Humigpit ang hawak ni Gu Lichen sa cup niya. “Ano naman kung nagsisisi ako?” Hindi niya pinansin ang impluwensya ni Ling Yiran sa kanya dati.Iniisip niya na kamukha lang ni Ling Yiran ang hinahanap niya.Pero, unti-unti niyang narealize na mas ihihigit pa ito. Kapag may ibang tao ang gustong saktan si Ling Yiran, pakiramdam niya ay madudurog ang kanyang puso at unconsciously siyang mapapatakbo sa tabi nito para tulungan ito.Na para bang ang kahit isang katiting na injury lang ay kayang saktan ng sobra ang puso niya. Kaya kapag nakikita niyang umaalis ito, ayaw niyang humiwalay dito at umaasa siya na mas magtatagal ang tingin nito sa kanya.Kahit na konting sandali lang!Kailan pa siya naging ganito sa isang babae? Maliban sa batang babaeng sumagip ng buhay niya, siya lang ang babaeng gusto niyang alagaan.Nagtataka nga siya kung bakit sinuko niya agad ito kay Yi Jinli. Kung nanatili ito sa tabi niya, mas hindi niya ba mamimiss ang batang babaeng yun at mababawasan ba ang kagus
Nagpatuloy lang si Yi Jinli sa pag-inom ng kape na para bang casual niya lang itong tinitikman. Nakikipag-usap nalang niya kay Gu Lichen tungkol sa ibang bagay kaysa sa usapang pwedeng magdulot ng gulo sa Shen City.Unti-unting nawala ang liwanag sa mga mata ni Gu Lichen at uminom ulit ito ng kape.Ang tension sa pagitan nila ay nawala at parang magkaibigan na ulit sila.Medyo nagugulat sa nangyayari si Zhuo Qianyun sa mga sandaling ito.Ang ibang customers, lalo na ang mga babae, ay tingin ng tingin sa dalawa. Mukha kasing mga artista ang mga ito. Ang isang babae ay naglabas pa ng cellphone para kuhaan ang dalawa.Itinapat ng babae ang phone kanila Yi Jinli at Gu Lichen. Pero bago pa niya mapindot ang button para makakuha ng litrato, isang malaking kamay ang pumigil sa kanya. Ito ay ang bodyguard ni Yi Jinli. Pinagsabihan niya ang babae, “Hindi gusto ng president na kinukuhaan siya ng litrato. Kapag nagpumilit ka pa, ihahatid kita sa labas.”Nagulat ang babae. Ano to… threat?
Hindi mapigilan ni Ling Yiran na mamula. Napakagat labi ito at sinabi kay Zhuo Qianyun, “Siya ang boyfriend ko.”“Boyfriend mo?!” Kaagad nanlaki ang mga mata ni Zhuo Qianyun. May naramdaman siyang kakaiba mula sa pag-uusap nila kanina.Pero… boyfriend?! May boyfriend si Yiran?! Mukhang misteryosong lalaki din ito!Oo, misteryoso.Ito ang naramdaman ni Zhuo Qianyun. Kahit na nakangiti ito at mukhang wala namang walang masamang gagawin, kailanman ay hindi niya iisipin na wala itong masamang gagawin. Sa halip, ang sabi ng instinct niya ay mapanganib ang lalaking ito.May pagka-ignorante ito.“Oo, boyfriend ko siya,” sagot ni Ling Yiran.“Hello, ako si Zhuo Qianyun, ang owner nitong restaurant,” sbai ni Zhuo Qianyun habang ipinapakilala ang kanyang sarili.“Hello, ako si Yi Jinli,” sabi ni Yi Jinli.Nagulat ulit si Zhuo Qianyun. Mas kita ang pagkagulat nito ngayon.Itong Yi Jinli na ito ay hindi ang taong naiisip niya ngayon, tama? Ang tanging nararamdaman nalang ni Zhuo Qiany
Naalala ni Zhuo Qianyun ang nangyari kanina kaya hinila niya si Ling Yiran para tanungin ito. Biniyan siya nito ng diretsong sagot.“Oo, Ate Zhuo. Siya ang Yi Jinli mula sa Yi Group.” Ito ang sinabi ni Yiran sa kanya.Pakiramdam ni Zhuo Qianyun na para bang natamaan siya ng sunod sunod na kidlat. Ang delivery girl ng restaurant niya ay girlfriend ni Yi Jinli? Sinong maniniwala sa aknya kapag sinabi niya ito?Nung sinabi ni Ling Yiran na may pagkain pa siyang idedeliver, nagsalita si Yi Jinli, “Sige hihintayin kita rito. Wala naman ako ginagwa.”Pagkatapos, lumabas si Yiran para magdeliver ng pagkain habang nagstay dito si Yi Jinli at nagbasa ng libro niya!Iniisip ni Zhuo Qianyun na ang daming niyang pinagdaanan pero ngayon, medyo nalilito siya,Bakit magtatrabaho para sa kanya si Yiran kung may boyfriend siya na ganito ang caliber? Si Yi Jinli ba ay… seryoso kay Yiran?Pero, hindi mukhang peke ang pakikitungo ng dalawa. At least ang outsider na katulad niya ay kitang may pa
“Naiintindihan ko… hindi ako magsasabi ng kahit na ano sa kanya.” Nagdalawang isip si Zhuo Qianyun at sinabing, “Ngayong araw ko lang nalaman na girlfriend mo si Yiran. Kailanman ay hindi ko naisip na gamitin siya. Hinire ko rin siya dahil napunta siya sa kulungan katulad ko at naiintindihan ko ang nararamdaman niya, kaya gusto ko siya bigyan ng chance.”Medyo nawala ang pagkacold ng mata ni Yi Jinli. “Hindi ako makikialam sa problema niyo ni Ye Wenming. Ang gusto ko lang ay safe na magtrabaho si Yiran sa restaurant niyo. Pwede mo akong tawagan anytime kapag may nangyari sa kanya.”Pagkatapos, binigay niya kay Zhuo Qianyun ang number niya.Kaagad naman itong sinulat ni Zhuo Qianyun. Kaunti lang kasi sa Shen City ang merong number nito, pero nakuha niya ito sa ganitong paraan.At dahil sinabi ni Yi Jinli na hindi ito makikialam sa kanila ni Ye Wenming, ibig sabihin nito ay hindi nito sasabihin kay Ye Wenming kung nasaan siya.Nakahinga ng maluwag si Zhuo Qianyun.Nagstay si Yi J
Nitong mga araw, magkasama silang nakahiga sa iisang kama buong gabi. Kahit na wala silang ginagawa na kahit na ano, naging habit na ito sa kanila.Kailangan din ni Ling Yiran na nakabukas ang ilaw kapag natutulog kaya sinabi niya ito, “Mukhang hindi ka sanay na nakabukas ang ilaw kapag natutulog. Siguro ay dapat bumalik ka na sa kwarto mo at doon matulog.”Sumagot naman si Yi Jinli, “Gusto kong matulog kasama ka, Ate. Mas komportable akong matulog kasama ka. Hindi mahalaga sakin kung nakabukas naman ang mga ilaw.”Pagkatapos, napagdesisyunan ni Ling Yiran na hindi na sabihin ang mga sumunod niyang sasabihin dapat.Pero, ang mga sinabi ni Yi Jinli ay.. Medyo flirty! Hindi niya ba alam na ang mga salita niya ay pwedeng magdulot ng hindi appropriate na mga bagay?“Matutulog ka na ba?” Tanong ni Yi Jinli habang pinapanuod si Ling Yiran na maglakad papunta sa kama.“Oo,” sagot ni Ling Yiran habang namumula.Itinaas ni Ling Yiran ang kumot at humiga. Ang mga braso ni Yi Jinli ay kaa
“Pero, kahit na gusto kang agawin ni Gu Lichen, hindi niya kaya, tama? Dahil ang taong gusto mo ay ako, at ang taong destined na mahalin mo sa future ay ako, tama?”Malakas na sinabi ni Yi Jinli habang ang hininga niya ay tumatama sa mukha ni Yira. Pagkatapos niya rin magsalita, hinalikan niya ito sa mga labi.Kailanman ay hindi niya ahahyaan ang iba na makuha siya, at siya ay sa kanya lang!…Pagkagising ni Ling Yiran kinabukasan, nasa trabaho na si Yi Jinli. Pagkatapos niya rin kumain ng agahan, nagsimula na siya magluto ng lunch para kay Yi Jinli.Ang mga lunch boxes at ingredients ay available kaagad sa Yi Residence. Dagdag pa rito, may chef na nakatanggap ng instructions din. Kung kakailanganin ni Ling Yiran ng tulong, pwede siyang tulungan ng chef.Pagkatapos magawa ang mga lunch boxes, tiningnan ito ni Ling Yiran at nakita na mas umayos ang craftmanship niya.Dinala ni Ling Yran ang lunch boxes at pumunta sa Yi Group. Pero, dahil ang driver ng Yi family ang naghatid sa ka
Dahil naiintindihan niya ang pinag-uusapan nila, mas nahiya siya lalo.Sumagot naman si Yi Jinli, “Siya ito.”“Oh. What’s going on between you two, Jin? Are you lovers?” Mas straightforward ang mga foreigners sa pananalita.Kung may iba silang domestic employee, hindi ito maglalakas loob na tanungin si Yi Jinli ng mga direktang tanong.Pagkatapos, narinig ni Ling Yiran na sumagot si Yi Jinli sa English, “She’s the person I love the most.”Biglang parang naramdaman ni Ling Yiran na pinipisil ang puso niya ng invisible na kamay. Hindi lang yan, parang tumigil din sa pagtibok ang puso niya.Pagkatapos ng video conference, naglakad si Yi Jinli papunta kay Ling Yiran. “Anong problema, bakit ka namumula?”“Hindi… wala,” mabilis na sagot ni Ling Yiran.Si Yi Jinli naman ay kaagad niyakap si Ling Yiran habang tinitingnan ang namumula nitong mukha. “Ito ba ay dahil sa mga sinabi ng mga tao kanina?”Hindi sumagot si Ling Yiran, pero mukhang ito nga.“Next time, ipapakilala kita sa k