Share

Nagkakamali kayo ng Inapi
Nagkakamali kayo ng Inapi
Author: A Potato-Loving Wolf

Kabanata 1

Author: A Potato-Loving Wolf
last update Huling Na-update: 2021-04-27 16:00:27
Sa Zimmer Villa sa Niumhi. Nagniningning ang lugar sa mga ilaw.

Iyon ay gabi ng ika-pitong put na kaarawan ni Senyor Zimmer, at puno ng mga bisita ang lugar.

Lahat ng kanyang mga anak at apo ay binigyan siya ng regalo, at sabay-sabay nilang hiniling, “Sana mabiyaan pa si Senyor Zimmer ng malakas na pangangatawan at mahabang buhay.”

Si Senyor Zimmer ay mukhang malakas at masigla nang siya ay umupo at sinabing, “Magaling. Lahat kayo ay masunurin. Masaya ako ngayon, kaya tutuparin ko ang kahilingan ng bawat isa sa inyo. Sabihin niyo lang sa akin ang gusto niyo.”

“Lolo, gusto ko po ng apartment malapit sa dagat. Hindi naman po iyon kamahalan, nasa isang milyong dolyar lamang po.”

“Lolo, gusto ko po Chanel limited edition na bag…”

“Lolo, gusto ko po ng BMW sports car…”

“Lolo, gusto ko po ng Rolex watch…”

“…”

“Sige, aking tutuparin isa-isa ang iyong mga hiling!” Ginawa ni Senyor Zimmer lahat ng kanyang pangako nang walang alinlangan.

Tuwang tuwa ang mga batang humingi ng regalo. Halos lumuhod sila sa sahig bilang pasasalamat.

Habang tinitingnan ang tuwa sa mukha nila, nagagalak din si Senyor Zimmer. Kita ang kasiyahan sa kanya. Sa mga sandalling iyon, ang isa sa mga manugang niya mula sa mga Zimmer – si Harvey York, ay lumapit bigla.

Sabi niya, “Lolo, pwede niyo po ba akong bilhan ng scooter? Mapapadali niyon ang pamimili ko po ng mga gulay…”

Nagulat ang lahat ng mga Zimmer. Halos lahat ay hindi makapaniwala habang nakatingin kay Harvey.

Nasiraan na ba siya ng utak? Anong klaseng hilling yan? Bakit siya humihingi ng ganoon?

Isa pa, wala naman siyang binigay na regalo kay Senyor Zimmer para sa Birthday Party niya. Hindi ba ang kapal ng mukha niyang humingi kay Senyor Zimmer? Tapos ang hinihingi niya pa ay scooter. Sinasadya niya ba to para pahiyain si Senyor Zimmer?

Tatlong taon ang nakakaraan, hindi nila alam kung saan nakita ni Senyora Zimmer ang lalaking pangalan ay Harvey. Pinilit niya ang kanyang pinakamatandang apo na pakasalan siya. Sa mga panahong iyon, mahirap si Harvey at walang pinagkaiba sa isang pulubi.

Ngunit, sa araw ng kanilang kasal, binawian ng buhay si Senyora Zimmer. Mula noon, maliit ang tingin ng mga Zimmer sa kanya. Sa nakalipas na tatlong taon, trinatong alipin ng mga Zimmer si Harvey. Kailangan niyang maghanda ng tubig para hugasan ang paa ng mga ito. Bukod pa diyan, siya din ang naatasang magluto. Tunay ngang nakakaawa ang buhay niya doon.

Ngayon, nagsalita siya at humingi ng scooter.

May nagnakaw ng scooter sa bahay nang umalis siya para bumili ng mga gulay noong isang araw. Isa siyang pobre, at ang kaya niya lamang gawin ay ilabas ang kanyang hiling sa mga sandaling iyon. Dahil masaya si Senyor Zimmer, naisip ni Harvey na baka tuparin ang kanyang hiling dahil maliit na bagay lamang ito.

Ang galak sa mukha ni Senyor Zimmer ay biglang napalitan ng simangot. Binato niya ang hawak niyang baso at nagkalat ang mga bubog nito sa sahig. Galit niyang sinigaw, “B*stardo! Pumunta ka ba sa birthday party ko para makisaya o sirain ito?”

Ang asawa ni Harvey, si Mandy Zimmer, ay dali-daling lumapit at nagpaliwanag, “Lolo, pagpasensiyahan niyo na po si Harvey. Dapat po tayong magsaya sa araw na ito. Huwag po kayong magalit dahil sa kanya.”

Hinila niya si Harvey sa tabi.

Sa puntong din iyon, ang pinsan ni Mandy, si Quinn Zimmer ay nangutya. “Mandy, tingan mo iyang walang kwenta mong asawa! Ngayon ay ika-pitong put na kaarawan ni lolo. Wala siyang dalang regalo. Ang kapal ng mukha niyang humingi kay lolo! Kailan pa siya nagkaroon ng lakas ng loob?”

“Totoo yan. Wala siyang modo. Sino ba siya para humingi ng bagay-bagay? Hindi ba niya nakita maraming bisita ngayon? Nakakahiya talaga!” Ani ng pinakamamahal na apo ni Senyor Zimmer – si Zack Zimmer. Hindi niya kailanman nakasundo si Mandy. Ngayon ay nahanap niya ang pagkakataon na bugyain siya.

“Isang walang kwentang b*stardo! Anong karapatan ang meron siya sa pamilya natin?”

“Oo, pinahiya niya tayo!”

“Naiintindihan ko na. Sinadya niya ito para inisin tayo! Gusto niyang sirain ang kasiyahan ni lolo!”

“Wala siyang silbi! Andami na nating katulong sa pamilyang ito. Kailangan niya pa ba talagang umalis para bumiling mga gulay?”

“Hindi ka naman nagtatrabaho nang husto para rito. Nakakahiya! Sa tingin mo ba may halaga ka sa amin?”

“Lumayas ka na ngayon! Bubugbugin kita kung lalo mo pa kaming papahiyain!”

“…”

Habang nakikinig sa mga pangungutya at akusasyon ng mga Zimmer, walang magawa si Harvey kundi yumuko.

Tatlong taon ang nakararaan, baka ikinamatay ni Zimmer ang pang-aalipusta sa kanya kung hindi siya kinupkop ni Lola Zimmer. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya nag-reklamo sa lahat ng uri ng trabaho para sa mga Zimmer sa nakalipas na tatlong taon.

“Lolo, ang manager ng York Enterprise – si Don Xander, ay pumunta para batiin ka sa iyo pong kaarawan!” Sabi ng isang nasa pintuan.

Maya-maya, isang matangkad at gwapong lalaki ang pumasok sa bulwagan nang may ngiti.

Ang York Enterprise ay isang negosyong pag-aari ng pinakama-impluwensiyang pamilya – ang mga York ng South Light.

Bukod dito, si Don ay isa sa mga project managers na nagta-trabaho para sa York Enterprise. Galing siya sa isang kilalang pamilya, at may hawak sa isang imporante at prestihiyosong posisyon sa kumpanya. Maraming pamilya sa Niumhi ang nais mapalapit sa kanya, pero wala silang makitang magandang pagkatataon. Sa sorpresa ng ilan, pumunta siya para batiin si Senyor Zimmer sa kanyang kaarawan.

“Senyor Zimmer, may regalo po ako para sa’yo.”

Sabi ni Don habang ngumiti. Nang binuksan niya ang regalo, marami ang nagulat.

Sa loob ng regalo ay isang tseke, na may walong daan at walong put libong dolyar.

Sa Niumhi, ang ganoong halaga ng salapi ay ginagamit sa isang marriage proposal.

“Senyor Zimmer, pumunta po ako dito para sa isang marriage proposal. Matagal na panahon ko na pong gusto si Mandy. Ako po ay umaasang tanggapin niya ako at pakasalan ako!”

Ang lahat ay nagulat sa mga pangyayari.

Si Mandy ay asawa ni Harvey. Wala bang pakialam doon si Don? Hindi siya nagpakita ng kahit anong respeto kay Harvey.

Ngunit pagkatapos ng labis na pagsasaalang-alang, si Harvey ay isang inutil na manugang na inampon. Bakit siya kailangang respetuhin ni Don? Hindi nga natatakot si Don na baka ma-offend niya si Harvey.

“Alam kong biglaan ang mga nasabi ko, ngunit hindi ko katang makita ang mahal kong si Mandy na kasama ang isang inutil na lalaki. Senyor Zimmer, umaasa po akong tanggapin niyo ang aking alok.” Sabi ni Don habang ngumiti. Tumalikod siya at nginitian si Mandy habang paalis.

Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi kailanman tiningnan ni Don si Harvey. Wala siyang pakialam kay Harvey. Pagkatapos niyang umalis, ang lahat ay nagsimula ng mainit na usapan.

“Si G. Xander ay isang department manager sa York Enterprise. Mataas ang pwesto niya. Narinig kong isang desisyon niya ay pwedeng bumago sa kapalaran ng isang maliit na negosyo, pwedeng ikasira o ikayong nito.”

“Ang swerte ni Mandy! Kung pakakasalan niya si G. Xander, mas makakabuti sa kanya kaysa sa walang kwentang si Harvey!”

“Kung matutuloy ang kasalan, makikinabang din ang pamilya natin.”

Ang nakababatang kapatid ni Mandy, si Xynthia Xander, umabante siya at nagsabing, “Harvey, hindi ba gusto mo ng scooter? Kung willing kang makipag-hiwalayan sa ate ko, ako na mismo ang bibili ng scooter para sa’yo bukas. Gusto mo?”

“Ayos! Maganda ang sinabi ni Xynthia!”

“Hindi ba gusto ng hampaslupang ito ng scooter? Ibibigay natin ito sa kanya! Hayaan siyang sumang-ayon sa hiwalayan!”

Kumislap ang mga mat ani Senyor Zimmer. Tumingin siya kay Harvey at sinabing, “Harvey, kung willing kang makipaghiwalayan kay Mandy, tiyak na mabibigyan kita ng higit pa sa isang scooter. Paano kung bigyan kitang isang milyon dolyar?”

Kalaunan, yumuko si Harvey. Ngunit ngayon, sinulyapan niya si Mandy na nasa tabi niya. Umiling siya saka sinabi, “Lolo, hindi ko po hihiwalayan si Mandy.”

Lalong nagalit si Senyor Zimmer. Dinuro niya si Harvey at pinagalitan, “B*stardo! Hindi mo tatanggihan ang magandang alok! Lumayas ka! Lumayas ka agad! Ayokong may hangal na dumalo sa birthday party ko!”

Hindi naka-inik si Harvey. Hindi niya sukat akalain ang sobrang hindi magiliw na trato ni Senyor Zimmer sa kanya, tungkol sa kanyang nararamdaman. Sa sandaling iyon, umiling-iling lamang siya at umalis.

“Harvey…” tila nag-aalangan si Mandy. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sundan.

Nang makita iyon, sinabi ni Senyor Zimmer, “Mandy kung maglalakas-loob kang umalis kasama niya ngayon, itatakwil kita at hindi na kikilanin bilang apo ko!”

Hindi nagtagal ay tumigil sa paglalakad si Mandy. Hindi niya isahan ang papaging malupit ng kanyang lolo.

Sinabi agad ni Harvey, “Manatili ka. Huwag mo akong alalahanin.”

Kumaripas ng alis si Harvey bago pa makapa-imik si Mandy.

Humalhak si Zack. “Aking bayaw, paano mo balak umuwi? Huwag mong sabihins lalakarin ko pauwi. Halika, may isang dolyar ako dito. Hayaan mong maging galante at ibigay sa iyon ito para may pambayad ka ng pamasahe mo sa bus. Huwag kang mahiyang kunin ito!”

Pagkatapos, naglabas sita ng isang dolyar at itinapon kay Harvey.

Ang mga Zimmer ay nagsipagtawanan.

Bahagya na ngumisi si Harvey, ngunit nanatili siyang walang imik. Pagkatapos nito, tuluyan na niyang nilisan ang Villa Zimmer.

Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang kanyang telepono.

Kinuha niya ang kanyang lumang telepono at sinilip ito. May tumatawag sa kanyang numerong nagtapos sa anim na walo.

Bahagyang nakasimangot si Harvey. Pagkatapos ay binuksan niya ang mensahe at sinulyapan ito.

"Sir, may malaking problema ang York Enterprise. Umuwi na po kayo at harapin ito. ”
Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
laiza Cristobal
oo nga una koh nbasa un Ang asawa Kong tinitingala ng lahat. sumonod KY Charlie wade. tpos ito nman preho lng sino bah original dto
goodnovel comment avatar
Trebor Odnac
updated ako sa ang asawa kong tinitingala ng lahat
goodnovel comment avatar
Arnel Tan
Agree ako diyan. Ganyan na ganyan mismo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 2

    “Isang mensahe mula sa mga York.” Bahagyang nakasimangot si Harvey.Ang mga York ay ang pinaka-maimpluwensyang pamilya sa South Light. Kalaunan, si Harvey ay ang nararapat na tagapagmana.Ngunit tatlong taon na ang nakaraan, may isang tao sa pamilya nila ang inakusahan siya na binulsa niya ang pondo ng kumpanya. Kung kaya, ang kanyang estado bilang tagapagmana ay nawala.Ang buong pamilyang York ay may parehong opinyon at si Harvey ay agad na tinakwil. Bukod dito, ang kanyang mga magulang ay ipinadala sa ibang bansa at hindi na niya sila nakita mula noon.Nang umalis siya sa mga York tatlong taon ang nakararaan, wala siyang kahit isang sentimo. Labis siyang naapektuhan ng matinding dagok sa ekonomiya, at siya ay nagkasakit ng malubha. Sa kabutihang palad, si Lola Zimmer ay mabait at kinupkop siya. Pinayagan niya pa siyang maging manugang, kaya't hindi siya namatay sa isang malagim na trahedya.Gayunpaman, kahit na kasal siya kay Mandy sa loob ng tatlong taon ngayon, sa papel lang

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 3

    Kalahating oras ang nakalipas, nakarating si Harvey sa kumpanya ni Mandy. Nang makapasok siya, isang bodyguard na may hawak na stun baton ang biglang humarang sa kanya. Masungit na sinabi ng bodyguard, “Lumayas ka! Hindi namin tinatanggap ang mga pulubi dito.”Kakagising lang ni Harvey, at hindi muna niya nalinis ang sarili. Isa pa, nakasuot lang siya ng T-shirt at pares ng shorts na puno ng tahi. Mukha nga siyang pulubi sa kalsada.Gayunpaman, sanay si Harvey sa ganoong klaseng bagay. Ngumiti siya at sinabi, "Sir, narito ako upang maghatid ng dokumento sa aking asawa." "Sa itsura mong iyan, mayroon kang asawa?" Naghinala ang bodyguard. "Ang tagalinis ba — si Zara o ang manggagawa na nagtatrabaho sa kusina - si Lily?" “Si Mandy ang asawa ko,” sabi ni Harvey.Nagulat ang bodyguard. Di nagtagal, humalakhak siya. "Ikaw pala ang manugang ng mga Zimmer. " Hindi niya mapigilan ang pagtawa.Umiling si Harvey. Hindi niya sukat akalaing siya ay medyo kilala."Tama na yan. Ibigay mo sa

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4

    "Paliwanag? Bakit ako magpapaliwanag sa iyo? " Pagalit na sabi ni Harvey. “Una, asawa ko si Mandy. Layuan mo siya. Kung nais mong gumawa ng eksena, doon ka sa ibang lugar!”"Pangalawa, kung ang aking asawa ay mahilig sa mga rosas, ako ang bibili nito para sa kanya! Napakaganda niya. Paano magiging angkop sa kanya ang payak at murang mga bagay? Ako mismo magpapadala sa kanya ang mga rosas mula sa Prague ngayong gabi!""P*tang *na! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba o sadyang tanga ka? Ang isang rosas mula sa Prague ay higit isang libong dolyar. Narinig kong humihiling ka ng sa isang scooter kay Senyor Zimmer kahapon. Isa ka lang namang walang kwentang tao. Kahit na ibenta mo ang iyong bato, hindi mo rin kayang bumili ng mga iyon. Bakit ka matapang, gumagawa ka ba ng palabas dito?"Nanlamig si Don. Mayroon siyang marangyang katayuan sa York Enterprise. 'Paano nagagawa ng isang manugang na katulad niya ang kausapin ako nang ganito?’Bukod pa rito, ang bagay na ikinagalit niya ng sobra ay

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5

    "Sir, sasabihin ko to agad sa chief…""Huwag niyo na subukang makipagtawaran sakin. Kapag ginawa niyo yun, sisirain ko yung buong York Enterprise!" Bago pa makapagsalita yung kausap niya sa phone, ibinaba na agad ni Harvey ang tawag. ... Sa lugar ng Gold Coast Villa, ang bawat villa ay dinesenyo mismo ng isang sikat na international designer. Mula sa klase ng mga ceramic tile hanggang sa klase ng mga puno sa lugar, ang lahat ng ito ay piniling maigi ng designer. Isa itong lugar na hindi kayang bilhin ng sinoman kahit na mayaman pa sila. Sa sandaling iyon, nakaupo si Harvey sa sofa na nasa balkonahe. Kaharap niya ang kasalukuyang chief ng mga York, si Yonathan York. Siya ang tiyuhin ni Harvey, at siya yung nag-utos sa driver niya na sunduin si Harvey at dalhin siya sa villa. Habang tinitingnan niya ang masayahing si Harvey, ngumiti si Yonathan at sinabing, "Harv, ilang taon tayong hindi nagkita. Mukhang mas gwapo at mas masayahin ka ngayon…" "Huwag ka nang magpaliguy-ligoy

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 6

    "Si Don?" Saglit na napahinto si Harvey. Pagkatapos ay ngumiti siya, 'Ang lalaking iyon ay isa lamang tuta ng York Enterprise. Ilang sandali na lang bago siya mapaalis.' "Ina, hindi ako makikipag-divorce. Kahit na mag-divorce pa kami, wala na kayong pakialam dito. Sana ay hindi ka mangingialam sa relasyon namin." Tumawa si Harvey at nagsalita bago sumakay sa kanyang paboritong electric bike at umalis. "Harvey, sampid ka lang!" Nanginig sa galit si Lilian. Muntik na niyang sagasaan si Harvey gamit ng kanyang kotse. Subalit, nagawa na lang niyang pigilan ang kanyang galit at kaagad na umalis pagkatapos niyang makita ang mga tao na nakapalibot sa kanila. … Naglakad si Mandy papunta sa front desk ng kumpanya nang lagpas na sa oras ng opisina. Pagkatapos ay nakakita siya ng dalawang babaeng tumatawa habang may sinasabing kung ano at maraming empleyado ang nanonood. "Isang talunan ang asawa ni Miss Zimmer. Sinabi niya na bibigyan siya nito ng rosas na galing sa Prague. Paano n

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 7

    "Ikaw si… Harvey?" Nagdududang tinignan ni Howard Stone si Harvey. Ngumisi siya sandali, ipinarke ang kanyang kotse, at naglakad papasok sa hotel. Sobrang naiilang si Harvey. Hindi niya inaasahan na hindi siya papansinin ni Howard nang makipag-usap siya sa kanya. Magkasunod na pumasok ang dalawa sa private room. Naroon na ang lahat ng kanilang kaklase sa oras na ito. Lumingon silang lahat nang bumukas ang pinto. "Hindi ba siya ang class monitor? Nagtagumpay rin sa buhay class monitor! Napakagwapo!" sabi ng isa. Suot ng tuksido at isang pares ng sapatos na balat si Howard habang nakasabit sa kanyang baywang ang susi ng kanyang Audi. Napakakisig niyang tignan sa sandaling ito. Hindi nagtagal, may nakakita rin kay Harvey na naglakad sa likod ni Howard. Kahit na hindi masyadong hapit sa kanya ang tuksido, mamahalin pa rin ito at galing sa isang sikat na brand. Nakita ito ng isang kaklase at ngumiti. "Harvey, mukhang maayos rin ang naging buhay mo. Halika, ang dalawang upuan na

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 8

    May gusto sanang sabihin si Harvey, ngunit nang makita niya ang inasal ni Howard, umiling siya at hindi na lang nagsalita. Sa halip ay pumunta siya sa tabi ni Shirley at sinabi, "Sabay na ba tayong pumunta? Ikinatatakot ko na baka magkagulo mamaya." "Ito…" nagdalawang-isip sandali si Shirley. Mayroon siyang magandang ugnayan kay Harvey habang sila ay nasa kolehiyo, ngunit syempre, si Harvey ang bida ngayong gabi. Kung aalis siya ngayon, di ba magagalit niya si Howard? Sa kabilang banda, nang makita ni Howard na nandoon pa rin si Harvey at kasama pa ang magandang kaklase na si Shirley, nagdilim ang kanyang mukha. Tinitigan niya ito. "Harvey, ayos lang kung di ka umalis. Ngayon gusto mo pang dalhin kasama mo ang maganda naming kaklase. Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka bang asensadong tao? Wag mong kakalimutan! Isa kang live-in son-in-law, at nahihiya kami na magkaroon ng kaklaseng kagaya mo!" "Tama yan! Lahat ng mga kaklase namin ay maayos ang kalagayan. Isa kang kahihiyan!" "Dali

    Huling Na-update : 2021-04-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 9

    "Ah…" natulala si Howard, ito ay… "Hindi?" "Hindi… hindi… kapatid na Tyson, magpakasaya ka…" Hindi naglakas-loob si Howard na tumingin kay Wendy pagkatapos niyang magsalita. Sa halip, kinuha niya ang susi sa lamesa at tatakbo na sana. "Howard! Walanghiya ka!" Nanggigil sa galit si Wendy. Hindi niya inakala na ang isang lalaking tulad niya ay duwag pala. Natatakot din ang ibang mga kaklase. Lahat sila ay mukhang takot na mapahamak. Si Harvey lamang ang nandoon na walang emosyon, hindi dahil sa ibang bagay, kundi dahil sa siya ang nagsanay kay Tyson Woods palihim noong siya ay nasa Yorks. Dating nasa kalye si Tyson noong bata pa siya. Wala siyang pera at kapangyarihan. Halos mapatay na siya sa kalye maraming beses na. Isang beses, nakilala niya si Harvey at naisip na maaari siyang maging isang kilalang tao, kaya napagpasyahan niyang sanayin siya. Nagulat siya na ganito na ang inilaki ni Tyson sa loob ng ilang taon. Subalit, hindi gusto ni Harvey na makilala siya. Hindi na s

    Huling Na-update : 2021-04-27

Pinakabagong kabanata

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5022

    Sa Ostrane One, nakaisip na si Harvey York ng paraan upang maibalik ang posisyon ni Mandy Zimmer.Sa kabilang banda, naglabas si Lilian Yates ng tatlumpung taong gulang na alak. Ang kanyang pagbabago ng ugali ay talagang pabagu-bago.Kinuha pa niya ang kalahating natirang inihaw na manok bago siya nagpakasipag na bumili ng buong mesa ng pagkain para alagaan si Harvey.Sabi nga, labis na nalumbay si Lilian nang bayaran niya ang pagkain.Mandy ay walang masabi matapos makita ang tanawin.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nang tratuhin ni Lilian si Harvey nang ganito kabait.Pinilit ni Lilian na ngumiti nang ilagay niya ang isang piraso ng hita ng manok sa plato ni Harvey."Hindi ko alam kung ano ang relasyon mo sa pamilya Foster, Harvey!"“Pero kailangan mong siguraduhin na pareho kayong nasa parehong pahina!”"Kung hindi maibalik ni Mandy ang kanyang posisyon, kakailanganin natin ang isang daan at limampung milyong dolyar na kompensasyon!"“At kapag nakuha na niya ang kan

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5021

    "Hindi ako maganda ang pakiramdam kamakailan. Madali akong magalit at magbula ng kalokohan. Wag mo na lang akong pansinin!"Ihahain ko sa'yo mamaya ang tatlumpung taong gulang na alak!""Magpakasaya ka sa bahay! Huwag mag-atubiling, okay?”Matapos makita ang ganitong pagbabago sa ugali ni Lilian Yates, si Harvey York at Mandy Zimmer ay tuluyang nawalan ng masabi.Alam na nila kung paano kumilos si Lilian, pero wala pa rin silang ideya kung ano ang gagawin tuwing may ganito siyang ginagawa.Ganap na niyang nakalimutan ang dalawang sampal na kailangan niyang tiisin sa sandaling pinag-usapan niya ang tungkol sa pera.Huminga ng malalim si Harvey.Sa wakas, tumigil si Lilian sa pagdaldal sa sandaling ito.Kung ikukumpara sa kanyang karaniwang sarili, ito ay isang libong beses na mas mabuti!***Sa parehong oras, sa loob ng opisina ng CEO ng Zimmer Enterprise.Clang!Isang antigong plorera ang ibinagsak sa lupa.Si Reuben Jean ay labis na humihingal. Ang maingat at nakakatakot

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5020

    Hindi masyadong natuwa si Lilian Yates sa ideya."Paano kung magdesisyon si Young Master John na tumulong?""Huwag mong kalimutan! Si Cedric Lopez ang kasintahan ni Elodie Jean! Ang lalaking iyon ay kaibigan ni Young Master John!"Malaki ang posibilidad na kikilos siya!""Hindi niya gagawin ‘yun!"Nagpakita si Harvey ng matibay na ekspresyon."Wala nang silbi si Blaine John sa mga Corpse Walkers.""Bukod dito, may sakit pa rin ng ulo si Blaine tungkol sa sitwasyon ni Darby Xavier. Wala siyang oras para asikasuhin ang ganitong maliit na bagay sa ngayon.Nalilito si Mandy. Hindi niya lubos na naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Harvey sa pahayag na iyon."Hindi mo ba naiintindihan?" Tanong ni Harvey habang sumulyap siya kay Mandy."Ang pamilya Jean ay kumilos at nalinis ang underground casino.""Si Darby ay inaresto rin at ikinulong.""Kasabay nito, maraming mga ledger doon ang nagpapakita ng pagkakasangkot ni Blaine sa casino.""Malinaw na ito ay paglabag sa batas ng

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5019

    Tahimik na kinuha ni Harvey York ang telepono mula kay Simon Zimmer."Elder Reuben Jean, tama ba?""Kung gusto mong makita si Mandy Zimmer, dumaan ka na lang dito mismo."Pagkatapos, sinara ni Harvey ang tawag kaagad."Hayop ka!" Paano mo lang basta-basta pinili yan para sa sarili mo?!"Papakainin mo kaming lahat sa galit ni Elder Reuben dahil sa ginawa mo!""Siguradong tinawag niya tayo dahil gusto niyang maibalik si Mandy sa kanyang posisyon!""Ito na ang pagkakataon ni Mandy!""Magiging palaboy ang pamilya namin kung hindi kumita si Mandy!""Nasira mo na naman ang kinabukasan ni Mandy!""Kailangan mong magbayad para dito!"Sa isip ni Lilian Yates, maraming benepisyo ang makukuha ni Mandy sa pagbabalik niya kahit hindi siya makabalik sa kanyang posisyon.Gusto lang niyang mag-enjoy sa natitirang bahagi ng kanyang buhay sa malaking villa…Ang ibang mga problema ay puwedeng maghintay."Ganito ka pa rin kaignorante hanggang ngayon?"Tahimik na ngumiti si Harvey bago tumin

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5018

    Tinakpan ni Lilian Yates ang kanyang mukha sa hindi makapaniwala. Hindi niya inaasahan na talagang tatamaan siya ni Harvey York."Tatawagin mo siyang biyenan, pero hindi mo ako kinikilala bilang biyenan mo?!" sigaw ni Lilian habang kinagat ang kanyang mga ngipin, nakatitig kay Harvey."Saluhin mo ulit ako!""Halika na!""Suntukin mo ako kung ganyan ka kagaling!""Pwede mong makuha ang anak kong babae kung magagawa mo!"Nagkunot-noo si Harvey nang makita ang matinding ekspresyon ni Lilian."Talaga bang ganyan ka na lang, Lilian?""Tinutawag mo ako sa pangalan ko?!""Tingnan mo ang sarili mo, Harvey!"Tumawa si Lilian sa galit matapos makita siyang walang pakialam."Binabastos ng bastardong ito ang mga nakatatanda!" Tinawag niya ako sa pangalan ko!"Hayaan mong sabihin ko sa'yo ito! Hindi ko kailanman papayagan ang kasal ninyo!"Kung patuloy niyong pipilitin, dudurugin ko ang ulo ko sa harap ng inyong pintuan!""Bakit hindi mo na lang gawin iyon gamit 'yan?" Tanong ni Harve

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5017

    Hindi napigilan ni Mandy Zimmer na magsalita nang makita ang malungkot na ekspresyon sa mukha ng kanyang ina."Kalimutan mo na, Harvey." Siya pa rin ang aking ina."Ngumiti si Harvey York bago bahagyang uminom ng ilang lagok mula sa kanyang tsaa."Nagagawa lang niyang manatili dahil doon.""Pero sa totoo lang, hindi ko inasahan na itatrato niya ang lugar na parang kanya ito..."Pinagpag ni Lilian Yates ang kanyang mga ngipin."Huwag mong tatawirin ang linya, Harvey!""Hayaan mong sabihin ko sa'yo ito!" Ikaw ang gumawa nito sa pamilya!"Kailangan mong magbayad!""Paano ito?" Ibigay ang Ostrane One kay Mandy! Patawarin lang kita pagkatapos nun!"Kung hindi, huwag mo nang isipin pang makita ang anak kong babae!""Matagal ka nang kasama ng mga malalaking pamilya, Lilian," sagot ni Harvey."Si Reuben ay walang pinipili para suportahan ang pag-angat ni Elodie. Ano'ng kinalaman ko diyan?"Kahit wala ako, makakahanap pa rin sila ng ibang dahilan para ibagsak ka.""Kung tutuusin,

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5016

    "Anong karapatan mong pumunta dito pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, hayop ka?!"Nawala ang trabaho ni Mandy dahil sa iyo!""Ang buong pamilya ay nasa bingit ng pagkawasak!""Anong karapatan mong magpakita ngayon?!""Akala mo ba talaga na hindi ko babasagin ang mga paa mo?!"Si Lilian Yates ay mukhang handang buhayin si Harvey York."Umalis ka!" Lumayas ka sa Ostrane One ngayon na!"Hindi ito lugar na pwede mong puntahan!"“Madudumi mo ang kapaligiran!” Magiging marumi ang lugar kung patuloy kayong mananatili dito!"Pagkatapos, itinuro ni Lilian ang pasukan."Mas pipiliin kong magpalipas ng aso dito kaysa hayaan kang makapasok!""Ganoon ba?""Akala mo ba ikaw talaga ang may-ari ng lugar o ano?"“Oh?"Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng anak kong babae! Ibig sabihin, akin ito!”Nagpakita si Lilian ng makatarungang ekspresyon."Sinasabi mo bang iyo ito?""Pasensya na, pero akin talaga ito," sagot ni Harvey.Pagdating ni Mandy Zimmer, narinig niya ang pagtatalo dahil nal

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5015

    Bahagyang natawa si Kairi Patel."Nahuhuli ka na, Sir York.""Una sa lahat, ang isang elder na tulad ni Reuben Jean ay hindi kailanman magagawang utusan ang isang branch director ng ganoon. Lalo na, alam na alam niya kung ano ang mangyayari sa kanya kapag ginawa niya ang bagay na ‘yun."Ang John family, ang Xavier family, at ang Braff family ay sangkot dito. Imposibleng makakaligtas siya pagkatapos nito."Pero sa kabila ng lahat, ginawa pa rin niya ito. Ibig sabihin nito na sobrang kampante siya. Hindi siya natatakot kahit kaunti."Nalaman ko rin na mayroon siyang sampung milyong dolyar sa kanyang pribadong account sa Switzerland..."Bumuntong-hininga si Harvey."Ang laki ng perang iyon..."Ang isang branch director ay hindi makakakuha ng ganun kalaking halaga sa buong buhay niya."Alam mo ba kung sino ang nagbigay ng pera sa kanya?”"Hindi pa, pero hindi ko naman kailangang alamin ‘yun," sagot ni Kairi."Mayroon akong ibang impormasyon na maaaring maging kapaki-pakinabang s

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5014

    "Pero anuman ang nangyari, nagkaroon ng malaking tagumpay ang branch sa pagpapasara ng casino at pag-aresto sa mga suspek."Sa makatarungang pananaw, bukod sa walang ginawang mali ang direktor, malamang na gagantimpalaan pa siya para dito."Kahit na gaano pa kasama ang loob ni Soren Braff, wala siyang ibang pagpipilian kundi tiisin ito."Personal pa niyang binigyan ng medalya ang direktor upang mapakalma ang kapulisan ng branch."Sumimangot sandali si Harvey York bago tumawa."Hindi maganda ‘yan."Iisipin nila Blaine John at Darby Xavier na sinusubukan nating sirain ang mga loob nila!"Maliban sa kinasusuklaman na nila ako, baka madamay din ang Braff family."Bahagyang tumango si Amora Foster."Dapat kang mag-ingat, Sir York."Ang Braff family ay pag-aari ng gobyerno. Kahit na ang sitwasyon ay nakakaapekto sa interes ng parehong John family at Xavier family, wala silang ginawang mali sa panig ng katarungan."Iba ka."Mag-isa ka lang. Mas madali para sa kanila na labanan ka…

DMCA.com Protection Status