Dapat ay naging mas mabait siya rito kung alam niya lang na kaya niya itong gawin, pero wala nang magagawa ang pagsisisi ni Ling Guozhi ngayon.Pagkatapos marinig ang mga sinabi ng asawa niya, hindi mapigilan ni Fang Cuie mapasimangot. “Paano nagustuhan ni Yi Jinli ang ex-convict na yun? Pinatay niya ay ang fiancee nito!”“Paano ko naman malalaman ito?” angal ni Ling Guozhi.“Uy, baka naman isikreto lang siya nito,” sabi ni Fang Cuie. “Hindi katulad ni Luoyin na official… Pwedeng ikasal si Luoyin para makasama sa Gu family. Hindi ba’t si Luoyin ang nagbigay satin ng pera para sa trip na ito?”Gumanda ang pakiramdam ni Ling Guozhi nung naalala niya ang bunso niya. Ito nalang kasi ang pag-asa niya.Ibinalik ni Y Jinli ang phone kay Ling Yiran na may fierce look sa kanyang mga mata. “Ano ang gusto mong gawin ko sa tatay mo?”Nakangiting tinanong ni Yi Jinli si Ling Yiran, pero fierce ang mga mata nito.Alam ni Ling Yiran na kahit anong gusto niyang gawin sa tatay niya, gagawin ito
Hindi niya mapigilang isipin na… gusto talaga siya ni Yi Jinli. Pero, gaano katagal naman ito?Siguro ay inisip din ng nanay niya na sobrang mahal siya ng asawa niya kaya pinakasalanan niya ito. Pero, walang naiwan ni katiting na pagmamahal sa kanya sa puso nito.Ang hindi makakalimutang pag-ibig ay isa nalang biro ngayon habang lumilipas ang oras.Hindi ba’t may relasyon siyang puno ng pagmamahal kasama si Xiao Ziqi? Inisip nga niya na nahanap na niya ang pang habang buhay niya, pero umalis ito at lumayo sa kanya!“Sa tingin mo ba ay niloloko lang kita?” Biglang tanong ni Yi Jinli.Nagulat si Ling Yiran, hindi niya alam bigla ang isasagot niya.Maraming beses na niyang naisip ito pero kahit na seryoso ito sa kanya ngayon, gaano katagal ito? Hindi siya confident dito.Siguro taon, dalawang taon.. Baka nga ilang buwan lang.“Sabihin mo sakin, anong kailangan kong gawin para makumbinsi ka na seryoso ako?” Tumingin ito sa kanya at ang sunod na mga sinabi nito ay halos patalunin si
Sa sobrang intense ng kiss na ito, halos mabilaukan si Ling Yiran. Nung natapos na ito, nanghina siya. Kalahati ng katawan niya ay sinusuportahan ng mga braso nito.“Dapat ay hindi mo na naiisip makipagbreak,”sabi ni Yi Jinli habang may hindi matapos na pamimilit sa mga mata nito. “Ngayong pinangako mo nang i-date ako, ako lang ang tanging tao na pwede mo i-date simula ngayon! Ako rin, ikaw lang din ang date ko.” Nakakahalina ang boses nito. Parang isang invisible net ito na nakahawak sa kanya nang mahigpit!…Nung natapos na si Ling Yiran kumain ng lunch sa office ni Yi Jinli, tumingin siya sa oras, mabilis na naglinis at umalis ng office.Pagkalabas niya, nakasalubong niya si Gao Congming. Magalang nitong sinabi, “Aalis ka na, Miss Ling?”“Oo,” sagot ni Ling Yiran.“Mag-ingat ka pabalik,” sabi ni Gao Congming.Pagkatapos makapasok ni Ling Yiran sa elevator, hindi mapigilang magtanong ng mid-level executive sa tabi ni Gao Cong ming, “Sino… siya, Secretary Gao?”Sa huli kasi,
“Magiging ganoon nga. Bukod doon, Sis Zhuo, mayroon kang magandang kapalaran sa buhay na nag-aabang sa’yo. Pesimistiko ‘man sabihin. Pero magiging maayos din ang lahat kalaunan,” ani Ling Yiran. Gulat na napatingin si Zhuo Qianyun kay Ling Yiran. “Mukhang nagbago ka ng kaunti.” “Nagbago?” si Ling Yiran na nagtataka. “Oo, noong una kang dumating dito, parang malungkot ka, na parang dinudurog ka ng sarili mong buhay. Pero, tingnan mo ngayon, ang lungkot sa buhay mo ay ‘tila nawala. Parang nagkaroon ka ng pag-asa.” sabi ni Zhuo Qianyun. Nagkaroon ba...ng anumang pag-asa si Ling Yiran? Natigilan si Ling Yiran. Dahil ba sa pagtulong ni Lianyi sa kaso? Dahil ba...nagkaroon ng bagong simula sa pagitan nila ni Yi Jinli? Noong gabing iyon, nang lumabas si Ling Yiran sa maliit na restaurant, nakita niya ang isang kotse na naka-park hindi kalayuan sa restaurant. Ito ang sasakyan ni Yi Jinli! Humakbang si Ling Yiran papunta roon. Nakabukas na ang pintuan nito. Nakaupo si Yi Jinli sa b
Marahil dahil sa karanasan ni Ling Yiran, madali siyang tumatatanggi palagi na umasa sa iba. Dahil sa oras na mawala ang kanyang sinasandalan, magiging katulad ito ng isa pang bundok na gumuguho sa kanya. Tumitig si Yi Jinli kay Ling Yiran. Makalipas ng ilang sandali, binaba ni Ling Yiran nang bahagya ang kanyang mga mata. “Ayos lang sa akin kung gusto mong manatili na magtrabaho rito. Ipaalam mo lang sa akin kung gusto mo ng ibang trabaho.” “Oo naman.” Tumango si Ling Yiran. Hindi niya tinalukaran ang alok ni Yi Jinli sa oras na ito. “Siya nga pala, kung matagal ka nang naghihintay sa labas, kumain ka na ba?” agad na naisip ni Ling Yiran. “Hindi pa,” sagot ni Yi Jinli. “Bakit hindi ka pumasok at kumain?” bulalas ni Ling Yiran. Maliit na restaurant lamang ito, pero kahit papaano ay maraming pagkain doon na maari niyang orderin. Hindi na lubusan inisip ni Ling Yiran kung gusto ba ni Yi Jinli ang mga pagkain doon. Sabagay, nang si Yi Jinli at Ling Yiran ay tumira sa isang i
Biglang sumabog sa saya ang puso ni Ling Yiran. Hindi niya inakala na ang pagtitiwala nito sa kanya ay sobra siyang mapapasaya.Nakatingin si Yi Jinli ang babae sa harap habang patuloy na sinasabi, “Maniwala ka sakin, kung mas nakilala pa kita ng maaga at kung alam ko lang na mamahalin kita ng sobra, hindi kita hahayaang mahirapan pa.”Nagulat si Ling Yiran. Ang pinupunto ba nito ay yung mga taong sinadya siyang atakihin para makulong siya at mapasaya si Yi Jinli ?“Oo,” pabulong na sagot ni Ling Yiran.Kahit ano pang nangyari sa pagitan nila, baka oras na para bitawan ito.Dahil gusto niyang makasundo si Yi Jinli, kailangan niyang alisin ang takot niya.Nung tapos na sila kumain at nilinis na ng mga kasambahay ang lamesa, mukhang may biglang naisip si Yi Jinli. “By the way, may kilala ka bang mga experts sa cochlear implants?”“”Bakit mo natanong?” Tanong ni Yi JInli.“Kasi, ang anak ni Siz Zhuo, si Lil Yan, ay kailangan ng cochlear implant someday. Iniisip ko lang kung kaya b
Siya ang tagapagmana ng Yi family. Hindi na bago sa mga kabataan nito ang magmana ng mga kayamanan at assets ng Yi family.. Matitigil na ba ang family tree ng Yi dahil sa kanya? Iniisip ni Ling Yiran dahil nakalimutan niya isipin ito bago siya biglaang makipagdate sa kanya.Pero hanggang gaano katagal ito?Kahit na sa mga kasong hinawakan niya noon, sa makapagyarihan at mayaman na pamilya, ang pagkakaroon ng tagapagmana ay mas mahalaga kumpara sa mga ordinaryong pamilya.“Anong nangyari? Ang katawan mo...” nakasimangot na sabi niya..Yumuko siya at nakatingin lang sa flat niyang tiyan. “Isang beses… sobrang nabugbog ako kaya sumabog ang aking… uterus. Gumaling naman ako pero sobrang nabugbog daw uterus ko kaya baka hindi na ako magkaanak sa hinaharap.”Ang hirap para sa kanya sabihin ito, at ito din ang pinaka pinagsisisihan niya. Napuno ng lingkot ang mga mata ni Yi Jinli. Nabugbog siya? Kailan siya binugbog? Ito ba ay noong nasa kulungan pa siya? Gaano karaming sakit ang naidu
Pero, iba na ngayon. Habang lumalalim ang nararamdaman niya para rito, may mga bagay na hindi na katanggap-tanggap sa kanya ngayon. Katulad ng, kung di si Ling Yiran ang mapapangasawa niya, mas pipiliin niyang hindi nalang magkaroon ng anak!Nakatingin lang si Ling Yiran kay Yi Jinli at narinig niyang sinabi nito, “Ako lang ang kaisa-isang taong maasahan mo habangbuhay.”Pagkatapos, hinalikan siya ni Yi Jinli. Ito ay puno ng pagmamahal kaya nawalan siya ng lakas para pigilan ito.Umasa sa kanya… kaya ba nila?…At ito ay kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Yi Jinli. Hindi ito inaasahan ni Ling Yiran. Pero, komportable naman siya sa mga nangyayari.Minsan, pakiramdam niya ay nagbalik ulit sila sa paupahan.Na para bang si Jin ulit ang kasama niya at nakakalimutan niya ang mga sakit at pasanin. Kaya niyang magrelax sa harap nito.“Mabuti. Salamat, salamat!” Napatingin si Ling Yiran kay Zhuo Qianyun sahil sa boses nito habang may katawagan.Nakita niya na excited ang kanya