Share

Kabanata 401

Ang akala ni Ling Yiran ay hindi siya makakatulog kapag katabi niya si Yi Jinli, pero laking gulat niya na nakatulog siya pagka pikit na pagkapikit niya.

Para bang ang presensya nito ay binibigyan siya ng kakaibang kapanatagan.

Pagkagising niya kinabukasan, nakita ni Ling Yiran na nakasuot si Yi Jinli ng puting long sleeves. Binubutones niya ang nasa may bandang kamay nito habang naglalakad papunta sa kanya. “Gising ka na?”

“Oo,” sabi niya na may namumulang mukha. Hindi pa siya naghihilamos at nagsisipilyo. Idagdag pa ang magulo niyang buhok.

“Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi? Ang sarap ng tulog ko kagabi,” sabi niya at umupo. Ang kamay nito ay nasa dulo ng kama at nakatingin ang mga mata nito sa kanya.

Nang magtagpo ang mga tingin nila, biglang natulala si Ling Yiran.

Bigla siyang siyang napasandal palikod na para bang iniiwas niya ang sarili niya kay Yi Jinli. Pero, bigla siyang hinila nito kaya halos magdikit na ang mga mukha nila..

“Hindi ka ba nakatulog ng maayos,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status