Napatigil si Ling Yiran. Hindi niya inaasahan na ang panauhin ngayon ay si Ling Luoyin. Minsan ay nag-iimbita sila ng mga panauhin sa entablado ng roadshow bilang sorpresa sa mga nanonood. Karaniwang inaanyayahan nila ang mga artistang may malalaking pangalan, at si Ling Luoyin ay isang artista na nabibilang lamang sa mga D-list sa industriya bago siya naging girlfriend ni Gu Lichen. Ang kasikatan niya ay dahil lang lahat kay Gu Lichen. Sa panahong ito, nakakakuha ng maraming magagandang pagkukunan si Ling Luoyin dahil kay Gu Lichen. Bukod sa ilang nailabas na mga patalastas, ang iba pang mga drama sa TV at mga solo ay nasa produksyon pa lang at hindi pa inilalabas. Hindi pa gumaganap si Ling Luoyin sa mga tunay na pelikula. Sa madaling salita, si Gu Lichen ang rason kung bakit siya ang panauhin ngayon. Sumulyap si Qin Lianyi sa kanyang matalik na kaibigan nang may paumanhin sa kanyang mukha. “Pasensya ka na, Yiran. Hindi ko alam na panauhin ngayon si Ling Luoyin.”Kung al
Sino ang aasa na sasabihan siya ng ganito ni Bai Tingxin, “Girlfriend na kita. Kapag nalaman ko na madikit kayo na higit pa sa ordinaryong tagahanga o iniidolo. Iba-blacklist ko siya sa industriya. At baka hindi mo na rin siya makita sa sine ulit.”Kung iba ang nagsabi nito, iisipin agad niya na nagbibiro lang ito, pero si Bai Tingxin ito... Hinulaan na ni Qin Lianyi kasama ang makitid na utak nito, na gagawin niya ang mga bagay na ito. Kaya kailangan niyang kalimutan ang tungkol sa numero ni Gao Jingshan. Kontento na siya sa litrato nilang magkasama, at autograph, at higit sa lahat, madaming poster. May sumulpot na batang babae sa harapan nina Ling Yiran at Qin Lianyi. Sabi niya, “Hello, Miss Ling.”Nakilala ni Ling Yiran ito bilang assistant ni Gao Jingshan na nakita niya nang makita noon si Gao Jingshan. “Hello,” bawi ni Ling Yiran. “Sundan niyo ako.” Tinuro niya ang daan patungo sa hiwalay na daanan ng mga staff. Sumunod sina Ling Yiran at Qin Lianyi. Hindi inaasahan ni
Napaatras siya ng tatlong hakbang, at sa isang sulyap, nakahiga na siya sa lupa. Tapos isang sigaw sa sakit ang nakatakas sa bibig ni Ling Luoyin. “Ginagawa ko lang ang makakabuti sayo, Ate. Bakit mo ako tinulak ng ganito...” mukhang nasasaktan ang itsura ni Ling Luoyin ngayon. Maluha luha ang mga mata, at nagmumukhang kawawa. Ang biglaang pagbago ng kaganapan ay nagbigay atensyon sa mga tagahanga mula sa pasukan, sinumulan ng marami na kuhain ang kanilang mga phone para kuhaan ito ng litratro at i-rekord. Malamig na tiningnan ni Ling Yiran si Ling Luoyin. “Alam mo kung tinulak kita o hindi.”“Bakit mo sinasabi ‘yan, Ate? Alam ko... Kakalabas mo pa lang ng kulungan, kaya malamang ay tintrato ka ng mali roon. Wala... Wala na para sa akin iyon.”Patulog na nilaro ni Ling Luoyin ang papel ng masalamuhang kababatang kapatid sa harap ng madla habang nililinaw sa harapan ng lahat na galing kulungan si Ling Yiran. Para sa mga maiingay na tagahanga, mainit itong usap-usapan. Natara
Pero walang kabuluhan ito. Boyfriend ni Young Master Gu si Ling Luoyin, at sinusubukan niya ngayon na maghanap ng katarungan para kay Luoyin. Kung ayaw ni Mr. Gu sa mga tao, marahil ay ayaw niya rin sa nakakatandang kapatid ni Luoyin.Humakbang palapit si Gu Lichen, pero bago siya magsalita, sabik na nagsalita ang manager, “Young Master Gu, gusto lamang ni Luoyin na dalhin ang kanyang Ate kay Gao Jingshan mula sa kabutihan nito. Pero tinulak siya ng kanyang kapatid at napilay ang paa ni Luoyin.”Sa madaling salita ay nag susuhestyon siya na protektahan ni Gu Lichen si Ling Luoyin. Maliwanag ang mga mata ni Ling Luoyin, at mukha siyang babasagin na porselana. Na para bang pinipigilan niya na maibalik ang kanyang luha. “Lichen... Huwag... Huwag kang makinig sa kanya. Si Ate... Hindi niya sinasadya yon. Natumba ako dahil natapilok ako.”Pero ang higit na magsabi siya ng ganito, ay higit pang natutuon ang atensyon kay Ling Yiran, ginawa lamang nito ang mga tao na maging mayabang at m
Sinundan nina Ling Yiran at Qin Lianyi ang assistant sa tanggapan ni Gao Jingshan. Si Gao Jingshan ay medyo mabait sa kanila, inaalok na makuhaan sila ng litrato kasama siya. Sinabi niya rin nang may ngiti sa labi, “Kung gusto niyo nga ticket sa kahit na anong palabas ko sa susunod, pwede niyo akong tawagan at ipapadala ko sila.”Habang nagsasalita siya ay binigyan niya ng kanyang numero si Qin Lianyi. Sa opinyon ni Gao Jingshan, nabanggit ni Young Master Yi na girlfriend niya si Miss Ling nang nagkita sila ni Ling Yiran kasama si Yi Jinli noong araw na iyon. Gusto niyang makisalamuha sa kanya. Pero kapag nabibilang ka na sa showbiz, mas maraming koneksyon na mayroon ka, mas masaya. Kaibigan ni Ling Yiran si Qin Lianyi, at masyadong masaya si Gao Jingshan upang magpakita ng kabutihan. Kung binigyan siya ni Gao Jingshan si Qin Lianyi ng kanyang numero sa personal bago iyon, nataranta na malamang si Qin Lianyi. Pero sa mga oras na ito... masaya niyang tinanggap ito at nagsabi
Umugong ang tawa ni Qin Lianyi. “Hehe...” Ito ang rason kung bakit hindi pwedeng magsinungaling mga mga tao. Kung ang isa ay nagsinungaling, mahuhuli at mahuhuli pa rin ito. Sumulyap ulit si Bai Tingxin kay Ling Yiran. “Hello. Pasensya na kung ang babaeng ito ay binigyan ka ng problema ngayon. Tapos na kayo? Kung tapos na kayo, bakit hindi tayo kumain nang sama-sama?”“Ayoko. May gagawin pa ako. Kumain ka kasama si Lianyi,” sabi ni Ling Yiran. Ayaw niyang maging third wheel sa kanila. “Ihahatid na kita kung ganoon,” utas ni Bai Tingxin.“Ayos lang. Kaya ko namang sumakay sa subway sa harap ng sinehan. Walang traffic doon,” Ling Yiran habang nagpapaalam kay Qin Lianyi. Matapos umalis ni Ling Yiran ay tinupit ni Bai Tingxin ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at tumitig nang may kalahating ngiti kay Qin Lianyi. “Sa tingin ko kailangan mong ipaliwanag ang mga nangyari ngayon.”Sinabi ni Qin Lianyi sa halip na pamamahiya, “Well, pagod ako mula sa magdamagang trabaho, kaya pumu
“Tara. Maghapunan muna tayo,” ani Bai Tingxin. Nang marinig ni Qin Lianyi ang pagkain, agad-agad siyang sumigla, Isa sa mga magaganda sa pakikipag-date kay Bai Tingxin ay nakakakain siya nang marami na hindi pa niya nakakakain noon. Sa labas ng cinema, dinala ni Bai Tingxin si Qin Lianyi sa isang sikat na restaurant, Nakikita lamang ni Qin Lianyi ang restaurany na iyo sa isang magazine bago sila kumain dito. Matapos ang date nila ni Bai Tingxin, kumain sila roon ng ilang beses. Ang mga pagkain sa restaurant ay bumagay sa kanyang panlasa. Nang pumasok sila sa restaurant, nagtanong si Bai Tingxin para sa isang pribadong kwarto. Naupo si Qin Lianyi sa isang pribadong kwarto at hindi pinansin ang poster ni Gao Jingshanna nakuha niya ngayong ataw, Sa halip ay nag-scroll lamang siya sa kanyang phone. Hindi nagtagal ay naging mala-multo na ang kanyang ekspresyon. “Anong probelema?”Galit na sinabi ni Qin Lianyi, "Ang mga taong ito ay masyado na. Alam ba nila ang katotohanan? To
Medyo naaliw si Bai Tingxin. Ang kababayan niya na ito ay mukhang hindi na interesado mga autograph at mga poster ni Gao Jingshan na lagi niyang gusto. Pero pagdating sa kanyang kaibigan, mas nagmamalasakit pa siya rito kaysa sa ano pa man. Sobra siyang nagmamalasakit dito kaya medyo nagseselos na siya sa kaibigan niya. Kailan kaya ito magmamalasakit sa kanya?“Sabihin mo sakin!” hindi na mapigilan ni Qin Linayi na pilitin ito. “Ano naman kapalit kapag sinabi ko sayo?” tamad na sinabi ni Bai Tingxin. ‘Anong kapalit?’Kumurap-kurap si Qin Lianyi sa pagtataka. Uh, ano kayang magandang gagawin niya para sa kanya? Hindi niya pwedeng ibigay lang sa kanya ang maraming banknotes ko o bigyan siya ng kopya o dalawa ng poster ni Gao Jingshan. “Anong gusto mo?”“Bigyan mo ako ng isang halik,” kaswal nitong sinabi, para makita kung ano ang magiging reaksyon nito. Pero ang babaeng ito ay dali-daling hinawakan ang kanyang mukha at binigyan siya ng isang napakalaking halik sa kanyang m