"Ikaw…" "Napakawalang-hiya mo!" Muntik nang makagat ni Halsey ang dila niya. Hindi siya makapaniwala na nabubuhay ang ganito kawalang-hiyang lalaki! At mayroon pala siyang naiisip na ganito sa matalik na kaibigan ng asawa niya! Hindi dapat nabubuhay ang ganitong klase ng lalaki!Kalmadong nagdagdag si Harvey, "Tignan mo, hindi mo man lang magawa ang ganito kasimpleng kondisyon. Sa tingin ko hindi na natin kailangang pag-usapan pa ang tungkol dito to." Hindi inaasar ni Harvey si Halsey. Sa halip, gusto niyang nakita kung gaano kalapit ang relasyon niya kay Mandy. Namutla ang mukha ni Halsey pagkatapos marinig ang kanyang mga salita. "Sige! Pumapayag ako! "Pero kailangan mong mangako sa'kin na hihiwalayan mo si Mandy pagkatapos at hindi mo siya pwedeng kulitin! "At saka, kailangan mong magpanggap na walang nangyari sa pagitan nating dalawa!"Bibigyan kita ulit ng isandaan at limampung milyon bilang danyos!" Nagsalita si Halsey na parang isang mabangis na CEO. Napa
"Wag kang mag-alala, Sir Ray. Kailangan ko lang ng tatlong araw para matapos sa preliminary preparations." Sabi ni Halsey nang may seryosong tono. Narinig niyang sinabi ni Ray na papatnubayan ni Prince York ang proyekto niya. Masaya siya at nasabik dahil dito. Baka makita na rin niya sa wakas si Prince York! "Hmph! Harvey, sinabi mo sa'kin na hindi ako magugustuhan ni Prince York at mayroon na siyang nagugustuhang babae!"Pero siguro gusto niya talaga ako dahil gusto niyang i-supervise ako!" Pagkatapos ay nagtanong si Halsey, "Sir Ray, kailan pupunta ang Prince sa San Francisco? Pwede ko ba siyang makita?" Tumawa si Ray. "Bakit ka nagmamadali? Medyo marami siyang ginagawa nitong mga nakaraan, pero tiyak na gagantimpalaan ka niya mismo kapag maayos ang paghawak mo sa proyektong to."Kapag nangyari iyon, hindi na kailangang mag-ayos pa ng kahit na anong meeting." Tahimik na pinuri ni Halsey ang kanyang sarili pagkatapos marinig ang mga salita ni Ray. 'Oh, Halsey! Ito
Tumawa nang bahagya si Queenie York. Talagang gusto niya ang ugali ni Sam Baker. Naunawaan nito nang maigi ang mga makukuha at ang mawawala sa kanya. Ang mga taong ganito ay kadalasang mahusay at ambisyoso. At ganitong mga klase ng tao ang pinakagusto niyang gamitin. “Sigurado akong narinig mo naman na ang Sky Corporation, tama ba?” Inatras ni Queenie ang kanyang daliri, habang nakangiti. Hindi pa rin dumilat si Sam. Agad siyang nagsalita, “Narinig ko na ito. Ang branch nila sa San Francisco ay nagbabalak na i-reintegrate ang mga asset nila sa Gangnam, at gusto nilang gumawa ng bagong shopping mall sa gitna ng San Francisco.” Biglang sumagot si Queenie, “Umaasa akong hindi na mabubuo ang shopping mall nila, habang buhay.” “Syempre!”Hindi na siya tinanong pa ni Sam Baker. Nakayuko pa rin ang ulo niya. Makalipas ang ilang sandali, nang unti-unting lumayo ang tunog ng mga yabag na naririnig niya, dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nagdilim ang ekspresyon ng
Hindi pinansin ni Harvey si Jimmy at kaagad niyang binuklat ang mga pahina ng kontrata. Pak! Lumapit ang mga tauhan ni Jimmy at pinalo ang kontrata ni Harvey. Sumigaw sila nang malakas, “Pipirma ka ba o hindi? Kung hindi, di ka makakaalis nang buhay dito!” Tumawa si Harvey. “Pinipilit niyo ba akong bilhin 'to?” Humithit si Jimmy sa kanyang sigarilyo at kalmadong sumagot, “Kapatid, di ka pwedeng magbanggit ng kalokohan kahit kailan mo gusto. Isa akong tunay na negosyante. Paano kitang pipilitin na makipagkasundo sa akin? Ayaw ko lang talagang masyadong nagpapatagal.” “Pirmahan mo na ang kontrata habang maganda pa ang timpla ko.” Hindi pinansin ni Harvey si Jimmy. Dinampot ni Ray ang kontrata at binasa ito nang mabilis. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at tahimik siyang bumulong, “Sir York, may mali sa kontrata.” “Ang presyong napagkasunduan natin ay 750,000,000 dollars, pero mayroong isa pang zero na nadagdag sa kontratang ito, 7,500,000,000 dollars na
Inosenteng sumagot si Jimmy, “Kayong lahat, hindi naman ito tungkol sa kung ibabalik ko ba ang bayad o hindi. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari dito!” “Hindi ko kayo kinausap tungkol dito kahapon at hindi ko rin tinanggap ang pera niyo!” “Bakit di niyo hanapin ang taong tumanggap ng sinasabi niyong deposit?” Nabigla ang madla ng marinig nila ito. Napatingin sila sa likuran ni Jimmy. Wala dito ang ilang taong nakausap nila. Nagkatinginan ang mga matataas na opisyal ng kumpanya nila. Inilapag ni Wendy Sorrell ang mga resibo noong araw na iyon at galit na sumigaw, “CEO John, ang resibo ay may pirma at tatak ng kompanya mo.” Pinalo ni Jimmy ang noo niya at sinabi, “Naaalala ko na, maraming mga scammer na lumitaw sa San Francisco kailan lang.” “Kamukhang-kamukha ng amin ang tatak pero peke ito. Hindi ako ang nakakuha ng pera niyo.” “Kailangan niyo ba ng tulong namin para mai-report ang insidenteng ito sa awtoridad at hanapin sila?” Mukhang nag-aalok ng tulong si Jimm
”Layas!” “Kung hindi kayo aalis, pupunitin ko ang mga braso’t binti niyo!” “At ikaw… Mukhang maganda ka, gusto mo bang makipaglaro sa amin ng mga tauhan ko dito?” Nakakatakot ang itsura ng mga tauhan niya. Sumama ang ekspresyon ng mga mataas na opisyal mula sa Sky Corporation. Kadalasan nagpupunta lang sila sa mga magagandang lugar at nakikipagkita lamang sa mga disenteng tao. Ito ang unang beses na napunta sila sa ganito kagulong lugar, medyo nanibago sila dito. Ngunit walang pakialam si Harvey at Ray sa sitwasyon. Kalmadong nagsalita si Harvey, “Jimmy John, huling pagkakataon. Ibalik mo sa amin ang pera.” Tumawa lang si Jimmy. “Hindi ka pa rin aalis? Ga*o ka. Gusto mo ba talagang malumpo muna bago ka umalis?” “Sige. Lumpuhin niyo ang batang ito para sa akin!” Sa sandaling iyon, ilang mga sanggano ang sumugod kay Harvey. Si Ray, na nakatayo sa tabi niya, ay umabante at sinipa si Jimmy sa dibdib. Kasunod nito, hinablot ni Ray ang buhok ni Jimmy at hinampas niy
Pinalo ni Harvey York ang ulo ni Jimmy, pagkatapos ay kinuskos niya ang kanyang kamay sa katawan ni Jimmy. Masama ang kanyang loob. “Tatanungin kita, sino ang nagsabi sa’yo na baguhin ang presyo ng lupang ito at kunin ang 150,000,000 dollars ko?” Hinihingal sa sakit si Jimmy ngunit pinilit pa rin niyang sumagot, “Wala! Sarili kong kagagawan ito! Walang ibang may kinalaman dito!”“Sa totoo lang, ilang beses ko na ito ginawa noon. Hindi ko alam na makakatagpo ako ng nakakatakot na taong tulad mo ngayon!” Tumawa si Harvey tapos tumingin siya kay Wendy Sorrell. “Lumabas ka muna. Hindi pwede sa mga bata ang mga susunod na mangyayari.” Namutla ang mukha ng mga matataas na opisyal ng Sky Corporation. Tumakbo sila palabas ng kwarto matapos marinig ang sinabi ni Harvey. Pag-alis nila, tumawa si Harvey at nagtanong, “Ray, di mo naman nakalimutan ang mga bagay na tinuro ko sa’yo sa labanan noon, diba? Ngayon ang unang pagsubok.” “Sige.” Nakangiti si Ray. Kinuskos niya ang ulo ni
Nakatingin sa ngiti sa mukha ni Harvey, si Jimmy John ay nanginig kaagad.Kahit na meron siyang higit sa tatlumpung tao sa panig niya, meron siyang kutob.Na kung hindi niya alam ang tamang gawin sa sandaling ito, ang dalawa pang ibang tao ay dudurugin ang grupo ng mga taong ito ng mabilis.Hanggang sa puntong iyon, hindi lang siya mawawalan ng 7.6 na milyon, hindi niya magagawang makakuha ng kahit isang dolyar.Sa huli, kaya lang pirmahan ni Jimmy ang kasunduan gamit ang kanyang nanginginig na kamay, tapos nilipat ang 7.6 na milyon pabalik sa Sky Corporation sa harap ng lahat.***Sa San Francisco branch office.Nalaman ni Halsey Lowe kung ano ang nangyari at ang kanyang paghanga para sa kanyang CEO ay lalong lumaki.Noong umpisa, inisip niya na para bilhin ang lupang ito kinakailangan mo ng kahit papaano ng pitumpong milyon na dolyar. Siya pa ay hinanda ang isip na sila ay mag bibigay ng sobrang taas na presyo.Ngunit hindi niya inaasahan na 7.6 na milyong dolyar ay magagawa