Sa oras na yun, may naalala din siyang mga labi na hindi niya kailanman nakitaan ng lipstick dahil sa natural na kulay ng labi nito.Yun ay yung light pinkish na labi na sobrang natural at sa tingin niya, yun ang pinakamagandang kulay."Tanggalin mo yan." Sabi ni Gu Lichen."Ha?" Hindi na nakapagsalita pa si Ling Luoyin."Sabi ko tanggalin mo na yang lipstick mo," Sabi ni Gu Lichen. Nagulat si Ling Luoyin. Papunta na sana sila sa isang event. Nakabihis na siya nang magarbo dahil gusto niyang siya ang pinakamaganda sa lahat. Kung tatanggalin niya yung lipstick, mawawalan ng buhay yung makeup niya. Hindi na siya mapapansin sa event at magmumukha siyang katatawanan."Ngayon na? Eh malapit na tayo sa pupuntahan natin...""Ngayon na." Mabilis na sagot ni Gu Lichen. Makikita ang pagkadismaya nito sa mala-phoenix niyang mata.Walang nagawa si Ling Luoyin dahil ayaw niyang madismaya si Gu Lichen. Ang nagawa niya nalang ay kagatin ang labi niya nang konti, kumuha ng tissue at pinunasan
Alam ni Yi Jinli na ayaw ni Ling Yiran sa madilim; kahit na matutulog siya, iniiwan niya pa ring bukas ang ilaw.Nung nakatira pa sila dati sa paupahang bahay, nakakatulog pa siya nang patay ang ilaw, pero nung kalaunan nasanay na siyang matulog na bukas ang ilaw.Nalungkot siya nang kaunti. Wala ba siya sa kwarto?Pero nung paalis na siya, may narinig siyang umiiyak.Andun nga siya!Napatigil siya nang kaunti at saka inabot ang pindutan ng ilaw at binuksan ito. At doon na nga lumiwanag ang kwarto.Ang tanging nakita lang ni Yi Jinli ay parang isang manipis na anino na nasa sulok ng kwarto. Nakaupo siya sa sahig at nakaharap sa dingding; ang mukha niya ay nakasubsob sa tuhod niya at ang balikat niya ay parang nanginginig. Dinig na dinig nito ang tuloy tuloy na pag-hikbi mula sa kanya.Umiiyak ba siya?Napatingin siya na parang nag-aalala at pinuntahan niya ito. Naupo siya at tumingin sa kanya, "Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya.Nagulat si Ling Yiran sa boses niya. Inangat n
"Oo," Sabi niya, pero hindi niya talaga alam kung paano pa siya makakakuha ng 50 milyon yuan."Ayoko nga!" Patawang sinabi ni Yi Jinli. Nanigas ang katawan ni Ling Yiran at bigla itong nanghina. Kahit ang pag-asa sa kanyang mata ay nawala.Malamang, tatanggihan siya nito. Anong pumasok sa isip niya at nasabi niyang kung hindi siya aalis sa tabi niya at gagawin niya lahat ng gusto niya eh bibigyan siya nito ng 50 milyon yuan?Tinawanan ni Ling Yiran ang sarili niya. Natawa kaya siya dahil akala niya katumbas siya ng ganung halaga o baka akala niya 50 milyon yuan ang halaga ng pagkagusto nito sa kanya?Nanahimik si Ling Yiran at tumungo. Yung kamay niyang nakahawak kay Yi Jinli ay parang nawalan ng lakas at bumitaw ito.Tumingin si Yi Jinli nang may pag-aalala kay Ling Yiran at pagkatapos ay tumayo ito at sinabing, "Sa tingin ko kailangan mo ng pahinga. Papadalhan kita ng pagkain sa kasambahay. Kumain ka bago matulog."Lumabas si Yi Jinli ng kwarto at naiwan si Ling Yiran sa loob
Kumuha si Yi Jinli ng pagkain, binigay ito sa kanya at sinabing, "Kung gusto mong malaman kung saan nakalibing ang nanay mo, kainin mo muna 'to."Mapula at maga ang mala-almond na mata ni Ling Yiran nang tumingin siya nang may pagkagulat.Ano kaya ang ibig niyang sabihin... "Alam mo kung saan nakalibing ang nanay ko?""Sasabihin ko sa'yo 'pag naubos mo 'to." Sabi niya.Nang marinig ito ni Ling Yiran, bigla siyang ginanahan. Kinuha niya ang pagkain sa tray at nagsimulang kumain. Nalungkot si Yi Jinli. Hindi ito sanay na makita siyang kumakain na parang halos mabulunan na sa pagmamadali.Dahil dito, nalaman niya kung gaano ka-importante sa kanya ang puntod ng nanay niya.Kumunot ang noo ni Yi Jinli at tiningnan nito ang luha na tumutulo sa mukha ni Yiran. Mas pumula at nagmaga ang mga mata nito kumpara nung huli silang magkausap.Umiyak na naman ba siya habang wala ako?"Bagalan mo lang ang pag kain. Kahit sa North o South pole pa nilibing ng tatay mo ang nanay mo, dadalhin kit
"Humingi ka sakin ng 50 milyon yuan. Bakit di mo 'ko hayaang hanapin kung saan nakalibing ang nanay mo?" Tanong niya. Nagulat siya. Napaalala nito ang kabobohan niya. Kahit ba bigyan niya ng 50 million yuan ang tatay niya, makukuntento ba yun? Hindi ba siya hihingi ng mas malaki pa?Kagaya ng sinabi ni Yi Jinli, imbis na humingi siya ng 50 milyon yuan, pwede nalang siyang humingi ng tulong sa kanya para mahanap ang puntod ng nanay niya.Pwede niyang sabihin na nag-panic lang siya kaya hindi niya naisip ang ganun kasimpleng bagay."Pwede mo na ba 'kong dalhin dun ngayon?" tanong ni Ling Yiran. Makakalma lang siya pag nalaman niya kung saan nakalibing ang nanay niya."Hindi tayo nagmamadali. Kailangan mo muna magpahinga. Umidlip ka kung inaantok ka," sabi ni Yi Jinli.Pero wala sa mood si Ling Yiran para matulog! Tinignan niya na lang si Yi Jinli na para bang 'di na ito makatiis.Makaraan ang 15 minutes, tumunog ang phone ni Yi Jinli. Sinagot niya ito at sinabing, "Sige, okay na.
"Ayon sa imbestigasyon, ang tatay ni Miss Ling ay nagbayad ng tatlong buwang renta dito pagkatapos niyang kunin ang lagayan ng abo. Simula nung nilipat niya ito nung unang araw ay hindi na siya ulit dumalaw. At isa pa, hindi rin nagpunta ang tatay ni Miss Ling sa kahit anong sementeryo para bumili ng bagong lugar na paglilibingan," Sabi ni Gao Congming.Si Ling Yiran ay napayuko at tinignan ang lagayan ng abo sa harap niya.Hindi talaga sinadya... ng tatay niyang ilipat ang puntod ng nanay niya. Ginawa niya lang yun para i-blackmail siya.Baka ibalik niya lang ang abo sa kanya kapag nakuha niya na ang gusto niya kay Ling Yiran.Pwede niya din ibili ng bagong lugar sa sementeryo ang pera!Napaisip na lang ito kung anong mararamdaman ng nanay niya na ginaganito lang siya ng taong dati niyang minahal pagkamatay niya.Natawa at nalungkot na lang si Ling Yiran sa pag-iisip nito.Namula nang kaunti ang ilong niya pero ngayon hindi na tumulo ang luha niya. Baka masyado na siyang marami
"Hindi, okay lang ako dito!" mabilis na sagot ni Ling Yiran. Ang piniling niyang puntod para sa nanay ni Ling Yiran ay nasa hiwalay na lugar na di kasama sa ibang nakalibing doon.Kung ikukumpara siya sa isang bahay, yung hilera ng mga puntod ay parang mga apartment pero yung pinili niya ay parang mansyon.Isa siyang nakahiwalay at maliit na lugar na napapalibutan ng mga puno. Meron pa ngang mga mesa at upuan na gawa sa bato sa di kalayuan para doon makapagpahinga ang mga dadalaw."Mabuti naman. Pwede mo nang ilagay ang mga abo ng nanay mo sa loob," sabi ni Yi Jinli.Tumango sa Ling Yiran, lumuhod at pinasok ang lagayan ng abo sa loob ng butas na nasa harap ng lapida kung saan tinatago ito. Pagkatapos ay tinakpan na ito ng mga trabahador ng makinis na bato at binuhusan ng semento para maisara at matakpan ito nang buo. Ang isang empleyado doon ay binigyan si Ling Yiran ng kontrata sa sementeryo. Ito ay isang kontrata na hanggang 50 taon ang bisa.Nakita ni Ling Yiran na napakamah
Maitim na buhok, maputing balat, at makinis na leeg. Sa paningin nito, nakikita niya ang hugis ng tenga at itsura ng mukha nito.Hindi niya maalis ang tingin kay Yi Jinli. Ang tenga ni Yi Jinli ay para bang mas magandang tignan kumpara sa normal na tenga ng tao.Nung tumayo nang maayos si Yi Jinli at tumingin ito sa kanya, para bang may tumama sa puso niya.Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang mga mata niya ay parang peach blossom petals na nahulog sa lawa, at nakaron ng tila ba maliliit na alon na kulay silver. Bumukas at sumara ang bibig nito na para bang tunog na nagpatibok sa puso niya.Dito niya naramdaman na para bang ang alapaap at ang mundo ay naglaho. Ang nakikita niya lang ay si Yi Jinli.Pagkatapos ay nakita niyang papalapit nang papalapit ang mukha ni Yi Jinli sa kanya. Napakagwapo nito na para bang siya ang pinakamagandang ginawa ng Panginoon."Anong nangyari?" Bigla nitong narinig ang boses niya.Napatigil siya at parang nagising ito sa imahinasyon niya, dito niya na