Nang marinig ang sinabi ni Zayn Lewis, medyo nakahinga ng maluwag si Wyatt Johnson dahil alam niyang wala lang kay Zayn ang kanyang pamilya.“Pwede ka nang umalis at ang babaeng katabi mo, wala rin akong gagawin sa restaurant mo. Pero, gusto kong bugbugin ang batang ito. Iyong isang babae naman, gusto ko siya kasama mamayang gabi.” Sabi ni Zayn.“Mr. Lewis…”“Kahit isama mo na iyong lalaking iyan, pero kaklase ko ang dalawang babae. Pakiusap pakawalan mo na sila.”Nagmakaawa si Wyatt habang binabaling ang sisi pabalik kay Harvey York.“Ano bang gusto mo, Johnson? Hindi ba nagpakita na ako ng awa? Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ko?”Galit na nagtanong si Zayn habang sinasakal si Wyatt.“Naiintindihan ko! Naiintindihan ko!” Tumango si Wyatt na tila ay humihingi siya ng paumanhin.“Edi lumayas ka nang p*tang ina ka, o bubugbugin din kita.” Banta ni Zayn.“Umalis na tayo, Wyatt.” Sabi ni Cecilia na halos maiyak na.“Honey, magiging ayos lang ito, akong bahala.” Nakangiting s
“Paano kung pakawalan mo ang aking asawa at ang kanyang kaibigan habang ako ang kalaro mo, may b*yag ka ba para gawin iyon?” alok ni Harvey York.“Sige.” Sumagot si Zayn Lewis na may seryosong mukha dahil ayaw niyang maraming tao ang nakakakita sa pinaplano niyang gawin kay Harvey.“Ikaw ang may gusto niyan Hayvey, hindi ka na namin kargado!” sigaw ni Cecilia Zachary habang hinihila si Mandy Zimmer palabas ng kwarto.Sumunod din si Wyatt Johnson sa mga babae at agad na sinarado ang pinto dahil natatakot siyang baka magbago ng isip si Zayn.Nang bumalik si Mandy sa kanyang sarili, nakita niya ang sarili niya sa labas ng restaurant kasama sina Cecilia at Wyatt.“Hindi! Babalikan ko si Harvey!” nagpa-panic na sinabi ni Mandy.Hindi sukat akalain ni Mandy na ang kanyang diumano’y walang kwentang asawa ay ipagtatanggol siya sa sitwasyong iyon.“Nababaliw ka na ba Mandy? Hindi na lalabas na buhay kung babalik ka doon!” Agad na pinigilan ni Cecilia si Mandy.“Pero…”“Wyatt, di ba mad
Ang lahat ng nasa kwarto ay nagulat sa kanilang nakita, pati ang mga malaking security guard habang lumuhod si Zayn sa harap ni Harvey York.“I’m sorry, hindi ko alam kung sino ka, pakiusap maawa ka.”“Pakiusap…”“Kasalanan ko ang lahat. Humihingi ako ng tawad…”Patuloy sa paghingi ng tawad si Zayn habang sinasampal ang kanyang mukha hanggang sa mamaga ito na parang isang pufferfish.“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon!” Nagmakaawa si Zayn matapos makumpirmang si Harvey ang bagong CEO ng York Enterprise. Alam ni Zayn na mawawala ang lahat ng meron siya sa isang iglap kung hindi niya makukumbinsi si Harvey, tulad ng kung gaano kadali kung ma-promote siya ng mga York.“Anong ginagawa mo Mr. Lewis? Bakit ka nakaluhod sa harap ng walang kwentang basurang ito? tanong ng tauhan habang hinihila si Zayn para muli siyang makatayo.“Lumuhod kang p*tang ina ka!” Sumigaw si Zayn habang sinampal ang kanyang tauhan at sinipa siya papunta sa sahig.“May marinig pa akong isang
“Akala ko ba gusto mo akong bugbugin?” tanong ni Harvey York.“Nagkamali ako!” sagot ni Zayn Lewis habang umabot ng steak knife at sinaksak ang kanyang sarili sa kanyang kaliwang palad.Sumigaw si Zayn sa sakit habang pinapanatili ang kanyang pustura sa sahig, umaasang papatawarin siya ni Harvey.Nang makita ito, mabagal na tumayo si Harvey at tinapik ang ulo ni Zayn bago umalis ng kwarto.Nang umalis si Harvey, tumayo si Zayn na may takot na mukha habang nakatingin sa likod ni Harvey dahil si Harvey ang kanyang magiging bagong bangungot mula ngayon.Lumabas si Harvey ng restaurant at nakakita ang dalawang pulis doon.“Hubby!” Napasigaw si Mandy Zimmer habang sinasalubong siya.“Masaya akong ayos ka lang!” Gumaan ang loob ni Mandy.“Syempre magiging okay ako!” Nakangiting sagot ni Harvey.“Hmph, magpasalamat ka sa asawa mo sa pagtawag niya sa mga pulis kung hindi ay hindi ka lalabas na walang kahit anong galos, ikaw na walang kwentang basura!” kutya ni Cecilia Zachary.Sa kab
“Baka hindi mo ito maintindihan, kahit may deal na akong nakuha sa mga York…” Napabuntong hininga si Mandy Zimmer at umiling dahil alam niyang hindi magiging masaya ang mga Zimmer kung marinig nilang binabaan ang pondo mula sa fifty million dollars pababa ng thirty million dollars.Umalis na silang dalawa matapos magpaalam kay Cecilia Zachary.Sa York Enterprise, paalis na ng opisina si Yvonne Xavier matapos niyang asikasuhin ang insidente sa Northland Restaurant.Nang napadaan siya sa opisina ni Wendy Sorrell, nakita si Wendy na nakasimangot sa isang malaking bag ng mga mamahaling gamit.Bilang isang babae, si Yvonne ay medyo naging interesado sa mga gamit.“Mukhang may mayamang lalaking nililigawan ka, Miss Sorrell.” Nakangiting sinabi nI Yvonne.“Anong mayamang lalaki? Si Zack Zimmer lang iyon. Sinusubukan niyang aprubahan ko ang investment ng mga Zimmer. Sino ako para mag-desisyon? Isa pa, may mga plano na ang CEO sa mga Zimmer. Sabi ni Wendy habang nakasimangot.“Oh, Miss Y
Mukhang balisa si Senior Zimmer, at kitang kita ito sa kanyang mukha, dahil wala masyadong makukuhang kita ang pamilya Zimmer sa kasunduan.“Mandy, paano nagbago nang ganito ka-grabe ang mga terms? Siguro naman, hindi mo pina-planong i-frame ang pamilya natin sa mga tagalabas, hinbi ba?” tanong ni Sean Zimmer kay Mandy Zimmer.Nang marinig ang tanong ni Sean, pinaniwalaan ng lahat ang akusasyon ni Sean dahil lahat sila ay may nagawa nang ganito dati. Hindi nagtagal ay nagsimula silang paghinalaan si Mandy.Nagalit si Mandy dahil hindi kinilala ang kanyang mga effort, tapos ay inasukasahan pa siyang fina-frame niya ang pamilya.Smack!Bago pa makapagsalita si Mandy, isang piraso ng balat ng pakwan ang lumipad sa hangin at tumama sa mukha ni Sean.“Ugh! Ptooey!” Nandidiring dumura ni Sean dahil siya ay medyo germaphobic.“Anong ginawa mo? Ikaw na walang kwentang basura!” Sinigawan ni Zack Zimmer si Harvey York nang makitang tamaan ang ama niya ng piraso ng balat ng pakwan.“Nagta
Subalit, sa loob ng puso ni Mandy Zimmer, iniisip niyang tama lang na mapahiya sina Sean Zimmer at Zack Zimmer.Walang intensyon si Harvey York na magpalusot pa habang kumuha siya ng isa pang piraso ng pakwan.“Wala naman, nagtatapon lang ako ng basura, hindi ko kasalanang kasing-baho ng ng isang basurahan ang mga salitang binitawan ng isa diyan.” Kalmadong sagot ni Harvey.“Ikaw…” Bumulong nang galit si Sean habang tinitingnan nang masama si Harvey at pinunasan ang kanyang mukha. Labis na na-offend si Sean, nanginig ang kanyang katawan.“Anong ginawa ko? Ang anak mo ang gumawa ng gulo, na inayos ng asawa ko. Hindi niyo nga pinansin ang kanyang mga effort at binigyan ng pasasalamat na dapat nakuha niya, may lakas pa kayo ng loob na akusahan siyang fina-frame niya ang pamilya. Ang ironic, di ba? Sige, iyong anak mo pala ang humawak nito!” Palaban na sagot ni Harvey kay Sean.“Harvey York, isa ka lang live-in son-in-law, sino ka sa inaakala mo para magsalita sa family meeting namin?
"Tungkol diyan… Hindi masyadong kumpiyansa si Mandy tungkol sa pabor na hinihingi sa kanya. Tumingin siya kay Harvey nang hindi sinasadya."Tanggapin mo na lang ang request ko." Tumawa si Senior Zimmer dahil iniisip niya na may koneksyon si Mandy sa isang nasa top management ng York Enterprise. Iyan ang kanyang naisip matapos makitang nagawa ni Mandy ang isang mahirap na gawain."Okay lolo, pinapangako ko…""Hindi!" Sumabat si Harvey habang tatanggapin na sana Mandy ang request sa kanya."Ano bang problema mong p*tang ina ka! Sino ka para tumanggi?" Sumigaw si Zack Zimmer habang hawak ang kanyang ulo dahil natakot siya sa mga padalos-dalos na kilos ni Harvey."Harvey, hindi ko na pinansin ang bastos mong kinilos kanina dahil nirerespeto ko si Mandy. Sa palagay mo ba may karapatan kang magsalita sa bahay na ito?" Nagbanta si Senior Zimmer habang malamig na tinitigan si Harvey dahil nainis na siya kay Harvey sa ilang beses niyang paggawa ng gulo."Nangako ka kay Mandy dati na siya
Kinumpas ni Blaine ang kamay niya, at isang gintong badge sa mesa ang nahulog sa lupa. Nagpakita ng pangit na ekspresyon ang lalaki, na puno ng paghihinagpis.‘Siya si Blaine! Ang young master ng John family!’Walang sinuman ang nakakaalam na isa pala siyang God of War!Sa kabila ng sikat niyang reputasyon sa Golden Sands, ang tanging alam lang ng lahat ay isa siyang maingat at tusong lalaki…Ni wala ngang kahit isang tao na nag-isip na isa pala siyang God of War!Masyado siyang malihim! Naitago niya lakas niya ng ganoon kahusay!Binangga ng Dragon Cell ang isang taong hindi nila dapat kalabanin!Pagkaraan ng isang oras, sa may entrance ng isang tahimik na tahanan sa Wolsing Road.Tiningnan ni Harvey ang lugar ng may kakaibang ekspresyon.Tinawagan niya ang phone ng Dragon Cell, ngunit agad na naputol ang tawag. Hindi kalaunan ay nakatanggap siya ng isang tawag, na nagsasabi sa kanya na magpakita siya at makipagtulungan sa imbestigasyon.Pagkatapos niyang pakalmahin sila Mand
Nabigla si Darby, pero isa pa rin siyang batikang young master."Sino ba kayo? Hindi ba ninyo alam na ito ang tahanan ng Xavier family? Ako si Darby Xavier!”Bang!Gayunpaman, hindi pinansin ng mga tao si Darby at pinindot ang gatilyo. May malakas na pagsabog, at sumabog ang telepono ni Darby mismo sa kanyang kamay.Ang mga lumilipad na piraso ng bakal ay agad na nag-iwan ng mga peklat sa kanyang buong katawan.Blaine ay humalakhak; inalog niya ang kanyang kamay, kinuha ang mga lumilipad na piraso ng metal nang madali. Pagkatapos, ginawa niyang bola ang mga pira-piraso, at walang pakialam na inihagis ito sa lupa.Ang buong lugar ay isang ganap na gulo. Ang mga mata ni Darby ay nanginginig sa galit; sa puntong ito, handa na siyang makipaglaban hanggang sa kahuli-hulihang sandali.Batay sa kanyang napakalaking katayuan, walang sinuman ang magtatangkang pumasok sa kanyang bahay at tratuhin siya ng ganito noon…"Kapag gumalaw ka ulit, mamamatay ka!"Ang mga baril ay nakatutok na s
"Kung maging seryoso ang mga bagay, masama kung makulong ka ulit habang si Harvey ay walang problema.""Isa kang mahalagang manlalaro sa larong ito. Kung talagang nangyari iyon, maraming gulo ang mangyayari.”Si Blaine ay umiling sa pagsisisi. Kung alam lang niya na si Darby ay isang walang silbing kasama, hindi na sana niya ito pinakawalan. Mga tao na ganyan ay dapat lang mabulok sa likod ng rehas."Bawiin mo si Kanae!" Nag-utos si Blaine nang walang pag-aalinlangan."Wala akong pakialam kung ano ang nangyayari ngayon.""Tawagan mo siya ulit.""Hindi, ilabas mo siya sa bansa! Huwag mo siyang hayaang magpakita sa harap namin muli!"Magpapanggap na lang tayong hindi natin siya kilala!"Tumingin si Darby kay Blaine, naguguluhan."Medyo nagmamalabis ka, hindi ba?" malamig niyang sinabi. "Isa lang siyang live-in son-in-law...""Huwag kang magyabang, Darby," sagot ni Blaine."Sa tingin mo ba, isang simpleng live-in son-in-law ay kayang linisin ang iyong casino nang ganun-ganun na
"Huminahon ka, Young Master Darby."Blaine ay bahagyang ngumiti."Binigyan kita ng Kanae para protektahan mo ang sarili mo, hindi para makipaglaban ka kay Harvey.""Hindi pa natin gaanong kilala si Harvey.""Magbabayad tayo ng malaking halaga kung lalabanan natin siya ngayon."Tumawa nang malamig si Darby. Itinaas niya ang kanyang ulo upang tingnan ang Indigo Mountain."Ano pa ang maaari niyang itago?""Ang kanyang titulo bilang kinatawan ay malamang na hindi ganoon kahalaga, sa totoo lang.""Kung talagang hindi siya matatalo, kahit hindi natin siya patayin, pwede naman natin siyang paglaruan, di ba?""Mas mahalaga, kung magagawa nating malaman ang kanyang tunay na pagkatao sa pamamagitan ng pag-usisa, magiging mas madali para sa atin na harapin siya sa hinaharap!"May kampanteng ekspresyon sa mukha ni Darby, parang kaya niyang kontrolin ang lahat.Tumawa si Blaine, at uminom ng kanyang Black Tea.Hinangaan niya nang husto ang pagka-impatient ni Darby. Hindi magiging angkop
Isang malakas na sampal ang narinig, at si Kanae ay agad na napalipad; siya ay bumangga sa lupa, at ang aura sa kanya ay agad na nawala.Mga Islander expert martial artist…Mga karate genius…Bushido Spirit…Lahat ng ito ay nakatakdang gumuho sa harap ni Harvey.Ngumiti si Harvey kay Kanae, na nakapirmi sa lupa. "Kung ako sa iyo, titigil na ako sa paggalaw ngayon. Kung patuloy kang kumikilos, baka hindi mo na mabawi ang buhay mo.Kinuha ni Harvey ang kanyang telepono."Tch! Balak mo bang tumawag ng pulis?!" Suminghal si Kanae. Nawala na ang kanyang lakas para lumaban, pero puno pa rin siya ng paghamak habang nakatitig kay Harvey."Walang silbi ‘yan! Islander ako! Mayroon akong diplomatic immunity!"Hinampas ni Harvey ang ulo ni Kanae."Magandang punto! Kung hindi mo ako pinaalalahanan, makakalimutan ko sana!"Ang mga espiya tulad mo ay nagkakahalaga ng pitumpu't anim na libong dolyar dito! Dapat ka nang sumama sa Dragon Cell!"Pagkatapos ay tumawag si Harvey sa isang numero
Naramdaman ng mga nakatataas ang panginginig sa kanilang gulugod matapos nilang makita iyon.Sa wakas, napagtanto nila na hindi lahat ay basta-basta makakakuha ng posisyon bilang pinuno ng sangay. Sinuman sa posisyong iyon ay maaaring mamatay kung hindi mag-iingat!Tumawa si Kanae ng malamig, pagkatapos ay tumakbo patungo kay Mandy. Siyempre, plano niyang kumuha ng isa pang bihag.Clack!Pero bago pa siya makalapit, tinapakan ni Harvey ang isang tile. Ang mga piraso ay lumipad nang diretso, pinabalik siya muli.Naging masama ang ekspresyon ni Kanae. Sa sandaling umatras siya, tatlong bodyguard pa ang bumagsak sa lupa, paralizado, sa oras na muling inalog niya ang kanyang kamay.Ang mga bodyguard ay sumugod nang makita nila ang tanawin; ang buong lugar ay nahulog sa ganap na kaguluhan.Sa katunayan, pareho nang patay sina Elodie at Reuben. Kung hindi pinabagsak ng mga bodyguard si Kanae, kailangan nilang sumama sa dalawa.Mahigit tatlumpung mga bodyguard ang sumugod; ang mga tao
"Kahit na live-in son-in-law lang ako, bahagi pa rin ako ng pamilya!""Ang aming pagmamalaki ay kasama ang pamilyang Jean at ang nangungunang sampung pamilya!""Mas pipiliin naming mamatay kaysa magmakaawa para sa aming buhay!"Crack!Bago pa natapos si Harvey sa pagsasalita, pinagsakitan ni Kanae ang binti ni Reuben."Ang dami mo pa ring sinasabi ngayon?!" Sumigaw si Kanae.Si Reuben ay malapit nang magpagulong-gulong sa lupa matapos ang lahat ng matinding sakit; hindi niya akalain na magiging ganito kalupit si Harvey na gagamitin pa ang ibang tao para tortyurin siya.Ang iba pang mga nakatataas ay nagulat din.‘Lumaki ba ang Isla na ito na umiinom ng takot ng kanyang mga kaaway o ano?‘Wala ba siyang kinatatakutan?!‘Nakatanim na sa kanyang kapalaran ang paglabag sa buong pamilya sa pagkaparalisa kay Elder Reuben ng ganito!’Humigop si Harvey ng malalim na hininga, na parang nagsisimula na siyang magpatalo. Sa wakas, tumingin siya kay Elodie."I-aalok ko ang sarili ko bil
Ang kaguluhan ay huminto sandali; maraming tao ang nagalit na tumingin kay Kanae. Ang ikasiyam na sangay ay magkakaroon ng malaking problema kung mamatay si Reuben.Humigop ng malalim ang mga armadong bodyguard; inalis nila ang safety ng kanilang mga baril at itinutok ito sa mga mahihinang bahagi ni Kanae, handang magputok anumang oras."Pakawalan mo si Elder Reuben!""Hindi ka karapat-dapat na gawing hostage si Elder Reuben!""Kung hindi mo siya pakakawalan, papatayin ka namin ngayon din!"Ang mga nakatataas at mga bodyguard ay nagtipon ng kanilang lakas ng loob upang magsalita.Samantala, nagawa ni Reuben na kalmahin ang sarili niya pagkatapos ng maikling sandali."Wala akong pakialam kung sino ka!""Pero dapat mong malaman na ako ay isang nakatatandang miyembro ng pamilya Jean—isa sa sampung pinakamalalakas na pamilya!""Kung lalapitan mo man ako kahit isang daliri lang, kahit sino ka pa o saan ka man pumunta, tiyak na wawakasan ng pamilya Jean ang buong pamilya mo!""Ang
”Patayin niyo siya!”Humampas si Reuben ng kanyang kamay. Sa mismong sandaling iyon, ilang mga bodyguard ng pamilya Jean ang naglabas ng kanilang mga baril at tinutok kay Harvey.Para sa kanila, gaano man kahanga-hanga si Harvey, hindi niya kayang talunin ang isang baril kahit gaano pa siya kahanga-hanga."Harvey, mag-ingat ka!"Agad na tumalon si Xynthia sa harap ni Harvey.Noong mga sandaling iyon, tatlong palaso ang tumama kay Harvey mula sa likuran.Nagpagulong siya sa lupa, niyayakap si Xynthia, at matagumpay na nakaiwas sa atake.Pew, pew, pew! Ang mga palaso ay tumama sa mga bodyguard na may mga baril; tinakpan nila ang kanilang mga leeg, at nauwi sa paghiga sa lupa, mukhang miserable at ganap na paralizado.Agad na naging itim ang kanilang mga mukha; ang mga palaso ay may lason. Bago pa makabawi ang mga bodyguard, may isang patologo na nakamaskara ang kumaway ng kanyang kamay.Ipinagpag niya ang kanyang toolbox pasulong, tinamaan ang ilang bodyguard at nahulog sa lup