“Wala lang, gusto lang kitang yakapin ng ganito kahit sandali,” binulong niya habang nakabaon ang kanyang mukha sa leeg nya at inaamoy ito.Para bang comfort ang pagkayap niya ng mahigpit kay Ling Yiran.Para kay Ling Yiran, parang bata ang kilos ni Yi Jinli ngayon. Para syang bata na niyayakap ang kanyang laruan.Siya ang lauran.Tinaas ni Ling Yiran ang kanyang mga kamay at niyakap pabalik si Yi Jinli.Pagkatapos niyang maramdaman ang yakap ni Ling Yiran, naramdaman ni Yi Jinli na nanginig ng kaunti ang kanyang katawan. Pagka sandali, sinabi ni Yi Jinli, “Gusto ko kung paano mo ako hawakan, Ate. Pwede mo ba ko yakapin pa ng mas matagal?”May pagmamahal ang tono niya. Hindi siya makasabi ng no.“Sige,” sagot niya habang patuloy niyang niyayakap ito. Hinayaan niyang tumakbo ang oras ng tahimik......Kinabukasan ng umaga, dumating si Qin Lianyi sa entrance ng Yi residence para sunduin sila. Ngunit, bukod kay Qin Lianyi, nandoon din si Bai Tingxin. Siya ang driver.Ang kotse n
Pagkatapos gawin ito ni Bai Tingxin at pagkatapos niya sabihin sa kanya, pinuri niya si Bai Tingxin. Syempre, pagkatapos niyang purihin ito, sinamantala ito ni Bai Tingxin.Patungkol dito, ayos lang sakanya ang pananamantala ni Bai Tingxin. Sa halip, naeenjoy niya ito.Matagal ng iniisip ni Qin Lianyi kung bakit ganto ang kilos ni Ling Yiran. Naisip niya na baka dahil ito sa mukha ni Bai Tingxin.Kung sabagay, type ni Ling Yiran ang mukha ni Bai Tingxin. Mapagtingin siya sa itsura kaya siya nahihirapan na hindi maapektuhan.Kung sabagay rin, mahilig ang mga tao sa mga magagandang mukha.Ang vibe ng dalawang lalaki sa labas ng sasakyan ay hindi ganun kasaya tulad ng dalawang babae sa loob ng kotse.“Hindi ko inaasahan na sasama ka sa amin ngayon, Young Master Yi,” sabi ni Bai Tingxin.“Syempre, girlfriend ko si Yiran. Sasamahan ko siya kung saan man siya may concern,” sagot ni Yi Jinli.“Talaga? Hindi ba ang taong namatay sa case ni Ling Yiran ay ang iyong fiancée na si Hao Meiy
Pumasok na sila sa sasakyan. Habang nasa likod ng sasakyan ang dalawang babae, si Bai Tingxin naman ang nagddrive at si Yi Jinli ang nasa passenger seat.Habang nasa sasakyan sila, naisip ni Qin Lianyi na parang mas naging feeling mayaman ang kanyang kotse. Magugulat siguro ang ibang tao pag nalaman nilang nasa loob ng mumurahin nyang kotse ang presidente ng Yi Group at presidente ng Bai Feng Group.Habang papunta doon, tahimik lang ang dalawang lalaki sa harap habang ang dalawang babae sa likod ay naguusap.Si Qin Lianyi ang mas nagsasalita kaysa kay Ling Yiran na nakikinig lang.“Oo nga pala, meron ngayon na sobrang sikat na TV series. The King’s Lover ang title. Napanood niyo na ba yun?” Tanong ni Qin Lianyi.Umiling si Ling Yiran. Nagtatrabaho lang siya sa araw at umuuwi ng gabi. At madalas, nagkakaroon lang siya ng oras mag check ng news feed niya sa internet bago matulog.“Maganda siya. Yung plot… Tsk tsk… Ayokong i-spoil. Ibibigay ko sa inyo yung link mamaya. Oo nga pala,
Galit siya dahil siya ay nagseselos sa aktor. Ngunit kinailangan niyang tanggapin dahil kay Qin Lianyi.Kapag pinilit niya si Qin Lianyi, siya ay matitiis nito at kapag naging mabait naman siya sa kanya, sasamantalahin ito ni Qin Lianyi at wala siyang magagawa.Ngunit mas naging relaxed si Bai Tingxin nang sinabi ni Qin Lianyi na fan din si Ling Yiran ni Gao Jingshan.Naisip niya na hindi lang siya ang naiinis.Nagpapalit palit sina Yi Jinli at Bai Tingxin sa pagmamaneho. Pagkadating nila sa detention center ng S City, lagpas alas nuwebe na.Planado na lahat ni Bai Tingxin kaya pumunta na sila sa katabing kwarto ng meeting room.Maraming malalaking screen sa kwarto. Sa mga screen ay makikita mo ang mga imahe ng meeting room. Makikita nila kung ano mga nangyayari at maririnig rin nila ang mga usapan sa loob.Pagkailang saglit, pumasok ang mediator sa loob ng kwarto kung nasaan si Ling Yiran. Sinabi sa kanya ni Ling Yiran ang mga key questions na ginawa niya at tinanong niya kung
Kumurap ang mga mata ni You Lei at sinabing, “Anong ibig mong sabihin ng malinis? Tuwid at tapat ako. Ano ang hindi malinis doon?”“Oo nga pala, pumunta ako kahapon sa bahay ng mga magulang mo para kausapin sila tungkol sayo. Pareho silang nagsalita gamit ang dayalekto ng Shen City. Tiga Shen City ba sila?” kaswal na sinabi ng mediator.“Oo, nakatira sila dati sa Shen City.”“Dati ka rin ba nakatira sa Shen City? Bakit ka tumira sa S City? Mas maayos sa Shen City kaysa sa S City,” sabi ng mediator na para bang meron silang maikling pag-uusap.“Mas maraming presyon sa mga malalaking lungsod. Kahit na mas maliit ang lungsod dito, mas komportable naman na tumira dito.”“Totoo yan.” Ngumiti ang mediator at sinabing, “Muntik ko na makalimutan. Pinapasabi ng taong nasugatan mo na itanong sayo ang tungkol kay Miss Hao. Sabi niya ay kung natatakot ka na malantad, mas mabuti na bayaran mo na siya, kung hindi sasabihin niya ang lahat sa mundo.”Namutla ang mukha ni You Lei pero mukhang sin
Kung ang lokal na maniniil ng Shen City ay tutulong para maibaliktad ang kaso, siguradong magiging matagumpay ito.Bukod doon, inosente si Yiran! Kung sino man ang nasa likod nito, malalaman at malalaman parin ito. Biglang lumiwanag ang mukha ni Qin Lianyi. “Halos tanghali na. Sabay sabay na tayo kumain ng tanghalian.”Tumango si Ling Yiran, pagkatapos ay naglakad silang apat palabas ng detention center papunta sa kotse.Abala si Qin Lianyi sa paghahanap ng kakainan sa S City. Pagkatapos ay tinanong niya si Ling Yiran na pumili. Hindi makatutol ang dalawang lalaki, kaya nagmaneho nalang si Bai Tingxin papunta sa kainan.Ito ay isang lokal at espesyal na restwaran dito sa S City, bukod doon ay matagal na itong natatag. Lumabas na silang apat sa sasakyan at nagtanong ng pribadong kwarto bago sila umorder.Syempre, si Qin Lianyi ang umorder, pero binatay niya ito sa mga rekomendasyon sa online.Pagkatingin ni Qin Lianyi sa kanyang phone, nakita niya na nasa 20 na putahe ang nakala
“Sige, kain na tayo,” sabi ni Yi Jinli.Nagsimula na silang apat na kumain. Tinulungan ni Yi Jinli si Ling Yiran na balatan ang mga hipon na kinakain nila. Dahil dito medyo nahiya si Ling Yiran. Kung sabagay, nasa harap nila ang best friend niya at si Bai Tingxin.Kinindatan pa siya ni Qin Lianyi, dahilan para siya ay mawalan ng imik.Mukhang kaaya-aya si Yi Jinli habang nagbabalat ng mga hipon para sa kanya ngunit mukhang wala siyang pakielam sa opinyon ng iba.Pagkatapos nilang kumain, pinaalalahanan ni Yi Jinli si Ling Yiran, “Wag mong kalimutan na inumin ang gamot mo 20 minutes pagkatapos kumain.”“Okay,” sagot ni Ling Yiran.“May sakit ka?” Nagulat si Qin Lianyi at nagtanong agad siya na may kasamang pag aalala.“Wala, para lang bumalik ang kalusugan ko. Gamot ito para sa sakit ko sa kasukasuan,” sagot ni Ling Yiran.Napatigil si Qin Lianyi. Alam niyang nakulong ang best friend niya ng tatlong taon. Pagkatapos niyang makalaya, nagkaroon siya ng rheumatism. Sumasakit ang ka
Napansin ni Ling Yiran ang pag aalala ng kanyang best friend kaya sinabi niya, “Huwag mo na intindihin yun, basta ang kailangan ko ay malaman ang katotohanan at maibigay kay Hao Meiyu ang hustisya habang nililinis ko ang pangalan ko!”“Huwag mo na ko intindihin. Ikaw ba? Kamusta kayo ni Bai Tingxin?” tanong ni Ling Yiran.“Ano pa ba? Yung lang naman.” Nagkibit balikat si Qin Lianyi at sinabi, “Mukha lang kaming normal na couple na nasa isang normal na relasyon.”Minsan ay kapansin pansin na masyado nang mukhang ‘normal’ ang kanilang relasyon kung kaya’t parang naiisip niya na nasa isang relasyon talaga sila ni Bai Tingxin. Nagugustuhan niya ang feeling na makipag-date. Kinailangan niyang paalalahanan ang kanyang sarili na lahat ng ito ay hindi totoo. Gagantihan lang siya ni Bai Tingxin pagkatapos mainlove ni Qin Lianyi sa kanya.“Hindi pa rin ako naniniwala na maghihiganti sayo si Bai Tingxin tulad ng iniisip mo,” sabi ni Ling Yiran. Kung gugustuhin niya talagang maghiganti kay Lia