Alam ni Yi Jinli na ayaw ni Ling Yiran sa madilim; kahit na matutulog siya, iniiwan niya pa ring bukas ang ilaw.Nung nakatira pa sila dati sa paupahang bahay, nakakatulog pa siya nang patay ang ilaw, pero nung kalaunan nasanay na siyang matulog na bukas ang ilaw.Nalungkot siya nang kaunti. Wala ba siya sa kwarto?Pero nung paalis na siya, may narinig siyang umiiyak.Andun nga siya!Napatigil siya nang kaunti at saka inabot ang pindutan ng ilaw at binuksan ito. At doon na nga lumiwanag ang kwarto.Ang tanging nakita lang ni Yi Jinli ay parang isang manipis na anino na nasa sulok ng kwarto. Nakaupo siya sa sahig at nakaharap sa dingding; ang mukha niya ay nakasubsob sa tuhod niya at ang balikat niya ay parang nanginginig. Dinig na dinig nito ang tuloy tuloy na pag-hikbi mula sa kanya.Umiiyak ba siya?Napatingin siya na parang nag-aalala at pinuntahan niya ito. Naupo siya at tumingin sa kanya, "Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya.Nagulat si Ling Yiran sa boses niya. Inangat n
"Oo," Sabi niya, pero hindi niya talaga alam kung paano pa siya makakakuha ng 50 milyon yuan."Ayoko nga!" Patawang sinabi ni Yi Jinli. Nanigas ang katawan ni Ling Yiran at bigla itong nanghina. Kahit ang pag-asa sa kanyang mata ay nawala.Malamang, tatanggihan siya nito. Anong pumasok sa isip niya at nasabi niyang kung hindi siya aalis sa tabi niya at gagawin niya lahat ng gusto niya eh bibigyan siya nito ng 50 milyon yuan?Tinawanan ni Ling Yiran ang sarili niya. Natawa kaya siya dahil akala niya katumbas siya ng ganung halaga o baka akala niya 50 milyon yuan ang halaga ng pagkagusto nito sa kanya?Nanahimik si Ling Yiran at tumungo. Yung kamay niyang nakahawak kay Yi Jinli ay parang nawalan ng lakas at bumitaw ito.Tumingin si Yi Jinli nang may pag-aalala kay Ling Yiran at pagkatapos ay tumayo ito at sinabing, "Sa tingin ko kailangan mo ng pahinga. Papadalhan kita ng pagkain sa kasambahay. Kumain ka bago matulog."Lumabas si Yi Jinli ng kwarto at naiwan si Ling Yiran sa loob
Kumuha si Yi Jinli ng pagkain, binigay ito sa kanya at sinabing, "Kung gusto mong malaman kung saan nakalibing ang nanay mo, kainin mo muna 'to."Mapula at maga ang mala-almond na mata ni Ling Yiran nang tumingin siya nang may pagkagulat.Ano kaya ang ibig niyang sabihin... "Alam mo kung saan nakalibing ang nanay ko?""Sasabihin ko sa'yo 'pag naubos mo 'to." Sabi niya.Nang marinig ito ni Ling Yiran, bigla siyang ginanahan. Kinuha niya ang pagkain sa tray at nagsimulang kumain. Nalungkot si Yi Jinli. Hindi ito sanay na makita siyang kumakain na parang halos mabulunan na sa pagmamadali.Dahil dito, nalaman niya kung gaano ka-importante sa kanya ang puntod ng nanay niya.Kumunot ang noo ni Yi Jinli at tiningnan nito ang luha na tumutulo sa mukha ni Yiran. Mas pumula at nagmaga ang mga mata nito kumpara nung huli silang magkausap.Umiyak na naman ba siya habang wala ako?"Bagalan mo lang ang pag kain. Kahit sa North o South pole pa nilibing ng tatay mo ang nanay mo, dadalhin kit
"Humingi ka sakin ng 50 milyon yuan. Bakit di mo 'ko hayaang hanapin kung saan nakalibing ang nanay mo?" Tanong niya. Nagulat siya. Napaalala nito ang kabobohan niya. Kahit ba bigyan niya ng 50 million yuan ang tatay niya, makukuntento ba yun? Hindi ba siya hihingi ng mas malaki pa?Kagaya ng sinabi ni Yi Jinli, imbis na humingi siya ng 50 milyon yuan, pwede nalang siyang humingi ng tulong sa kanya para mahanap ang puntod ng nanay niya.Pwede niyang sabihin na nag-panic lang siya kaya hindi niya naisip ang ganun kasimpleng bagay."Pwede mo na ba 'kong dalhin dun ngayon?" tanong ni Ling Yiran. Makakalma lang siya pag nalaman niya kung saan nakalibing ang nanay niya."Hindi tayo nagmamadali. Kailangan mo muna magpahinga. Umidlip ka kung inaantok ka," sabi ni Yi Jinli.Pero wala sa mood si Ling Yiran para matulog! Tinignan niya na lang si Yi Jinli na para bang 'di na ito makatiis.Makaraan ang 15 minutes, tumunog ang phone ni Yi Jinli. Sinagot niya ito at sinabing, "Sige, okay na.
"Ayon sa imbestigasyon, ang tatay ni Miss Ling ay nagbayad ng tatlong buwang renta dito pagkatapos niyang kunin ang lagayan ng abo. Simula nung nilipat niya ito nung unang araw ay hindi na siya ulit dumalaw. At isa pa, hindi rin nagpunta ang tatay ni Miss Ling sa kahit anong sementeryo para bumili ng bagong lugar na paglilibingan," Sabi ni Gao Congming.Si Ling Yiran ay napayuko at tinignan ang lagayan ng abo sa harap niya.Hindi talaga sinadya... ng tatay niyang ilipat ang puntod ng nanay niya. Ginawa niya lang yun para i-blackmail siya.Baka ibalik niya lang ang abo sa kanya kapag nakuha niya na ang gusto niya kay Ling Yiran.Pwede niya din ibili ng bagong lugar sa sementeryo ang pera!Napaisip na lang ito kung anong mararamdaman ng nanay niya na ginaganito lang siya ng taong dati niyang minahal pagkamatay niya.Natawa at nalungkot na lang si Ling Yiran sa pag-iisip nito.Namula nang kaunti ang ilong niya pero ngayon hindi na tumulo ang luha niya. Baka masyado na siyang marami
"Hindi, okay lang ako dito!" mabilis na sagot ni Ling Yiran. Ang piniling niyang puntod para sa nanay ni Ling Yiran ay nasa hiwalay na lugar na di kasama sa ibang nakalibing doon.Kung ikukumpara siya sa isang bahay, yung hilera ng mga puntod ay parang mga apartment pero yung pinili niya ay parang mansyon.Isa siyang nakahiwalay at maliit na lugar na napapalibutan ng mga puno. Meron pa ngang mga mesa at upuan na gawa sa bato sa di kalayuan para doon makapagpahinga ang mga dadalaw."Mabuti naman. Pwede mo nang ilagay ang mga abo ng nanay mo sa loob," sabi ni Yi Jinli.Tumango sa Ling Yiran, lumuhod at pinasok ang lagayan ng abo sa loob ng butas na nasa harap ng lapida kung saan tinatago ito. Pagkatapos ay tinakpan na ito ng mga trabahador ng makinis na bato at binuhusan ng semento para maisara at matakpan ito nang buo. Ang isang empleyado doon ay binigyan si Ling Yiran ng kontrata sa sementeryo. Ito ay isang kontrata na hanggang 50 taon ang bisa.Nakita ni Ling Yiran na napakamah
Maitim na buhok, maputing balat, at makinis na leeg. Sa paningin nito, nakikita niya ang hugis ng tenga at itsura ng mukha nito.Hindi niya maalis ang tingin kay Yi Jinli. Ang tenga ni Yi Jinli ay para bang mas magandang tignan kumpara sa normal na tenga ng tao.Nung tumayo nang maayos si Yi Jinli at tumingin ito sa kanya, para bang may tumama sa puso niya.Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang mga mata niya ay parang peach blossom petals na nahulog sa lawa, at nakaron ng tila ba maliliit na alon na kulay silver. Bumukas at sumara ang bibig nito na para bang tunog na nagpatibok sa puso niya.Dito niya naramdaman na para bang ang alapaap at ang mundo ay naglaho. Ang nakikita niya lang ay si Yi Jinli.Pagkatapos ay nakita niyang papalapit nang papalapit ang mukha ni Yi Jinli sa kanya. Napakagwapo nito na para bang siya ang pinakamagandang ginawa ng Panginoon."Anong nangyari?" Bigla nitong narinig ang boses niya.Napatigil siya at parang nagising ito sa imahinasyon niya, dito niya na
Habang tinitignan niya ito ay para bang nawawala na naman siya sa sarili niya at naiisip niyang mas magkalapit na sila sa isa't-isa. Pero pagkatapos ng ilang sandali, para bang gusto niya na ulit siyang iwasan.Kumpara dati para bang mas nahihirapan na siyang iwasan ito ngayon.Sa ilang saglit ay para bang hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. Namula lang nang namula ang mukha niya habang nakatingin ito sa kanya."Bakit di ka makatingin sa'kin? Tignan mo 'ko! Lumapit ito habang nagsasalita. Para bang nabighani ito sa boses niya at hindi nito napansin na nakatitig na siya sa mukha niya.Napakaamo ng tingin ng lalaking ito na para bang gustong gusto siya at ayaw nitong lumayo sa kanya. Hinangin ang bangs nito, at nakita nang buo ang kanyang noo. Sa isip niya, para bang nakukumpara niya ito kay Jin sa pagkaka-alala niya.Si Jin ay ganyan tumingin sa kanya dati."Gusto mo pa rin ba ko kahit anong mangyari?" Bumulong ulit ito sa tenga niya.Biglang nakita ang pagka-guilty
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at