Share

Kabanata 385

Author: GU Family's Little Bamboo
last update Huling Na-update: 2021-08-08 11:15:01
Habang tinitignan niya ito ay para bang nawawala na naman siya sa sarili niya at naiisip niyang mas magkalapit na sila sa isa't-isa. Pero pagkatapos ng ilang sandali, para bang gusto niya na ulit siyang iwasan.

Kumpara dati para bang mas nahihirapan na siyang iwasan ito ngayon.

Sa ilang saglit ay para bang hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. Namula lang nang namula ang mukha niya habang nakatingin ito sa kanya.

"Bakit di ka makatingin sa'kin? Tignan mo 'ko! Lumapit ito habang nagsasalita. Para bang nabighani ito sa boses niya at hindi nito napansin na nakatitig na siya sa mukha niya.

Napakaamo ng tingin ng lalaking ito na para bang gustong gusto siya at ayaw nitong lumayo sa kanya.

Hinangin ang bangs nito, at nakita nang buo ang kanyang noo. Sa isip niya, para bang nakukumpara niya ito kay Jin sa pagkaka-alala niya.

Si Jin ay ganyan tumingin sa kanya dati.

"Gusto mo pa rin ba ko kahit anong mangyari?" Bumulong ulit ito sa tenga niya.

Biglang nakita ang pagka-guilty
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 386

    Sa umpisa, ang hiling lamang ni Yi Jinli ay magustuhan siya ni Ling Yiran. Ngunit makalipas ang panahon, naging makasarili si Yi Jinli. Ginusto ni Yi Jinli na siya lang ang mamahalin ni Ling Yiran at wala nang iba. Napupuno ng selos si Yi Jinli kada naiisip niya yung posibilidad na may ibang lalaking makakatuluyan si Ling Yiran. Selos... Nang dahil kay Ling Yiran, unang beses nakaramdam si Yi Jinli ng selos. Inangat ni Ling Yiran ang kanyang ulo at mabuting tinitigan si Yi Jinli. Habang ang kamay ni Yi Jinli ay nakahawak sa pisngi ni Ling Yiran, naalala ni Ling Yiran ang mga detalye ng mga pinagsamahan nila. Kahit natatakot si Ling Yiran kay Yi Jinli, napaisip siyang gusto niya si Yi Jinli tulad ng napag-usapan nila sa kotse. Nagustuhan ni Ling Yiran si Yin Jinli nung siya ay si “Jin.” “Gusto mo ba talagang magustuhan kita?,” tanong ni Ling Yiran. “Oo,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Yi Jinli. “Ano ang nararamdaman mo sa akin? Dahil ba bago ako? Kaya ba... ma

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 387

    Marahil ay nasabi ni Ling Yiran pabigla-bigla ang mga salitang iyon kagabi, pero ang lahat ng kanyang sinabi ay totoo. Mukhang nahuhulog na ang kanyang loob sa lalaking ito nang hindi niya nalalaman... At ang lalaking ito ay si Yi Jinli. Nakaramdam si Ling Yiran ng halong pagkatakot at pagmamahal para kay Yi Jinli. Magkaiba sila ng pakiramdam, pero mukhang pinaghalo sila ng mabuti. “Sinabi mo rin na gusto mong makipag-date sa akin, tama?” dagdag niya. “Ahh!” nanigas si Ling Yiran sa kanyang kinatatayuan. Ilang sandali, naalala niya na dinala siya ni YI Jinli sa kanyang bisig kagabi pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ito. “Ano ang kailangan kong gawin para ako lang ang iyong magustuhan at hindi ang iba?” Nang narinig niya ito, sinabi ni Ling Yiran na, “Ikaw lang ang gusto ko... Ang ibig mo bang sabihin ay bilang boyfriend?” “Boyfriend? Sinusubukan ba akong ligawan ni Sis?” bumulong siya sa isang medyo hindi masayang bulong sa kanyang mga salita. Date? Nang kumalat ang

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 388

    "Mukhang tama ako noong nagdaang mga araw. Ikaw iyon.” Mahinahon na sumulyap si Gu Lichen kay Zhuo Qianyun. “Pumunta ka ba upang magmakaawa na huwag sabihin kay Ye Wenming tungkol sa pagkita ko sa’yo?” Nanginig ang katawan ni Zhuo Qianyun nang narinig ang pangalang ‘Ye Wenming’. Matagal nang hindi naririnig ni Zhuo Qianyan ang pangalan na ito kaninuman. Ito ang pangalang minahal at kinamuhian ni Zhuo Qianyun ng buong puso. Ngayon, nais na lamang niyang lumayo ng lubusan sa pangalan na ito at mamuhay ng tahimik. “Oo, alam kong wala akong karapatang makipag-usap sa’yo. Umaasa lang ako na makakatanggap ako ng awa galing sa’yo at kalimutan na nakita mo ako” sagot ni Zhuo Qianyun pagkatapos papagngalitin ang kanyang mga ngipin. Mapagkumbaba ang tono ni Zhuo Qianyun na kahit na sabihin ni Gu Lichen na lumuhod siya, hindi mag-aatubiling gawin ito ni Zhuo Qianyun. “Kailangan mong malaman na hinahanap ka niya ng ilang taon,” sabi ni Gu Lichen. Tinikom ni Zhuo Qianyun ang kanyang

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 389

    'May iba pa ba... sa likod ng aksidente ni Ling Yiran?’ Sa isip ni Gu Lichen at tumawa ng kaunti. Ang namatay sa aksidente ay ang fiancée ni Yi Jinli, Hao Meiyu. Si Ling Yiran ay kasama na ngayon ni Yi Jinli. Kahit na may iba pang bagay sa likod ng aksidente sa kotse na iyon, susuriin ito ni Yi Jinli. Bakit pa siya mag-aabalang mag-alala? Gayunpaman... “Kailan nag-umpisang magtrabaho si Ling Yiran sa restaurant mo?” biglang tanong ni Gu Lichen. “Huh?” Natigilan si Zhuo Qianyun. Maya-maya, sinagot niya ito, “Halos kalahating buwan na. Nag-apply siya bilang delivery rider.” “Paano ang karaniwang kilos niya sa iyong restaurant?” patuloy na tanong ni Gu Lichen. “Magaling siya. Masipag, mahusay sa paghahatid ng mga order, at hindi nagrereklamo...” Inilarawan ni Zhuo Qianyun kung paano kumilos si Ling Yiran sa restaurant habang namamanghang nakikinig si Gu Lichen habang hawak niya ang isang pisngi sa kanyang kamay. Nakangiti siya ng tipid, at ang kanyang orihinal na hindi interes

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 390

    Ang mga sinabi ng landlord ay nagpagalit ng labis kay Ling Guozhi. Nang sinubukan niyang tanungin ang landlord ay agad siyang binabaan nito ng telepono. "Anong problema? May nangyari ba sa cinerary casket?" Tanong agad ni Fang Cuie sa kanyang asawa. "Sabi ng landlord na may pumunta roon kagabi at kinuha ang cinerary casket!" sabi ni Ling Guozhi. "Kinuha nila? Ano nang mangyayari sa 50 milyong dolyar natin? Kung wala ang cinerary casket, hindi niya ibibigay sa atin ang 50 milyong dolyar!" Nag-aalala na si Fang Cuie. Maya-maya, biglang napaisip ng isa pang posibilidad si Fang Cuie. "Nga naman, malamang ay mayroon siyang tao na siyang kumuha ng cinerary casket...” Kunot-noong kinuha ni Ling Guozhi ang kanyang telepono at tinipa ang numero ni Ling Yiran. Maya-maya, sinagot ni Ling Yiran ang telepeno. “Hello?” “Yiran, naisip ko. Kahit papaano ay mag-ama tayo. Kahit na anong mangyari, magkadugo tayo. Kung hindi mo talaga maibibigay ang buong 50 milyong dolyar na napagkasunduan na

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 391

    Dapat ay naging mas mabait siya rito kung alam niya lang na kaya niya itong gawin, pero wala nang magagawa ang pagsisisi ni Ling Guozhi ngayon.Pagkatapos marinig ang mga sinabi ng asawa niya, hindi mapigilan ni Fang Cuie mapasimangot. “Paano nagustuhan ni Yi Jinli ang ex-convict na yun? Pinatay niya ay ang fiancee nito!”“Paano ko naman malalaman ito?” angal ni Ling Guozhi.“Uy, baka naman isikreto lang siya nito,” sabi ni Fang Cuie. “Hindi katulad ni Luoyin na official… Pwedeng ikasal si Luoyin para makasama sa Gu family. Hindi ba’t si Luoyin ang nagbigay satin ng pera para sa trip na ito?”Gumanda ang pakiramdam ni Ling Guozhi nung naalala niya ang bunso niya. Ito nalang kasi ang pag-asa niya.Ibinalik ni Y Jinli ang phone kay Ling Yiran na may fierce look sa kanyang mga mata. “Ano ang gusto mong gawin ko sa tatay mo?”Nakangiting tinanong ni Yi Jinli si Ling Yiran, pero fierce ang mga mata nito.Alam ni Ling Yiran na kahit anong gusto niyang gawin sa tatay niya, gagawin ito

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 392

    Hindi niya mapigilang isipin na… gusto talaga siya ni Yi Jinli. Pero, gaano katagal naman ito?Siguro ay inisip din ng nanay niya na sobrang mahal siya ng asawa niya kaya pinakasalanan niya ito. Pero, walang naiwan ni katiting na pagmamahal sa kanya sa puso nito.Ang hindi makakalimutang pag-ibig ay isa nalang biro ngayon habang lumilipas ang oras.Hindi ba’t may relasyon siyang puno ng pagmamahal kasama si Xiao Ziqi? Inisip nga niya na nahanap na niya ang pang habang buhay niya, pero umalis ito at lumayo sa kanya!“Sa tingin mo ba ay niloloko lang kita?” Biglang tanong ni Yi Jinli.Nagulat si Ling Yiran, hindi niya alam bigla ang isasagot niya.Maraming beses na niyang naisip ito pero kahit na seryoso ito sa kanya ngayon, gaano katagal ito? Hindi siya confident dito.Siguro taon, dalawang taon.. Baka nga ilang buwan lang.“Sabihin mo sakin, anong kailangan kong gawin para makumbinsi ka na seryoso ako?” Tumingin ito sa kanya at ang sunod na mga sinabi nito ay halos patalunin si

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 393

    Sa sobrang intense ng kiss na ito, halos mabilaukan si Ling Yiran. Nung natapos na ito, nanghina siya. Kalahati ng katawan niya ay sinusuportahan ng mga braso nito.“Dapat ay hindi mo na naiisip makipagbreak,”sabi ni Yi Jinli habang may hindi matapos na pamimilit sa mga mata nito. “Ngayong pinangako mo nang i-date ako, ako lang ang tanging tao na pwede mo i-date simula ngayon! Ako rin, ikaw lang din ang date ko.” Nakakahalina ang boses nito. Parang isang invisible net ito na nakahawak sa kanya nang mahigpit!…Nung natapos na si Ling Yiran kumain ng lunch sa office ni Yi Jinli, tumingin siya sa oras, mabilis na naglinis at umalis ng office.Pagkalabas niya, nakasalubong niya si Gao Congming. Magalang nitong sinabi, “Aalis ka na, Miss Ling?”“Oo,” sagot ni Ling Yiran.“Mag-ingat ka pabalik,” sabi ni Gao Congming.Pagkatapos makapasok ni Ling Yiran sa elevator, hindi mapigilang magtanong ng mid-level executive sa tabi ni Gao Cong ming, “Sino… siya, Secretary Gao?”Sa huli kasi,

    Huling Na-update : 2021-08-09

Pinakabagong kabanata

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 909

    Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 908

    May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 907

    Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 906

    Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 905

    Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 904

    "Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 903

    "Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 902

    Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p

  • Nakakahumaling na Pag-ibig   Kabanata 901

    Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at

DMCA.com Protection Status