Share

Kabanata 5

Author: A Potato-Loving Wolf
"Sir, sasabihin ko to agad sa chief…"

"Huwag niyo na subukang makipagtawaran sakin. Kapag ginawa niyo yun, sisirain ko yung buong York Enterprise!"

Bago pa makapagsalita yung kausap niya sa phone, ibinaba na agad ni Harvey ang tawag.

...

Sa lugar ng Gold Coast Villa, ang bawat villa ay dinesenyo mismo ng isang sikat na international designer. Mula sa klase ng mga ceramic tile hanggang sa klase ng mga puno sa lugar, ang lahat ng ito ay piniling maigi ng designer. Isa itong lugar na hindi kayang bilhin ng sinoman kahit na mayaman pa sila.

Sa sandaling iyon, nakaupo si Harvey sa sofa na nasa balkonahe. Kaharap niya ang kasalukuyang chief ng mga York, si Yonathan York. Siya ang tiyuhin ni Harvey, at siya yung nag-utos sa driver niya na sunduin si Harvey at dalhin siya sa villa.

Habang tinitingnan niya ang masayahing si Harvey, ngumiti si Yonathan at sinabing, "Harv, ilang taon tayong hindi nagkita. Mukhang mas gwapo at mas masayahin ka ngayon…"

"Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa, Tito. Sabibin mo na yung sasabihin mo. Anong gusto mong gawin ko para sa mga York? Anong gusto mong gawin ko para kontrolin ang sitwasyon?" Nagtanong ng mahinahon si Harvey, at hindi man lang tumingin kay Yonathan.

Ngumisi si Yonathan. "Harv, napaka pranka mo talaga. Kung ganun, dederetsuhin na kita…" Sa sandaling yun, walang magawa si Yonathan. Isa siyang maimpluwensya at makapangyarihang tao sa Niumhi. Malaki ang nagiging epekto ng mga ginagawa niya sa buong siyudad. Ngunit ngayon, wala siyang magawa kundi maging mapagpakumbaba at maging masunurin sa harap ni Harvey, lalo na't may hinihingi siyang pabor dito.

"Sumunod sa uso ang pamilya natin at ininvest ang pera sa stock market ng oil futures. Dahil dito, malaki ang nawala samin. Ngayon ang pondo ng pamilya namin ay…"

"Deretsuhin mo na! Magkano bang kailangan mo?"

"Hindi naman kalakihan, nasa one billion dollars lang…"

'P*uta ka!' Tumaas ang mga kilay ni Harvey. 'One billion dollars? Bakit di ka na lang mangholdap ng bangko?'

"Tungkol diyan, may iba pa akong kailangang asikasuhin, Chief York. Mauna na akong umalis…" Agad na tumayo si Harvey at nagtangkang umalis.

"Harv!" Namroblema si Yonathan sa mga sandaling yun. Agad niyang sinabi, "Kailangan talaga namin ng ganun kalaking pera. Kapag di kami nakakuha ng ganung halaga, mawawalan kami ng pondo, at masisira ang mga kumpanya namin. Isa pa, magagawa ko yung mga hinihingi mong pabor!"

Tiningnang maigi ni Harvey ang mga mata ni Yonathan at sinabing, "Nakita kong nagsasabi ka ng totoo. Pero saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga?"

"Harv, gusto mo ba talagang makitang tuluyang masira ang pamilya natin? Meron kang halos one trillion dollars sa offshore account mo. Maliligtas mo ang mga York kung bibigyan mo kami ng kahit konti mula sa account mo!" Kinabahan nang husto si Yonathan at namula ang kanyang mga mata. "Huwag mong kalimutan ang pinagmulan mo!"

Noong una, nakangiti pa si Harvey. Ngunit noong marinig niya ang sinabi ni Yonathan, agad na sumama ang ekspresyon ng mukha niya. "Sa pagkakatanda ko, Tito, inisip ng buong York family na hindi ako pwedeng maging heir ng mga York noon."

"Nasa halos ilang daang miyembro tayo sa York family. Kwinestyon at inayawan mo ako ng husto. Dati akong isa sa pinakamaraming naging kontribusyon sa pamilya natin, pero pinalayas niyo ako. Tapos ngayon sinasabi mo na alalahanin ko yung pinagmulan ko. Hindi ba parang kalokohan to?"

"Bakit hindi niyo inisip kung gaano kalaki ang naitulong ko sa pamilya natin nung mga panahong yun? Nagpakasasa kayo sa perang kinita ko, tapos itinakwil niyo lang din naman ako."

"Naging son-in-law ako ng Zimmer family sa mga nagdaang taon. Naging miserable ang buhay ko. Hindi niyo nga ako binisita o tinulungan man lang."

"Kung wala kayong malaking problema, maaalala niyo kaya ako?" Madiing sinabi ni Harvey ang bawat salitang binitawan niya.

Bahagyang kumibot ang mukha ni Yonathan. Agad niyang sinabi, "Harv, nagkamali kami. Hayaan mo kaming makabawi sayo. Hihingi kami ng tawad sayo… Pero kailangan namin ang tulong mo na ayusin ang problemang to. Pwede akong magdesisyon ngayon. Mula ngayon, ikaw na ang CEO ng York Enterprise!"

Kahit na ang York Enterprise ay hindi ang pinakamalaking kumpanya na hawak ng mga York, ito ang may pinakamalaking potensyal. Nakatuon ito sa mga angel investment. Bukod dito, hawak nito ang mga shares ng karamihan sa mga kumpanya sa buong Niumhi, kasama dito ang mga bagong produkto at plano na ilalabas pa lang.

Sa kasalukuyan, ang York Enterprise ay hawak ng anak ni Yonathan na si Belle York. Siya ay pinsan ni Harvey. Sa di inaasahan, nakahanda si Yonathan na ibigay kay Harvey ang York Enterprise.

"Sige na, tutulungan ko na kayo." Pinag-isipan itong maigi ni Harvey. Noong una, nagdadalawang-isip siyang makipag-ugnayan muli sa mga York. Ngunit natatandaan pa rin niya ang nangyari kaninang umaga. Kapag hindi niya kinuha ang enterprise, madali siyang maaapi at itatakwil ng kahit sino.

"Huwag kang mag-alala. Aasikasuhin ko to agad. Kailangan mo lang pumunta sa enterprise at pirmahan ang dokumento bukas. Bukod dun, aasikasuhin ko din yung mga rosas mula sa Prague…" Nakahinga ng maluwag si Yonathan. Kung hindi pumayag si Harvey na tulungan sila, siguradong malaki ang mawawala sa mga York kahit na hindi sila mabankrupt.

Ayaw nang magpaabala pa ni Harvey kay Yonathan. Kung hindi niya kayang gawin ang maliit na bagay na gaya nun, hindi niya magagawang tumagal sa business field.

"Oo nga pala, pahiram ako ng damit." Aalis na sana si Harvey. Pero nagningning ang mga mata niya nung makita niya ang bagong suit na nasa sofa.

Pupunta siya sa isang pagtitipon kasama ang mga kaklase niya noong nasa kolehiyo pa siya, at hindi pa rin siya mapakali dahil wala pa rin siyang susuotin. Huli na para bumili pa siya, kaya naisip na lang niyang humiram kay Yonathan.

"Wala yun. Kung gusto mo yan, kunin mo na. Regalo yan mula sa Armani, at nakakabit pa ang price tag niyan." Pumayag agad si Yonathan. Kahit na mamahalin ang suit na yun, maliit na halaga iyon kumpara sa isang bilyong dolyar. Bakit naman mababahala ang chief ng mga York sa ganun kaliit na bagay?

Hindi na ito inisip pa ni Harvey. Agad siyang nagbihis sa changing room. Pagkatapos, tiningnan niya ang sapatos niya at tumingin nang masama sa lagayan ng mga sapatos ni Yonathan.

Medyo mabaho ang paa ni Yonathan. 'Hinding hindi ko susuotin ang sapatos niya. Yung tsinelas ko na lang ang susuotin ko.'

Narinig niya na dadalo ang lahat ng kaklase niya sa pagtitipon na yun. Mukhang dadalo din ang pinakamaganda sa kolehiyo nila, si Wendy Sorrel. Bahagyang nasabik si Harvey.

Pagkaalis ni Harvey sa villa, pumito siya at sumakay sa electric bike niya papunta sa Platinum Hotel. Doon gaganapin ang pagtitipon, at nag-aalala siya na baka mahuli siya kung masyado siyang mabagal.

Sa hindi inaasahan, narinig niya ang maingay na busina ng isang sasakyan. Huminto ang isang Porsche sa tabi mismo ni Harvey, at dahan-dahang bumukas ang bintana nito.

Nakita niyang hinubad ng mother-in-law niya ang sunglasses nito at tumingin nang masama sa kanya. Kinabahan si Harvey dahil dito.

Kahit na mother-in-law ni Harvey si Lilian Yates, mukha lang siyang tatlumpung taong gulang dahil maalaga siya sa kanyang itsura at kalusugan. Elegante siyang tingnan, at mapapansin agad ng sinuman ang pagkakahawig nila ni Mandy lalo na't napakaganda nila pareho.

Subalit, tinitingnan niya si Harvey sa mga sandaling iyon. Pagkatapos, nagsalita siya, "Saan mo nakuha yang suot mo?"

Sa tatlong taon na nakasama ni Harvey ang mga Zimmer, ang pinaka kinakatakutan niya ay si Lilian. Agad siyang nagsalita noong marinig niya ang tanong ni Lilian. "Hiniram ko to sa kaibigan ko, Ma…"

"Oh? May mga kaibigan ka ba?" Ngumiti si Lilian at sinabing, "May nagsabi sakin ng nangyari sa kumpanya kanina. Tutal wala ka namang magawang tama, umuwi ka na at mag-empake ka na. Pirmahan mo ang divorce agreement bukas. Huwag kang mag-alala, babayaran kita."

Kinilabutan si Harvey. "Pero… ma… Mahal ko talaga si Mandy. Hindi ko kakayaning mabuhay ng wala siya…"

Natawa si Lilian sa kanyang narinig. "Huwag mo kong tawaging 'ma'. Hindi ko deserve yun. Kung magiging nanay mo nga ako, baka pati mga ninuno ko magalit dahil dun…"

"Bukod dun, sinasabi mong mahal mo ang anak ko? Paano? Paano mo siya mamahalin kung napakawalang kwenta mo? Ano pa bang alam mong gawin maliban sa mga gawaing bahay? Alam mo bang sinira mo ang buhay ng anak sa nagdaang tatlong taon?"

"Kani-kanina lang, tinawagan ako ni Don. Sinabi niya na nakahanda siyang magbayad ng one million dollars na wedding gift basta ibigay ko ang blessing ko sa kanya at payagan siyang pakasalan si Mandy. Alam mo ba kung magkano yun? Sa tingin ko, hindi mo rin alam yun."
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Almujim Jumli
ang aking kaibigan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 6

    "Si Don?" Saglit na napahinto si Harvey. Pagkatapos ay ngumiti siya, 'Ang lalaking iyon ay isa lamang tuta ng York Enterprise. Ilang sandali na lang bago siya mapaalis.' "Ina, hindi ako makikipag-divorce. Kahit na mag-divorce pa kami, wala na kayong pakialam dito. Sana ay hindi ka mangingialam sa relasyon namin." Tumawa si Harvey at nagsalita bago sumakay sa kanyang paboritong electric bike at umalis. "Harvey, sampid ka lang!" Nanginig sa galit si Lilian. Muntik na niyang sagasaan si Harvey gamit ng kanyang kotse. Subalit, nagawa na lang niyang pigilan ang kanyang galit at kaagad na umalis pagkatapos niyang makita ang mga tao na nakapalibot sa kanila. … Naglakad si Mandy papunta sa front desk ng kumpanya nang lagpas na sa oras ng opisina. Pagkatapos ay nakakita siya ng dalawang babaeng tumatawa habang may sinasabing kung ano at maraming empleyado ang nanonood. "Isang talunan ang asawa ni Miss Zimmer. Sinabi niya na bibigyan siya nito ng rosas na galing sa Prague. Paano n

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 7

    "Ikaw si… Harvey?" Nagdududang tinignan ni Howard Stone si Harvey. Ngumisi siya sandali, ipinarke ang kanyang kotse, at naglakad papasok sa hotel. Sobrang naiilang si Harvey. Hindi niya inaasahan na hindi siya papansinin ni Howard nang makipag-usap siya sa kanya. Magkasunod na pumasok ang dalawa sa private room. Naroon na ang lahat ng kanilang kaklase sa oras na ito. Lumingon silang lahat nang bumukas ang pinto. "Hindi ba siya ang class monitor? Nagtagumpay rin sa buhay class monitor! Napakagwapo!" sabi ng isa. Suot ng tuksido at isang pares ng sapatos na balat si Howard habang nakasabit sa kanyang baywang ang susi ng kanyang Audi. Napakakisig niyang tignan sa sandaling ito. Hindi nagtagal, may nakakita rin kay Harvey na naglakad sa likod ni Howard. Kahit na hindi masyadong hapit sa kanya ang tuksido, mamahalin pa rin ito at galing sa isang sikat na brand. Nakita ito ng isang kaklase at ngumiti. "Harvey, mukhang maayos rin ang naging buhay mo. Halika, ang dalawang upuan na

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 8

    May gusto sanang sabihin si Harvey, ngunit nang makita niya ang inasal ni Howard, umiling siya at hindi na lang nagsalita. Sa halip ay pumunta siya sa tabi ni Shirley at sinabi, "Sabay na ba tayong pumunta? Ikinatatakot ko na baka magkagulo mamaya." "Ito…" nagdalawang-isip sandali si Shirley. Mayroon siyang magandang ugnayan kay Harvey habang sila ay nasa kolehiyo, ngunit syempre, si Harvey ang bida ngayong gabi. Kung aalis siya ngayon, di ba magagalit niya si Howard? Sa kabilang banda, nang makita ni Howard na nandoon pa rin si Harvey at kasama pa ang magandang kaklase na si Shirley, nagdilim ang kanyang mukha. Tinitigan niya ito. "Harvey, ayos lang kung di ka umalis. Ngayon gusto mo pang dalhin kasama mo ang maganda naming kaklase. Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka bang asensadong tao? Wag mong kakalimutan! Isa kang live-in son-in-law, at nahihiya kami na magkaroon ng kaklaseng kagaya mo!" "Tama yan! Lahat ng mga kaklase namin ay maayos ang kalagayan. Isa kang kahihiyan!" "Dali

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 9

    "Ah…" natulala si Howard, ito ay… "Hindi?" "Hindi… hindi… kapatid na Tyson, magpakasaya ka…" Hindi naglakas-loob si Howard na tumingin kay Wendy pagkatapos niyang magsalita. Sa halip, kinuha niya ang susi sa lamesa at tatakbo na sana. "Howard! Walanghiya ka!" Nanggigil sa galit si Wendy. Hindi niya inakala na ang isang lalaking tulad niya ay duwag pala. Natatakot din ang ibang mga kaklase. Lahat sila ay mukhang takot na mapahamak. Si Harvey lamang ang nandoon na walang emosyon, hindi dahil sa ibang bagay, kundi dahil sa siya ang nagsanay kay Tyson Woods palihim noong siya ay nasa Yorks. Dating nasa kalye si Tyson noong bata pa siya. Wala siyang pera at kapangyarihan. Halos mapatay na siya sa kalye maraming beses na. Isang beses, nakilala niya si Harvey at naisip na maaari siyang maging isang kilalang tao, kaya napagpasyahan niyang sanayin siya. Nagulat siya na ganito na ang inilaki ni Tyson sa loob ng ilang taon. Subalit, hindi gusto ni Harvey na makilala siya. Hindi na s

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 10

    Sa sumunod na umaga, si Harvey namumula pa ang mga mata at magulo pa ang buhok ay pumunta sa pinakamayaman na distrito sa Niumhi sa kanyang electric bike.Ang York Enterprise ay matatagpuan sa pinakamagandang lokasyon.Tumawag si Yonathan kagabi sa kanya at sinabi na natapos na niya ang mga proseso ng pagpasa sa York Enterprise. Kung pipirmahan niya ang mga papeles ngayon, ang kumpanya ay mapupunta na sa kanya.Si Harvey ay medyo nagaalala sa bagay na ito. Kung sabagay, binili niya ang kumpanya ng sampung bilyong dollars. Iyan ang dahilan bakit nagmadali siyang pumunta dito ng maaga ng hindi pa kumakain ng almusal.Si Harvey ay walang masabi ng makarating siya sa kumpanya. Hindi nakakapagtaka kung bakit ito ang pinakamayamang lugar sa Niuhi. Mayroong mga luxury cars sa kung saan-saan. Nagpunta siya dito gamit ang kanyang electric bike. Kung iiwan niya lang ang kanyang bike dito, siguradong tatangayin ito ng kung sinuman mamaya.Umikot siya sa kumpanya at nakakita na parking space

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 11

    “Sinasabihan mo ba akong umalis?”Natawa si Harvey Paano na lang magagawa ng empleyadong paalisin ang boss?“Hindi mo ba naiintindihan ang mga sinabi ko? Pinapaalis na kita! Kahit na sino ang tumanggap sayo, wala akong pakialam kung sino pa siya, sa madaling salita, umalis ka na ngayon!” Nagngingitngit ang mga ngipin ni Wendy.Naglabas siya isang tumpok ng pera mula sa kanyang bag matapos magsalita at tinapon ito sa lapag. Galit niyang sinabi, “Ayaw mong umalis, ano? Hindi ba’t gusto mo lang ng pera? Kuhanin mo na ang perang iyan at umalis ka na!”Sa sandaling ito, isang nakakabinging busina ang narinig, ang lahat ng empleyado ay nagsitabi, dahil isang Bentley ang huminto sa paradahan ng presidente.Tapos, isang babae na nasa kanya 20’s, na nakasuot ng puting pang itaas, magandang leather pants at ponytail, ay mabilis na naglakad pababa habang may hawak na pouch.Ang kanyang itsura ay kasing lebel ng kay Wendy, ngunit ang kanyang paguugali ay napakalayo kumpara kay Wendy.Wala s

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 12

    Namumula si Wendy habang si Harvey ay nakatitig sa kanya ng diretso. Nahihiya siya. Siya ay sobrang arogante sa harapan ni Harvey kagabi at kinasusuklaman pang makaupo ito. Subalit, siya ngayon ang nakatayo dito ngayon, inaantay ang kanyang utos.Nakatitih si Harvey sa kanya ng ilang sandali. Gayunpaman ang dating kaklase na ito ay mukhang medyo mayabang, ang kanyang paguugali ay hindi ganun kasama.Kalmado niyang sinabi ng maisip niya ito. “Hindi kita tatanggalin sa trabaho dahil dito. Para sa iyong promosyon, ipakita mo kung ano ang kaya mo, saka tayo magusap pagnagawa mo iyon.” Hindi na niya siya pinansin matapos sabihin ito. Kakakuha niya pa lang sa kumpanya at hindi niya pa naiintindihan kung paano ito tumatakbo. Bakit naman niya sasayangin ang oras niya sa pagsasalita ng kalokohan kay Wendy?Kahit na maganda si Wendy, nakakita na si Harvey ng mas magagandang babae, kahit papaano ang kanyang asawa—si Mandy ay mas maganda sa kanya.…Ang presidente ng York Enterprise ay nagb

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 13

    “Huh?” Napahinto si Harvey ng sandali at nakalimutang lunukin ang steak sa kanyang bibig. Bakit hindi niya alam kung ano ang mangyayari?Si Xynthia ay mas nandiri ng makita niya na kumakain ng malakas si Harvey. Mayabang niyang sinabi, “Hindi ako takot na sabihin sayo. Si Brother Don ay opisyal na nagpropose ng pagpapakasal sa Zimmer family. Magpapadala siya ng dowries ngayong gabi. Kung may isip ka, wala kang gagawin. Kung wala naman...”Inirapan siya ni Xynthia ng sinabi niya ito. Kahit na ang Zimmer family ay nagpapatakbo ng legal na negosyo, mayroon pa din silang ilang mga bodyguard. Kung ang taong ito ay gustong gumawa ng gulo, siguradong patutumbahin nila siya.“Kung gayon, lahat kayo, manatili kayong tahimik. May sasabihin si Senior!”Nasa pinakamataas na posisyon, si Senior Zimmer ay inunat ang kanyang kamay at kumatok sa lamesa. Inaasahan niya at sinabi, “Narinig niyo na siguro ang balita, tama? Hindi ako sigurado kung bakit, ngunit ang presidente ng York Enterprise ay big

Pinakabagong kabanata

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5289

    Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5288

    "Si Mr. Quill ay isang senior ng Golden Sands! Akala mo ba ikaw na ang hari ng lungsod dahil nagdulot ka ng gulo sa kanyang libing na gaya nito?!”Syempre, handa si Blaine na gawing scapegoat si Harvey anuman ang mangyari."Ano? Nakikipaglaban ka ba para sa atensyon?Ngumiti si Harvey."Gaya ng inaasahan sa isang lalaking tulad mo. Akala ko hindi ka darating ngayon.Hindi ko akalain na gagawa ka ng ganito ngayon!"Gayunpaman, ayokong makipaglokohan ng matagal sayo ngayon.""Kung hindi ka masaya... Kung gusto mo ng katarungan, sugurin mo ako. Nandito ako para sayo."Pagkatapos marinig ang kanyang mga salita, lumapit si Wanda kay Blaine na may kaawa-awang itsura.“Young Master John! Kailangan mo kaming tulungan!"Sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Alani, kami mula sa World Civilization Department ay dumating dito upang pag-aralan ang kultura ng mga tao dito.""Gusto lang naming maranasan kung paano ginagawa ng mga lokal ang kanilang natatanging libing dito!"“At sa kabila nito, patulo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5287

    “Hell’s Cut!”Sumigaw si Alani, may pumatay na intensyon na lumalabas mula sa kanyang espada habang sinugod niya si Harvey. Labindalawang iba't ibang saksak ang pinagsama-sama sa isang iglap, determinado na pumatay. Ang hangin ay nagsimulang lumamig.“Aaah!”Lahat ay nagulat nang makita ito. Sa kanilang mga mata, si Alani ay isang tunay na eksperto. Ang mga sumalungat sa kanya ay tiyak na mamamatay.Gayunpaman, nanatiling walang emosyon si Harvey nang harapin ang pag-atake. Pinaikot niya ang kanyang espada, pagkatapos ay inihampas ito sa harap niya.Bam!Isang malalakas na tunog ang narinig.Tumilapon si Alani, at bumagsak sa lupa.Ang kanyang mukha ay lubos na namamaga, na may pulang marka dito. Sinubukan niyang bumangon, ngunit wala siyang nagawa."Ito ang pinakamalakas mong atake?" Ngumiti si Harvey. "Parang wala namang kwenta.""Hayop ka! Ikaw…”Si Alani ay nagngangalit, ngunit bigla siyang sumuka ng maraming dugo.Humakbang si Harvey pasulong at sinipa siya."Sabihin mo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5286

    Alani alam niyang wala siyang paraan para makaalis sa sitwasyon.Dumating siya na may ganap na utos!Hindi lamang siya nabigo na makuha ang mental na teknik ng paglinang, kundi nabigo rin siyang sirain ang Heaven’s Gate. Kung hindi niya natapos ang misyon na ito kahit na nasayang ang Budokami elixir...Wala siyang ibang pagpipilian kundi mamatay.Anuman ang sitwasyon, kailangan niyang pabagsakin si Harvey.Ng walang pag-aalinlangan, huminga ng malalim si Alani bago inilabas ang karayom na lagi niyang dala."Ang lakas mo, Harvey!" sigaw niya, habang nakatingin kay Harvey."Pero kung ibang pagkakataon ito, wala kang laban sa akin!"Mayroon akong makapangyarihang bansa na sumusuporta sa akin! Mag-isa ka lang!"Pinihit ni Alani ang karayom bago ito itinusok nang diretso sa kanyang braso. Ang mga ugat sa kanyang mukha ay agad na naglabasan, at nagpakita siya ng isang malupit na ekspresyon.Ang kanyang mga dose ay lumampas na sa inirerekomendang dami. Sa kasamaang palad, wala na siy

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5285

    "Ipapaintindi ko sa buong mundo!”"Ang paglabag sa Wah of Water ay nangangahulugang paglabag sa kabuuan ng Island Nations! At ang pagsalungat sa bansa ay nangangahulugang pagsalungat sa World Civilization Department!"Kaming mga Islander ay hindi papayag sa anumang uri ng kahihiyan!”Mabilis na itinaas ni Alani ang kanyang kamay.Ang mga tao ng Country H ay walang masabi. Pati ang mga tao sa Evermore ay nakatingin kay Alani na may kakaibang mga ekspresyon.‘Hindi mo mapapatunayan ang lahat ng iyon kahit pa talunin mo si Harvey ngayon, hindi ba…? Mga Islander na hindi papayag sa kahihiyan? Ano bang kalokohan ito…’Siyempre, walang magtatangkang pabagsakin si Alani sa mga sandaling iyon.Ang mga Islander ay labis na naiinis sa mga sinabi niya."Hayop ka! Kaming mga Islander ay malalakas! Hindi namin kailanman pinapayagan ang kahihiyan!”Bumuntong-hininga si Harvey."Tama na ang satsat. Atakihin mo na lang ako.“At Prince, kailangan kong ianunsyo mo ang isang bagay…”"Dahil ito

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5284

    Pak!Sa isang iglap lamang, isang nakakatakot na alon ang kumalat. Mga bitak na kahawig ng mga sapot ng gagamba ang nabuo sa pagitan nina Alani at Harvey.Tumuloy si Harvey nang walang kahit isang tunog.Si Alani, sa kabilang banda, ay nagpagulong-gulong sa hangin ng ilang beses bago natumba sa lupa. Masaya siya nang tumayo muli, tila walang sugat.Nagtinginan ang mga Islanders bago sila sumigaw nang malakas. Sa kanilang mga mata, nagawa ni Alani na manatiling buo matapos magturok ng gamot. Ibig sabihin nito ay nagtagumpay ang kanilang eksperimento!Sa tulong ng gamot, makakalikha ang Island Nations ng isang di-mapipigilang hukbo!Magagawa nilang bumuo ng isang napakalaking alyansa ng Far East!Maaari nilang sakupin ang mundo! Hindi na ito magiging pangarap para sa kanila!“Magpanggap ka pa, Harvey!” sabi ni Alani."Iyon ang Ashura’s Palm ng Abito Way! Sinumang tamaan nito ay magkakaroon ng pagkasira ng kanilang mga internal na organ bago mamatay!"Okay ka lang ngayon dahil sa

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5283

    Hindi man lang pinansin ni Harvey si Wanda, na nanatiling nakapako sa kanyang pwesto."Hindi na mahalaga kung sino ang nasa likod nito. Ikaw talaga ang gumagawa ng gulo ngayon, Alani."Pinapapunta mo ang mga makapangyarihang Indiano laban sa akin pagkatapos marinig ang aking pangalan... Pero bukod sa pagpapadala sa kanila sa kamatayan nila, ano sa tingin mo ang nakamit mo dito?“Atakihin mo ako kung talagang kaya mo."Hinahayaan mo si Wanda at ang iba pa na makipaglaban sa’kin para lang mapabagsak ko sila, di ba?"Kasapi ka din ng Evermore! Sa Evermore, bawat isa sa inyo ay magkakumpitensya."Basta't mapabagsak mo ang mga nangungunang talento ng mas batang henerasyon sa Far East... Magiging pinuno ka ng teritoryo ng Evermore sa Far East!"Hinala ko na binigyan ka rin ng permiso ng pamilyang maharlika para gawin ito! Marahil ang Island Nations ay sinusubukang makuha ang kabuuan ng Evermore mismo..."Kung ganoon, malamang na sobrang lungkot ng Evermore. Kailangan nitong magtrabaho

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5282

    ”Hayy…”Isang nakakakilabot na boses ang narinig.Isang babaeng nakasuot ng tradisyonal na damit ng India ang biglang lumabas mula sa karamihan. Naka-suot siya ng scarf sa mukha na bahagyang nagpapakita ng kanyang balat. May malinaw na tanaw sa kanyang baywang, at may nakadikit na Cat’s Eye Stone sa kanyang pusod.Naglalabas siya ng nakakapreskong amoy habang siya'y lumalabas. Amoy siya ng malamig na simoy ng hangin sa dalampasigan, na nahuhumaling ang lahat sa kanya.Hawak niya ang isang scimitar na puno ng alahas. Sa kabila ng kanyang mahinahong asal, ang kanyang ekspresyon ay matindi. Sa madaling salita, ang babae ay isang rosas na natatakpan ng mga tinik.“At sino ka naman?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa babaeng Indiyano.Ngumiti ang babae; ang kanyang mga mata ay kayang bumihag ng puso.Ako si Wanda Garcia mula sa India.Nandito ako para matutunan ang inyong paraan ng pakikipaglaban. Gayunpaman, handa akong ipagkaloob sa iyo ang anumang kahilingan kung susuko ka at p

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5281

    Walang ginawang espesyal si Harvey.Ito ay isang malinis at simpleng atake. Nakikita ng lahat na pinupuntirya niya mismo ang ulo ni Shinsuke.Maraming mga Islander ang nagpakita ng paghamak, iniisip na nagmamayabang si Harvey at talagang hindi kahanga-hanga.Gayunpaman, tanging si Shinsuke lamang ang nakakita sa tunay na kapangyarihan ni Harvey.Ang kanyang atake ay simple, ngunit ang bilis lamang nito ay sapat na upang takutin ang sinuman. Ang ulo ni Shinsuke ay mabibiyak sa gitna kapag tinamaan siya nito!Nang maisip niya ito, biglang siyang nanginig. Agad niyang inipon ang kanyang lakas at winasiwas ang kanyang espada, sinubukan niyang harangin ang atake ni Harvey.Clang!Agad na nabali ang custom-made na espada ni Shinsuke. Malinaw na ang lakas ng atake ni Harvey ay higit pa sa inaasahan ni Shinsuke.Swoosh!Huminto si Harvey sa kanyang pag-atake nang malapit na ang espada sa ulo ni Shinsuke."Kulang pa ang lakas mo. Ni hindi mo kayang saluhin ang isang atake.”Nanigas si

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status