Share

Kabanata 445

Niluwagan niya ito pero nakayakap pa rin siya. “Ate, huwag mong sasabihin sakin na gusto mo makipaghiwalay, okay?”

Yumuko siya. May namumuong lungkot sa mga mata niya na hindi pa nakikita ni Ling Yiran dati.

Na para bang ang pagsabi niya ng hiwalayan ay sobrang mapankit na mawawala ito sa sarili.

Ganoon ba siya… kaimportante sa kanya? Sa sobrang importante, hindi nito kayang tanggapin kahit hypothetical lang ang scenario na naiisip niya.

Parang may tumusok sa puso ni Ling Yiran. Hindi niya mapigilang itaas ang kamay niya at yakapin ito pabalik.

“Okay, Jin. Hindi ko na kailanman sasabihin ang salitang ‘hiwalayan’.” Ipinangako niya ito ng ganun lang.

Nung mga oras na ito, hindi na niya masyadong inisip ang dahilan at pagbabayaran niya sa pangakong ito. Ngayon, ayaw niyang makita itong ganun.

Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao.

Pagsapit ng tanghali, bumalik sila Ling Yiran at Yi Jinli sa ospital. Handa na ang mga resulta niya at ang pinakaproblema niya ay mula sa mga dat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status