Pero, sino ang gagawa nito? Ang unang naisip ni Ling Yiran ay si Gu Lichen.Sa huli kasi, may karapatan si Gu Lichen na tanggalin ang mga videos na ito at hindi rin magiging madali para sa ibang tao ang burahin ito ng ganito kabilis.Si Yi Jinli, sa kabilang banda, ay pinapanuod ang video ng may nakakatakot na tingin.Maiiyak sa gulat si Ling Yiran kung nakita niya ang video na ito. Ito ay ang video na binanggit ni Zhuo Qianyun pero wala na ito sa internet.Tahimik na pinanuod ito ni Yi Jinli; nagdilim ang mga mata nito nung nakita niya ng lumuhod si Gu Lichen para lang itali ang sintas ni Ling Yiran. Humigpit din ang hawak nito sa lamesa.Matagal na silang magkakilala ni Gu Lichen. Nakausap niya si Gu Lichen pagkatapos niya bumalik sa Yi family.Maganda ang relasyon ng Yi family sa Gu family kaya okay din ang relasyon nilang dalawa.Sa huli kasi, sa social circle nila, wala silang conflict of interest, kaya mas magandang magkaibigan sila kaysa maging magkaaway.Kahit na hindi
“Paano kung hindi ko siya girlfriend? Magugustuhan niya ba si Gu Lichen?” mukhang determinado si Yi Jinli na makakuha ng sagot.Paano… niya malalaman? Pero, dahil tinatanong siya ng boss niya, wala siyang choice kung hindi sagutin ito. “Sa tingin ko ay… medyo conservative si Miss Ling sa feelings niya. Hindi kaagad magbabago ang isip niya kapag may minahal siya.”“Ganun ba? Pero girlfriend siya ni Xiao Ziqi dati,” sagot ni Yi Jinli ng may cold na boses.Pakiramdam ni Gao Congming na maiiyak na siya pero wala siyang luha. Pakiramdam niya ay miserable siya katulad ng secretary. “Si Miss Ling at Xiao Ziqi ay hiwalay na ngayon at dahil tinraydor ni Xiao Ziqi si Miss Ling, wala na itong nararamdaman para sa kanya.”“Tinraydor?” Napataas ang kilay ni Yi Jinli.“Oo, hindi ba pagtatraydor ang pakikipaghiwalay ni Xiao Ziqi kay Miss Ling noong kailangan niya ng tulong? Base sa character ni Miss Ling, natural lang na hindi niya papatawarin ang mga taong tumraydor sa kanya,” sabi ni Gao Congm
“Bakit hindi mo binubuksan ang mga ilaw?” Curious na tanong niya.“Namiss kita,” sabi niya, hindi konektado ang sagot nito.Namula bigla ang mukha ni Ling Yiran, at tumitibok ng mabilis ang puso niya. Buti nalang at madilim dahil kung hindi, makikita niya na namumula siya.“Ikaw? Namiss mo ba ako ngayon?” Patuloy na dumadagundong ang boses nito sa tenga niya habang nakikiliti siya sa hininga nito sa leeg niya.Lahat ng atensyon niya ay nasa leeg niya, at sa bawat feeling ng hininga nito, pakiramdam niya ay sobrang lapit na ng labi nito sa mga tenga niya na kapag mas lumait pa ito, mahahalikan na nito ang tenga niya.At nung tulala na siya, may naramdaman siyang sakit bigla sa tenga niya. Nakaramdam siya ng shock. Pagkatapos… mas namula pa lalo ang mukha niya.Siya ay… kinakagat ang tenga niya, kaya medyo nanginginig ang katawan niya.“Namiss mo ba ako?” Ang mababa nitong boses ay dumagundong ulit.“Oo...” sagot nito. “Sige na… bitawan mo na ako. Gusto kong ilapag ang bag ko.”
Natatakot siya na baka hindi siya ganun kagusto ni Ling Yiran. Natatakot siya na baka ang affection nito sa kanya ay mag-iiba at aalis siya balang araw!Mabagal siyang humarap kay Yi Jinli.Kahit madilim ngayon sa living room, may ilaw mula sa buwan ang nanggaling mula sa bintan kaya nakikita ni Ling Yiran ang hulma ng mukha ni Yi Jinli.Pero, hindi niya makita ang expression nito ngayon at nararamdaman niyang nakatingin din sa kanya ito.Mabagal niyang itinaas ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ni Yi Jinli, “Sige, mas gugustuhin na kita.” Nung una, naguguluhan siya sa relasyon nila at pakiramdam niya ay wala itong patutunguhan pero ngayon, nag-iba na ito.Kahit na anong mangyari sa hinaharap, lagi niyang tatanggapin ang lalaking ito, bibigyan niya ng mas marami pang affection at aalisin ang kaba nito—sa ngayon.Pagkatapos niya magsalita, nagtingkayad siya para halikan ito sa mga labi.Ito ang unang beses na nasa ulirat siya at hinalikan niya ito ng buong puso.Na para
Ang isang lalaki na may mataas na status sa buhay ay paniguradong may walang katapusang temptations sa paligid. Pero, alam na niya ngayon na totoo ang nararamadaman nito para sa kanya.Magtatagal ba ang relasyon na ito sa hinaharap?“Kailanman ay wala akong ibang minahal. Ikaw lang ang tanging minamahal ko sa buhay na ito,” sabi ni Yi Jinli.“Kaya naman, kapag nagkamali ako, sana naman ay patawarin mo ako,” sabi nito.“Oo,” sagot ni Ling Yiran.Pagkalabas ng sagot sa bibig niya, naramdaman niyang niyakap siya nito ng mahigpit ulit. “Ling Yoran, huwag mong kalimutan ang pangako mo ngayon. Huwag mong kakalimutan!”Para bang may pinangako siya na sobrang importante na para bang bawal niya ito makalimutan.…Sa banyo, tinitigan ni Ling Yiran ang namumula niyang mga pisngi.Kahit na matagal na simula nung nagyakapan at halikan sila, namumula pa rin ang mukha niya.Mukhang medyo kakaiba si Yi Jinli ngayong gabi, pero hindi niya alam kung bakit.Siguro nga ay nagulat siya dahil
Ang mga videos ay wala na online, pero… ayaw niyang itago ito kay Yi Jinli. Magkasintahan na kasi ngayon.“Ngayong araw...” sinabi ni Ling Yiran kay Yi JInli ang tungkol sa kaguluhan na nangyari kanina, kasama na rito ang pagtulong sa kanya ni Gu Lichen. Pero, pagkatapos niya magsalita, wala siyang nakitang bakas ng pagkagulat s mukha ni Yi Jinli. HIndi niya tuloy mapigilang magtanong, “Alam mo na ang tungkol dito?”“Oo, nakita ko na ang video ng insidenteng kinekwento mo,” sabi niya.Ngayon, siya ang nagulat. Nakita nito ang video na hindi niya… nakita!“Tungkol sa video na yun… wala akong kinalaman kay Gu Lichen.” natatakot siya na baka magkaroon ng misunderstanding kaya nagpaliwanag siya.Sa huli, base kay Ate Zhui, nung kumalat ang video, marami sa mga comments dito ay iniisip na may relasyon sila ni Gu Lichen.Nakaupo si Yi Jinli sa kama habang nakapa-ikot ang kamay nito sa bewang niya. “Hindi ka naman attracted kay Gu Lichen, hindi ba?”“Syempre hindi,” sabi niya. Pero
Naalala niya tuloy yung pagtali ni Gu Lichen ng sinatas niya kahapon so ang ibig sabihin ba nito ay… nagseselos si Yi Jinli?Ito ay isang bagay na kailaman ay hindi naisip ni Ling Yiran, pero ang sweet nito kapag naiisip niya.Sunburn?Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang langit pero maulap ngayong araw at nakatago ang araw.“By the way, malapit na sumailalim si Lil Yan sa operasyon. Ang nanay ko at ako ay pupunta sa ospital para alagaan si Lil Yan ng ilang araw, kaya isasara ko muna ang restaurant habang nandoon pa kami. Pero, wag kang mag-alala, may sweldo ka pa rin,” sabi ni Zhuo Qianyun. “Papadalhan nalang kita ng message kapag nagbukas ulit ang restaurant.”“Sure,” sagot ni Ling Yiran. “Ipaalam mo rin sa akin kapag tapos na ang operasyon ni Lil Yan. Gusto ko malaman kung naging okay ba ang operasyon niya.”“Sige,” nakangiting sabi ni ZHuo Qianyun. “Sana ay maging maayos ang operasyon niyang ito.” Kahit na makaapekto sa business niya ang ilang araw na pagsasara, mas mahalaga ang an
“Nasaan si Ling Yiran? Wala ba siya dito?” Tanong ni Gu Lichen.“Nasa labas si Yiran… para sa delivery. Mamaya pa siya makakabalik,” sagot ni Zhuo Qianyun.Hindi na nagtanong ulit si Gu Lichen. Nagorder lang ito ng isang coffee milk tea. Pagkatapos, umupo ito at ininom ito nang mabagal.Dahil may sikat na tao katulad ni Gu Lichen sa restaurant, natural na maraming nakakuha ng atensyon nito. Kahit na hindi gaano karami ang mga tao sa restaurant nung mga oras na yun, may iilan na nakapansin na siya ang entertainment industry’s crown prince.Ang itsura, posture at pagkawalang emosyon nito ay nakakaakit. Maraming customer ang tingin ng tingin sa kanya.Kahit na si Zhuo Qianyun ay hindi mapigilang tingnan ito na uminom ng coffee milk tea. Mukha kasi itong naglalakad na advertisement.Pakiramdam niya nga ay mas sumarap ang coffee milk tea ng restaurant niya.‘Kailan kaya makakabalik si Yiran?’ iniisip ni Zhuo Qianyun nang biglang may pumaradang luxury car ulit sa harap ng restauran