Biglang sumabog sa saya ang puso ni Ling Yiran. Hindi niya inakala na ang pagtitiwala nito sa kanya ay sobra siyang mapapasaya.Nakatingin si Yi Jinli ang babae sa harap habang patuloy na sinasabi, “Maniwala ka sakin, kung mas nakilala pa kita ng maaga at kung alam ko lang na mamahalin kita ng sobra, hindi kita hahayaang mahirapan pa.”Nagulat si Ling Yiran. Ang pinupunto ba nito ay yung mga taong sinadya siyang atakihin para makulong siya at mapasaya si Yi Jinli ?“Oo,” pabulong na sagot ni Ling Yiran.Kahit ano pang nangyari sa pagitan nila, baka oras na para bitawan ito.Dahil gusto niyang makasundo si Yi Jinli, kailangan niyang alisin ang takot niya.Nung tapos na sila kumain at nilinis na ng mga kasambahay ang lamesa, mukhang may biglang naisip si Yi Jinli. “By the way, may kilala ka bang mga experts sa cochlear implants?”“”Bakit mo natanong?” Tanong ni Yi JInli.“Kasi, ang anak ni Siz Zhuo, si Lil Yan, ay kailangan ng cochlear implant someday. Iniisip ko lang kung kaya b
Siya ang tagapagmana ng Yi family. Hindi na bago sa mga kabataan nito ang magmana ng mga kayamanan at assets ng Yi family.. Matitigil na ba ang family tree ng Yi dahil sa kanya? Iniisip ni Ling Yiran dahil nakalimutan niya isipin ito bago siya biglaang makipagdate sa kanya.Pero hanggang gaano katagal ito?Kahit na sa mga kasong hinawakan niya noon, sa makapagyarihan at mayaman na pamilya, ang pagkakaroon ng tagapagmana ay mas mahalaga kumpara sa mga ordinaryong pamilya.“Anong nangyari? Ang katawan mo...” nakasimangot na sabi niya..Yumuko siya at nakatingin lang sa flat niyang tiyan. “Isang beses… sobrang nabugbog ako kaya sumabog ang aking… uterus. Gumaling naman ako pero sobrang nabugbog daw uterus ko kaya baka hindi na ako magkaanak sa hinaharap.”Ang hirap para sa kanya sabihin ito, at ito din ang pinaka pinagsisisihan niya. Napuno ng lingkot ang mga mata ni Yi Jinli. Nabugbog siya? Kailan siya binugbog? Ito ba ay noong nasa kulungan pa siya? Gaano karaming sakit ang naidu
Pero, iba na ngayon. Habang lumalalim ang nararamdaman niya para rito, may mga bagay na hindi na katanggap-tanggap sa kanya ngayon. Katulad ng, kung di si Ling Yiran ang mapapangasawa niya, mas pipiliin niyang hindi nalang magkaroon ng anak!Nakatingin lang si Ling Yiran kay Yi Jinli at narinig niyang sinabi nito, “Ako lang ang kaisa-isang taong maasahan mo habangbuhay.”Pagkatapos, hinalikan siya ni Yi Jinli. Ito ay puno ng pagmamahal kaya nawalan siya ng lakas para pigilan ito.Umasa sa kanya… kaya ba nila?…At ito ay kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Yi Jinli. Hindi ito inaasahan ni Ling Yiran. Pero, komportable naman siya sa mga nangyayari.Minsan, pakiramdam niya ay nagbalik ulit sila sa paupahan.Na para bang si Jin ulit ang kasama niya at nakakalimutan niya ang mga sakit at pasanin. Kaya niyang magrelax sa harap nito.“Mabuti. Salamat, salamat!” Napatingin si Ling Yiran kay Zhuo Qianyun sahil sa boses nito habang may katawagan.Nakita niya na excited ang kanya
Diyos ko, hindi niya ba alam na sobrang nakakatukso ang mga sinasabi niya?“Gusto mo ba akong hawakan?” Sabi nito habang hawak ang baba niya. Mukhang nang-aakit ito.“Hindi… Hindi, salamat...” nauutal na sabi ni Ling Yiran. Pakiramdam niya ay tumaas ulit blood pressure niya.“Ganun ba?” Ngumiti ito pero bakas sa mukha nito ang lungkot. Biglang iniba ni Yi Jinli ang usapan at sinabing, “Oo nga pala, off mo sa saturday, tama?”“Oo, bakit?” Tanong niya.“Dapat libre ka sa Saturday. Dadalhin kita sa ospital para sa physical examination,” sabi ni Yi Jinli.“Physical examination?” Medyo nagulat si Ling Yiran.“Ang tagal mo nang hindi nag papa physical exam kaya kukuha tayo this Saturday. Laging kailangan na may annual physical examination,” sabi niya.Napakagat labi siya at pagkatapos, tumango. “Sige.” Dati, may physical examinations sa noong nasa law firm siya pero, hindi na niya ito naranasan ng halos apat na taon simula nung makulong siya.Habang iniisip ito, wala namang masa
Imposibleng magsabi ng hindi. Nung nagising na kasi si Ling Yiran, nasa kama na niya si Yi Jinli.Napabuntong hininga si Ling Yiran. ‘Sige, matulog na tayo ng magkasama.’ Nakatulog na rin naman sila ng ganito dati.Pero, pagkahiga niya sa kama, hindi siya makatulog dahil sa presence nito.Kaya naman, nag-isip si Ling Yiran ng pwedeng sabihin, “Bakit tinatawag mo pa rin akong Ate?”“Ayaw mo bang tinatawag kita ng ganyan?”Nag-alinlangan siya. “Hindi naman, sa tingin ko lang ay… Uh, medyo weird kasi na tawagin mo ako ng ganyan kasi nagdedate na tayo.” Kapag narinig kasi ng iba at di alam na may relasyon sila, baka akalain nila na kapatid siya nito.Pero, sanay na siya rito. Sa huli kasi, ito na ang tawag nito sa kanya sa simula palang.“Paano kung tatawagin kitang Yiran sa harap ng maraming tao? Para naman sa Ate… sa pagitan lang nating dalawa yun,” sabi niya.“Ikaw… mukhang gusto mo na tinatawag mo akong Ate,” sabi niya.“Oo. Dahil unang beses na may nagsabi sakin na tawagin si
…Ang akala ni Ling Yiran ay hindi siya makakatulog kapag katabi niya si Yi Jinli, pero laking gulat niya na nakatulog siya pagka pikit na pagkapikit niya.Para bang ang presensya nito ay binibigyan siya ng kakaibang kapanatagan.Pagkagising niya kinabukasan, nakita ni Ling Yiran na nakasuot si Yi Jinli ng puting long sleeves. Binubutones niya ang nasa may bandang kamay nito habang naglalakad papunta sa kanya. “Gising ka na?”“Oo,” sabi niya na may namumulang mukha. Hindi pa siya naghihilamos at nagsisipilyo. Idagdag pa ang magulo niyang buhok.“Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi? Ang sarap ng tulog ko kagabi,” sabi niya at umupo. Ang kamay nito ay nasa dulo ng kama at nakatingin ang mga mata nito sa kanya.Nang magtagpo ang mga tingin nila, biglang natulala si Ling Yiran. Bigla siyang siyang napasandal palikod na para bang iniiwas niya ang sarili niya kay Yi Jinli. Pero, bigla siyang hinila nito kaya halos magdikit na ang mga mukha nila..“Hindi ka ba nakatulog ng maayos,
Ngayon, may panibagong lalaki nanaman ang gustong magpatali sakanya ng kurbata. Gaano katagal kaya silang magtatagal?Hindi alam ni Ling Yiran. Kahit na gusto nila ang isa’t isa ngayon at wala siyang pakialam kahit na hindi niya kaya magbuntis, wala siyang lakas ng loob na mag-isip ng future nila magkasama.Masyadong malaki ang pagkakaiba nila. Kahit na nagdedate sila ngayon, may future ba silang magkasama?“Anong problema?” Nagising siya sa boses nito.“Wala. Yu... Yumuko ka,” sabi niya.Medyo mahirap ito dahil sa height difference nila.Sumunod siya dito at yumuko, mas naglapit nag mga mukha nila.Dahan-dahan niyang itinaas ang kwelyo nito at pagkatapos, itinali na ang tie para sa kanya.“Alam mo? Sayo ko na ipagkakatiwala buhay ko ngayon.” sabi ni Yi Jinli.Napatigil saglit ang mga kamay ni Ling Yiran, ang mga mata nito ay nakatitig sa mukhang malapit sa kanya.“Kung gusto mo akong patayin ngayon, hilahin mo lang ang tie.” Ngumiti ito. Charming at elegante ito. “Ang tan
Panigurado nga, ang mga susunod nitong sinabi ang nagconfirm ng hinala niya.“Kung ganito nalang? Hindi kami naghahanap ng gulo. Ibalik mo lang sa amin ang pera para sa 20 sets ng fast food, plus 5,000 dollars para sa mga damages. Nakakain na kasi yung iba. SInong nakakaalam kung may tira pa bang insekto sa ibang lunchboxes?”Pagkatapos magsalita nung lalaki, marami sa kanila ang tumayo at pinalibutan si Ling Yiran. Sinusubukan nilang bigyan si Ling Yiran ng pressure.Tumingin si Ling Yiran sa palagid. Nasa may semi-open space sila na nirerentahan para asa shoot. May cctv sa kaliwa kung saan sila nakatayo ngayon, pero wala siyang ideya kung nakabukas ba talaga ito.Sa di lang kalayuan, may mga fans din na nakaharang sa gate at nakasquat. Ang iba sa kanila ay nagpapahinga habang hawak ng iba ang phones nila pataas para makita ang idols nila.“Eh, hindi naman sa akin bilang delivery girl nakasalalay ang pagdedesisyon tungkol dito. Kausapin ko lang boss ko,” sabi ni Ling Yiran haban