Ayaw niya na masira ang maliit na restaurant ni Ate Zhuo ng dahil lang sa mga taong ito.Siguro ito na nga ang tinatawag nilang na ‘sense ng katarungan’ sa loob niya at nagsimula na naman ito ulit lumabas. Sa huli kasi, hindi naman siya magiging lawyer kung ayaw niya magkaroon ng hustisya?Pagkatapos niya magsalita, namutla ang mga mukha ng lalaki. Ang isa sa kanila ay tumingin sa paligid at mukhang aligaga ito.Nung paalis na si Ling Yiran, biglang may humila sa mga braso niya. Sinusubukan nitong pigilan siya umalis.Sa sobrang lakas ng pagkakahila nito, nabitawan ni Ling Yiran ang phone niya.May nakakita na nakabukas ang recording function ng phone sa screen nito at namumutlang sinabi, “Nagrerecord siya, Boss!”“G*go, ang lakas ng loob mong gawin yan?” Nagalit ng sobra ang isa sa kanila kaya napataas ito ng kamay para saktan si Ling Yiran, nakalimutan niya na nasa open space sila at nakikita sila ng mga fans ng cast.Nang biglang, nagulat ang lahat. Napapikit si Ling Yiran
“Anong nangyayari dito?” Hindi nagtanong si Gu Lichen sa iba, kay Ling Yiran lang.Na para bang ang tanging paniniwalaan niya ay ang sasabihin nito.“Ang isa sa mga lunchboxes na dinala ko ngayon ay may insekto. Sinabihan nila ako na huwag na silang pagbayarin sa lahat ng pagkain ngayon at sabihan ang restaurant na bayaran sila ng 5,000 dollars bilang compensation. Ang inisip ko naman ay mas maganda kung hahayaan nalang ito sa mga pulis pero, nalaman nilang nirerecord ko ang usapan namin sa phone kaya nagkagulo,” sabi ni Ling Yiran.“Isang recording?” Napataas ng kilay si Gu Lichen. “Okay lang ba na pakinggan ko ito?”Pagkarinig nila na gusto pakinggan ni Gu Lichen ang recording, namutla sila. Pagkatapos naman na ito mapakinggan ni Gu Lichen, dumilim ang mukha nito. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit nagkagulo. Ito ay dahil may mga crew members na sinusubukang i-blackmail siya.Ang director, assistant director at production assistant na kasama ni Gu Lichen ay naintindihan ang
Ang mga dating girlfriends ng crown prince at galing sa iba’t ibang buhay. Syempre, ang mga girlfriends na ito ay nauwi sa parehas na maganda at pangit na outcomes.Pero, marami pa ring babae ang gustong maging girlfriend ni Gu Lichen.Sabi pa nga sa internet, kahit na mawala ang status nito bilang crown prince at maging mahirap, susundan pa rin nila ito ng buong puso. Sobrang gwapo kasi nito!Nung nakita ng mga tao na lumuhod si Gu Lichen para itali ang sintas ng isang babae, ang maririnig mo lang ay ang tunog ng pagkagulat ng lahat. “Sa… salamat,” sabi ni Ling Yiran, medyo nahihiya ito. Nakayuko lang siya at kaagad namang umalis. Sa cafe kung saan sila nagfifilm, nanunuod si Ling Luoyin sa may bintana. Ang manicured nitong mga kuko ay tumutusok ng sobra sa mga palad niya.Bakit… nasa harap ni Lichen si Ling Yiran ulit? Si Lichen pa ang kusang lumuhod sa harap ni Ling Yiran.Mukha itong… submission!Puno ng pagseselos ang puso niya.Hindi niya hahayaan na malaman ni Gu Lich
“Hindi, may... kakilala pala ako doon. Siya na ang nag-ayos nito.” sabi ni Ling Yiran.“Kaibigan mo? Edi dapat pasalamatan natin siya! Bibili ako ng regalo mamaya para pwede mo itong ibigay sa kaibigan mo?” Nagmamadali nitong sabi.“Ayos na ito,” sabi ni Ling Yiran at kaagad binago ang usapan sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa cochlear implant ni Lil Yan.“Pagkatapos ng dalawang araw, lalabas na ang resulta ng medical examination ni Lil Yan. Pwede na mainstall ang cochlear implant kapag wala itong problema.” Hindi matago ni Zhuo Qianyun ang saya niya habang kinekwento ito. “Ang sabi din ng ospital, dahil medyo gipit ako, pwede ako kumuha ng discount.”“Mabuti yan,” sabi ni Ling Yiran. Alam niya na kinausap ni Yi Jinli ang ospital. Natuwa naman si Ling Yiran dahil malapit na rin makarinig si Lil Yan.Ang nangyaring insidente kanina ay parang maikling episode, at tapos na ito ngayon.Pero hindi ito inasan ni Ling Yiran kinagabihan dahil pinatigil siya ni Zhuo Qianyun at tinan
Pero, sino ang gagawa nito? Ang unang naisip ni Ling Yiran ay si Gu Lichen.Sa huli kasi, may karapatan si Gu Lichen na tanggalin ang mga videos na ito at hindi rin magiging madali para sa ibang tao ang burahin ito ng ganito kabilis.Si Yi Jinli, sa kabilang banda, ay pinapanuod ang video ng may nakakatakot na tingin.Maiiyak sa gulat si Ling Yiran kung nakita niya ang video na ito. Ito ay ang video na binanggit ni Zhuo Qianyun pero wala na ito sa internet.Tahimik na pinanuod ito ni Yi Jinli; nagdilim ang mga mata nito nung nakita niya ng lumuhod si Gu Lichen para lang itali ang sintas ni Ling Yiran. Humigpit din ang hawak nito sa lamesa.Matagal na silang magkakilala ni Gu Lichen. Nakausap niya si Gu Lichen pagkatapos niya bumalik sa Yi family.Maganda ang relasyon ng Yi family sa Gu family kaya okay din ang relasyon nilang dalawa.Sa huli kasi, sa social circle nila, wala silang conflict of interest, kaya mas magandang magkaibigan sila kaysa maging magkaaway.Kahit na hindi
“Paano kung hindi ko siya girlfriend? Magugustuhan niya ba si Gu Lichen?” mukhang determinado si Yi Jinli na makakuha ng sagot.Paano… niya malalaman? Pero, dahil tinatanong siya ng boss niya, wala siyang choice kung hindi sagutin ito. “Sa tingin ko ay… medyo conservative si Miss Ling sa feelings niya. Hindi kaagad magbabago ang isip niya kapag may minahal siya.”“Ganun ba? Pero girlfriend siya ni Xiao Ziqi dati,” sagot ni Yi Jinli ng may cold na boses.Pakiramdam ni Gao Congming na maiiyak na siya pero wala siyang luha. Pakiramdam niya ay miserable siya katulad ng secretary. “Si Miss Ling at Xiao Ziqi ay hiwalay na ngayon at dahil tinraydor ni Xiao Ziqi si Miss Ling, wala na itong nararamdaman para sa kanya.”“Tinraydor?” Napataas ang kilay ni Yi Jinli.“Oo, hindi ba pagtatraydor ang pakikipaghiwalay ni Xiao Ziqi kay Miss Ling noong kailangan niya ng tulong? Base sa character ni Miss Ling, natural lang na hindi niya papatawarin ang mga taong tumraydor sa kanya,” sabi ni Gao Congm
“Bakit hindi mo binubuksan ang mga ilaw?” Curious na tanong niya.“Namiss kita,” sabi niya, hindi konektado ang sagot nito.Namula bigla ang mukha ni Ling Yiran, at tumitibok ng mabilis ang puso niya. Buti nalang at madilim dahil kung hindi, makikita niya na namumula siya.“Ikaw? Namiss mo ba ako ngayon?” Patuloy na dumadagundong ang boses nito sa tenga niya habang nakikiliti siya sa hininga nito sa leeg niya.Lahat ng atensyon niya ay nasa leeg niya, at sa bawat feeling ng hininga nito, pakiramdam niya ay sobrang lapit na ng labi nito sa mga tenga niya na kapag mas lumait pa ito, mahahalikan na nito ang tenga niya.At nung tulala na siya, may naramdaman siyang sakit bigla sa tenga niya. Nakaramdam siya ng shock. Pagkatapos… mas namula pa lalo ang mukha niya.Siya ay… kinakagat ang tenga niya, kaya medyo nanginginig ang katawan niya.“Namiss mo ba ako?” Ang mababa nitong boses ay dumagundong ulit.“Oo...” sagot nito. “Sige na… bitawan mo na ako. Gusto kong ilapag ang bag ko.”
Natatakot siya na baka hindi siya ganun kagusto ni Ling Yiran. Natatakot siya na baka ang affection nito sa kanya ay mag-iiba at aalis siya balang araw!Mabagal siyang humarap kay Yi Jinli.Kahit madilim ngayon sa living room, may ilaw mula sa buwan ang nanggaling mula sa bintan kaya nakikita ni Ling Yiran ang hulma ng mukha ni Yi Jinli.Pero, hindi niya makita ang expression nito ngayon at nararamdaman niyang nakatingin din sa kanya ito.Mabagal niyang itinaas ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ni Yi Jinli, “Sige, mas gugustuhin na kita.” Nung una, naguguluhan siya sa relasyon nila at pakiramdam niya ay wala itong patutunguhan pero ngayon, nag-iba na ito.Kahit na anong mangyari sa hinaharap, lagi niyang tatanggapin ang lalaking ito, bibigyan niya ng mas marami pang affection at aalisin ang kaba nito—sa ngayon.Pagkatapos niya magsalita, nagtingkayad siya para halikan ito sa mga labi.Ito ang unang beses na nasa ulirat siya at hinalikan niya ito ng buong puso.Na para