"Humingi ka sakin ng 50 milyon yuan. Bakit di mo 'ko hayaang hanapin kung saan nakalibing ang nanay mo?" Tanong niya. Nagulat siya. Napaalala nito ang kabobohan niya. Kahit ba bigyan niya ng 50 million yuan ang tatay niya, makukuntento ba yun? Hindi ba siya hihingi ng mas malaki pa?Kagaya ng sinabi ni Yi Jinli, imbis na humingi siya ng 50 milyon yuan, pwede nalang siyang humingi ng tulong sa kanya para mahanap ang puntod ng nanay niya.Pwede niyang sabihin na nag-panic lang siya kaya hindi niya naisip ang ganun kasimpleng bagay."Pwede mo na ba 'kong dalhin dun ngayon?" tanong ni Ling Yiran. Makakalma lang siya pag nalaman niya kung saan nakalibing ang nanay niya."Hindi tayo nagmamadali. Kailangan mo muna magpahinga. Umidlip ka kung inaantok ka," sabi ni Yi Jinli.Pero wala sa mood si Ling Yiran para matulog! Tinignan niya na lang si Yi Jinli na para bang 'di na ito makatiis.Makaraan ang 15 minutes, tumunog ang phone ni Yi Jinli. Sinagot niya ito at sinabing, "Sige, okay na.
"Ayon sa imbestigasyon, ang tatay ni Miss Ling ay nagbayad ng tatlong buwang renta dito pagkatapos niyang kunin ang lagayan ng abo. Simula nung nilipat niya ito nung unang araw ay hindi na siya ulit dumalaw. At isa pa, hindi rin nagpunta ang tatay ni Miss Ling sa kahit anong sementeryo para bumili ng bagong lugar na paglilibingan," Sabi ni Gao Congming.Si Ling Yiran ay napayuko at tinignan ang lagayan ng abo sa harap niya.Hindi talaga sinadya... ng tatay niyang ilipat ang puntod ng nanay niya. Ginawa niya lang yun para i-blackmail siya.Baka ibalik niya lang ang abo sa kanya kapag nakuha niya na ang gusto niya kay Ling Yiran.Pwede niya din ibili ng bagong lugar sa sementeryo ang pera!Napaisip na lang ito kung anong mararamdaman ng nanay niya na ginaganito lang siya ng taong dati niyang minahal pagkamatay niya.Natawa at nalungkot na lang si Ling Yiran sa pag-iisip nito.Namula nang kaunti ang ilong niya pero ngayon hindi na tumulo ang luha niya. Baka masyado na siyang marami
"Hindi, okay lang ako dito!" mabilis na sagot ni Ling Yiran. Ang piniling niyang puntod para sa nanay ni Ling Yiran ay nasa hiwalay na lugar na di kasama sa ibang nakalibing doon.Kung ikukumpara siya sa isang bahay, yung hilera ng mga puntod ay parang mga apartment pero yung pinili niya ay parang mansyon.Isa siyang nakahiwalay at maliit na lugar na napapalibutan ng mga puno. Meron pa ngang mga mesa at upuan na gawa sa bato sa di kalayuan para doon makapagpahinga ang mga dadalaw."Mabuti naman. Pwede mo nang ilagay ang mga abo ng nanay mo sa loob," sabi ni Yi Jinli.Tumango sa Ling Yiran, lumuhod at pinasok ang lagayan ng abo sa loob ng butas na nasa harap ng lapida kung saan tinatago ito. Pagkatapos ay tinakpan na ito ng mga trabahador ng makinis na bato at binuhusan ng semento para maisara at matakpan ito nang buo. Ang isang empleyado doon ay binigyan si Ling Yiran ng kontrata sa sementeryo. Ito ay isang kontrata na hanggang 50 taon ang bisa.Nakita ni Ling Yiran na napakamah
Maitim na buhok, maputing balat, at makinis na leeg. Sa paningin nito, nakikita niya ang hugis ng tenga at itsura ng mukha nito.Hindi niya maalis ang tingin kay Yi Jinli. Ang tenga ni Yi Jinli ay para bang mas magandang tignan kumpara sa normal na tenga ng tao.Nung tumayo nang maayos si Yi Jinli at tumingin ito sa kanya, para bang may tumama sa puso niya.Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang mga mata niya ay parang peach blossom petals na nahulog sa lawa, at nakaron ng tila ba maliliit na alon na kulay silver. Bumukas at sumara ang bibig nito na para bang tunog na nagpatibok sa puso niya.Dito niya naramdaman na para bang ang alapaap at ang mundo ay naglaho. Ang nakikita niya lang ay si Yi Jinli.Pagkatapos ay nakita niyang papalapit nang papalapit ang mukha ni Yi Jinli sa kanya. Napakagwapo nito na para bang siya ang pinakamagandang ginawa ng Panginoon."Anong nangyari?" Bigla nitong narinig ang boses niya.Napatigil siya at parang nagising ito sa imahinasyon niya, dito niya na
Habang tinitignan niya ito ay para bang nawawala na naman siya sa sarili niya at naiisip niyang mas magkalapit na sila sa isa't-isa. Pero pagkatapos ng ilang sandali, para bang gusto niya na ulit siyang iwasan.Kumpara dati para bang mas nahihirapan na siyang iwasan ito ngayon.Sa ilang saglit ay para bang hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. Namula lang nang namula ang mukha niya habang nakatingin ito sa kanya."Bakit di ka makatingin sa'kin? Tignan mo 'ko! Lumapit ito habang nagsasalita. Para bang nabighani ito sa boses niya at hindi nito napansin na nakatitig na siya sa mukha niya.Napakaamo ng tingin ng lalaking ito na para bang gustong gusto siya at ayaw nitong lumayo sa kanya. Hinangin ang bangs nito, at nakita nang buo ang kanyang noo. Sa isip niya, para bang nakukumpara niya ito kay Jin sa pagkaka-alala niya.Si Jin ay ganyan tumingin sa kanya dati."Gusto mo pa rin ba ko kahit anong mangyari?" Bumulong ulit ito sa tenga niya.Biglang nakita ang pagka-guilty
Sa umpisa, ang hiling lamang ni Yi Jinli ay magustuhan siya ni Ling Yiran. Ngunit makalipas ang panahon, naging makasarili si Yi Jinli. Ginusto ni Yi Jinli na siya lang ang mamahalin ni Ling Yiran at wala nang iba. Napupuno ng selos si Yi Jinli kada naiisip niya yung posibilidad na may ibang lalaking makakatuluyan si Ling Yiran. Selos... Nang dahil kay Ling Yiran, unang beses nakaramdam si Yi Jinli ng selos. Inangat ni Ling Yiran ang kanyang ulo at mabuting tinitigan si Yi Jinli. Habang ang kamay ni Yi Jinli ay nakahawak sa pisngi ni Ling Yiran, naalala ni Ling Yiran ang mga detalye ng mga pinagsamahan nila. Kahit natatakot si Ling Yiran kay Yi Jinli, napaisip siyang gusto niya si Yi Jinli tulad ng napag-usapan nila sa kotse. Nagustuhan ni Ling Yiran si Yin Jinli nung siya ay si “Jin.” “Gusto mo ba talagang magustuhan kita?,” tanong ni Ling Yiran. “Oo,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Yi Jinli. “Ano ang nararamdaman mo sa akin? Dahil ba bago ako? Kaya ba... ma
Marahil ay nasabi ni Ling Yiran pabigla-bigla ang mga salitang iyon kagabi, pero ang lahat ng kanyang sinabi ay totoo. Mukhang nahuhulog na ang kanyang loob sa lalaking ito nang hindi niya nalalaman... At ang lalaking ito ay si Yi Jinli. Nakaramdam si Ling Yiran ng halong pagkatakot at pagmamahal para kay Yi Jinli. Magkaiba sila ng pakiramdam, pero mukhang pinaghalo sila ng mabuti. “Sinabi mo rin na gusto mong makipag-date sa akin, tama?” dagdag niya. “Ahh!” nanigas si Ling Yiran sa kanyang kinatatayuan. Ilang sandali, naalala niya na dinala siya ni YI Jinli sa kanyang bisig kagabi pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ito. “Ano ang kailangan kong gawin para ako lang ang iyong magustuhan at hindi ang iba?” Nang narinig niya ito, sinabi ni Ling Yiran na, “Ikaw lang ang gusto ko... Ang ibig mo bang sabihin ay bilang boyfriend?” “Boyfriend? Sinusubukan ba akong ligawan ni Sis?” bumulong siya sa isang medyo hindi masayang bulong sa kanyang mga salita. Date? Nang kumalat ang
"Mukhang tama ako noong nagdaang mga araw. Ikaw iyon.” Mahinahon na sumulyap si Gu Lichen kay Zhuo Qianyun. “Pumunta ka ba upang magmakaawa na huwag sabihin kay Ye Wenming tungkol sa pagkita ko sa’yo?” Nanginig ang katawan ni Zhuo Qianyun nang narinig ang pangalang ‘Ye Wenming’. Matagal nang hindi naririnig ni Zhuo Qianyan ang pangalan na ito kaninuman. Ito ang pangalang minahal at kinamuhian ni Zhuo Qianyun ng buong puso. Ngayon, nais na lamang niyang lumayo ng lubusan sa pangalan na ito at mamuhay ng tahimik. “Oo, alam kong wala akong karapatang makipag-usap sa’yo. Umaasa lang ako na makakatanggap ako ng awa galing sa’yo at kalimutan na nakita mo ako” sagot ni Zhuo Qianyun pagkatapos papagngalitin ang kanyang mga ngipin. Mapagkumbaba ang tono ni Zhuo Qianyun na kahit na sabihin ni Gu Lichen na lumuhod siya, hindi mag-aatubiling gawin ito ni Zhuo Qianyun. “Kailangan mong malaman na hinahanap ka niya ng ilang taon,” sabi ni Gu Lichen. Tinikom ni Zhuo Qianyun ang kanyang