Share

Kabanata 944

”Layas!”

“Kung hindi kayo aalis, pupunitin ko ang mga braso’t binti niyo!”

“At ikaw… Mukhang maganda ka, gusto mo bang makipaglaro sa amin ng mga tauhan ko dito?”

Nakakatakot ang itsura ng mga tauhan niya.

Sumama ang ekspresyon ng mga mataas na opisyal mula sa Sky Corporation.

Kadalasan nagpupunta lang sila sa mga magagandang lugar at nakikipagkita lamang sa mga disenteng tao.

Ito ang unang beses na napunta sila sa ganito kagulong lugar, medyo nanibago sila dito.

Ngunit walang pakialam si Harvey at Ray sa sitwasyon.

Kalmadong nagsalita si Harvey, “Jimmy John, huling pagkakataon. Ibalik mo sa amin ang pera.”

Tumawa lang si Jimmy.

“Hindi ka pa rin aalis? Ga*o ka. Gusto mo ba talagang malumpo muna bago ka umalis?”

“Sige. Lumpuhin niyo ang batang ito para sa akin!”

Sa sandaling iyon, ilang mga sanggano ang sumugod kay Harvey. Si Ray, na nakatayo sa tabi niya, ay umabante at sinipa si Jimmy sa dibdib.

Kasunod nito, hinablot ni Ray ang buhok ni Jimmy at hinampas niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status