nakikita niya na mabilis itong magbasa at paminsan-minsan ay nagbibigay siya ng mga sunod na sunod na utos sa kabilang dulo ng kompyuter. Sa pagtingin kay Yi Jinli ay biglang nakaramdam ng kasiyahan si Ling Yiran. Palagi niyang naririnig mula sa mga tao na nakakaakit ang mga lalaki tuwing nagtatrabaho. Mukhang totoo nga iyon. Alam ng lahat na hari ng mundo ng negosyo si Yi Jinli dahil nagmula siya sa isang mayaman at kilalang pamilya, ngunit walang sinuman ang pinanganak na hari. Kahit na mayroon siyang suporta sa pamilyang Yi, maari pa rin siyang matanggal kahit na anong oras kung
“Kung gusto mong makita na umiyak ako, iiyak ako,” ang kanyang boses ay muling umalingawngaw sa hangin. Lumaki ang mga mata ni Ling Yiran sa gulat, at hindi makapaniwala ang kanyang mukha. Sinabi ba niya na... iiyak siya?“Anong problema?” tanong niya ng may ngiti sa labi. “Sabi mo kasi, ikaw...”“Kung gusto mong makita ‘yon. Gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para gawin ang gusto mo,” sabi niya habang dahan-dahan siyang yumuko, lalo niyang nakita ang gwapong mukha nito sa kanyang mga mata. Blangkong tumitig si Ling Yiran sa malapit na mukha ni Yi Jinli sa kanya. Naaninag ni Ling Yiran ang kanyang mukha sa madilim na mga mata nito. Ngumiti si Yi Jinli at nagsalita sa isang seryosong ekspresyon na para bang kailangan lang niyang gawin ay sabihin ang kanyang ‘oo’ ay iiyak na talaga siya at luluha na. “Gusto mo?” Ang kanyang tinig ay umalingawngaw ulit sa kanyang tainga. Ang kanyang mga bulong ay nakakaantig ng puso. Umiling si Ling Yiran at sumagot, “Hindi.”Ang kanyang sagot
Kahit na ilang taon niya itong hanapin, hindi niya kailanman itong nahanap. Sa tuwing namimiss niya ang babaeng ito ay mas lalo siyang nagsisisi. Nakainom siya ng sobra kahapon, at ang pagsisisi na bumalot sa kanyang puso ay tulad ng isang baha na sumabog at nakakalunod ito. Hindi niya rin alam kung paano siya napadpad sa restaurant na ito. Ang iniisip niya lang ay ang kagustuhan na makita siya. Kailangan niya itong makita. Na parang ang pagkikita sa kanya ang magpapabuti sa kanyang pakiramdam. Pero maya-maya nang makita niya ito, ang batang babae sa kanyang memorya na patuloy na nahahalo sa kanya, na nasa totoong mundo. Sa huli ay nalilimutan niya ang kanyang asal. Kaawa-awa na kahit sobra siyang nalasing kahapon, naalala pa rin niya ang mga nagawa niya sa kanya. Wala siyang pakialam kung nagawa niya ito sa ibang babae. Pero kay Ling Yiran niya nagawa ito, iba siya. Hindi dahil girlfriend siya ni Yi Jinli, pero dahil kamukhang-kamukha niya nang sobra ang batang babae
Sa Sabado ng tanghali, sa pahinga ni Ling Yiran mula sa trabaho, ay kinakaladkad siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Qin Lianyi sa isang roadshow. “Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na makuha ‘yung dalawang ticket na ‘to? Pupunta si Gao Jingshan sa roadshow ngayon, at dapat na makilala ka niya. Dapat mo siyang kausapin para sa akin, o makumbinsi mo siya na makipag-picture sa akin,” daldal ni Qin Lianyi. Parang handa siyang dumaan sa butas ng karayom para lang masilayan si Gao Jingshan. “Bakit hindi mo sinama si Bai Tingxin?” takang tanong ni Ling Yiran. Mas mabuti kung pumunta si Bai Tingxin.Kumibot ang labi ni Qin Lianyi. Tinatago niya ang ganitong bagay kay Bai Tingxin. Kung malaman ng aking kababayan na si Bai Tingxin na pumunta ito sa roadshow ng pelikula ni Gao Jingshan, marahil ay nakasimangot siya buong magdamag.Noong isang araw, ang kababayan niya na si Bai Tingxin ay pinayagan siyang uminom dahil lamang sa poster ni Gao Jingshan. Sa huli ay nalasing si
Napatigil si Ling Yiran. Hindi niya inaasahan na ang panauhin ngayon ay si Ling Luoyin. Minsan ay nag-iimbita sila ng mga panauhin sa entablado ng roadshow bilang sorpresa sa mga nanonood. Karaniwang inaanyayahan nila ang mga artistang may malalaking pangalan, at si Ling Luoyin ay isang artista na nabibilang lamang sa mga D-list sa industriya bago siya naging girlfriend ni Gu Lichen. Ang kasikatan niya ay dahil lang lahat kay Gu Lichen. Sa panahong ito, nakakakuha ng maraming magagandang pagkukunan si Ling Luoyin dahil kay Gu Lichen. Bukod sa ilang nailabas na mga patalastas, ang iba pang mga drama sa TV at mga solo ay nasa produksyon pa lang at hindi pa inilalabas. Hindi pa gumaganap si Ling Luoyin sa mga tunay na pelikula. Sa madaling salita, si Gu Lichen ang rason kung bakit siya ang panauhin ngayon. Sumulyap si Qin Lianyi sa kanyang matalik na kaibigan nang may paumanhin sa kanyang mukha. “Pasensya ka na, Yiran. Hindi ko alam na panauhin ngayon si Ling Luoyin.”Kung al
Sino ang aasa na sasabihan siya ng ganito ni Bai Tingxin, “Girlfriend na kita. Kapag nalaman ko na madikit kayo na higit pa sa ordinaryong tagahanga o iniidolo. Iba-blacklist ko siya sa industriya. At baka hindi mo na rin siya makita sa sine ulit.”Kung iba ang nagsabi nito, iisipin agad niya na nagbibiro lang ito, pero si Bai Tingxin ito... Hinulaan na ni Qin Lianyi kasama ang makitid na utak nito, na gagawin niya ang mga bagay na ito. Kaya kailangan niyang kalimutan ang tungkol sa numero ni Gao Jingshan. Kontento na siya sa litrato nilang magkasama, at autograph, at higit sa lahat, madaming poster. May sumulpot na batang babae sa harapan nina Ling Yiran at Qin Lianyi. Sabi niya, “Hello, Miss Ling.”Nakilala ni Ling Yiran ito bilang assistant ni Gao Jingshan na nakita niya nang makita noon si Gao Jingshan. “Hello,” bawi ni Ling Yiran. “Sundan niyo ako.” Tinuro niya ang daan patungo sa hiwalay na daanan ng mga staff. Sumunod sina Ling Yiran at Qin Lianyi. Hindi inaasahan ni
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at