Share

Kabanata 392

Hindi niya mapigilang isipin na… gusto talaga siya ni Yi Jinli. Pero, gaano katagal naman ito?

Siguro ay inisip din ng nanay niya na sobrang mahal siya ng asawa niya kaya pinakasalanan niya ito. Pero, walang naiwan ni katiting na pagmamahal sa kanya sa puso nito.

Ang hindi makakalimutang pag-ibig ay isa nalang biro ngayon habang lumilipas ang oras.

Hindi ba’t may relasyon siyang puno ng pagmamahal kasama si Xiao Ziqi? Inisip nga niya na nahanap na niya ang pang habang buhay niya, pero umalis ito at lumayo sa kanya!

“Sa tingin mo ba ay niloloko lang kita?” Biglang tanong ni Yi Jinli.

Nagulat si Ling Yiran, hindi niya alam bigla ang isasagot niya.

Maraming beses na niyang naisip ito pero kahit na seryoso ito sa kanya ngayon, gaano katagal ito? Hindi siya confident dito.

Siguro taon, dalawang taon.. Baka nga ilang buwan lang.

“Sabihin mo sakin, anong kailangan kong gawin para makumbinsi ka na seryoso ako?” Tumingin ito sa kanya at ang sunod na mga sinabi nito ay halos patalunin si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status