Share

Kabanata 444

Napatigil si Yi Jinli sa paglalakad at tiningnan si Ling Yiran.

Naguluhan siya. “Ano yun?”

“Paano kung?” Bigla niyang tinanong.

Nagulat si Ling Yiran at unti-unting nawala ang ngiti niya. Malungkot siyang utmingin dito. “Jin, ayokong may nagsisinungaling sa akin. Lagi kong iniisip na para magtagal ang isang relasyon, kailangan ay honest kayo sa isa’t isa. Ang pinaka bare minimum ay hindi sila nagsisinungaling sa isa’t isa.”

Tahimik lang si Yi Jinli pero nakatitig lang ito sa kanya.

“Magsisinungaling ka ba sakin?” Tanong ni Ling Yiran ulit. Kinakabahan siya dahil natatakot siyang umoo ito. Natatakot siya na biglang magiging magkabaliktad ang pinaniniwalaan nila.

Kung hindi sila magkakasundo tungkol dito, paano na magpapatuloy ang relasyon nila?

Napakuyom ng kamao si Yi Jinli. Pagkatapos, mabagal na gumalaw ang mga labi nito habang sinasabi ang isang salita, “Hindi.”

Nung narinig niya ang sagot nito, pakiramdam niya ay naalis na ang nakadagan sa puso niya. Makakahinga na siya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status