Share

Kabanata 10

Sa sumunod na umaga, si Harvey namumula pa ang mga mata at magulo pa ang buhok ay pumunta sa pinakamayaman na distrito sa Niumhi sa kanyang electric bike.

Ang York Enterprise ay matatagpuan sa pinakamagandang lokasyon.

Tumawag si Yonathan kagabi sa kanya at sinabi na natapos na niya ang mga proseso ng pagpasa sa York Enterprise. Kung pipirmahan niya ang mga papeles ngayon, ang kumpanya ay mapupunta na sa kanya.

Si Harvey ay medyo nagaalala sa bagay na ito. Kung sabagay, binili niya ang kumpanya ng sampung bilyong dollars. Iyan ang dahilan bakit nagmadali siyang pumunta dito ng maaga ng hindi pa kumakain ng almusal.

Si Harvey ay walang masabi ng makarating siya sa kumpanya. Hindi nakakapagtaka kung bakit ito ang pinakamayamang lugar sa Niuhi. Mayroong mga luxury cars sa kung saan-saan. Nagpunta siya dito gamit ang kanyang electric bike. Kung iiwan niya lang ang kanyang bike dito, siguradong tatangayin ito ng kung sinuman mamaya.

Umikot siya sa kumpanya at nakakita na parking space sa may gate. Bigla siyang nakarinig ng malakas na ingay ng preno ng pinarada niya ang kanyang bike.

Tapos may malakas na bang. Ang kanyang bike ay lumipad matapos na mabunggo ng isang Porsche.

“Bwisit!”

Si Harvey ay walang masabi. Ang malas naman ng kanyang electric bike. Ang battery nito ay ninakaw ilang araw na ang nakaraan at ngayon nabunggo naman ito ng isang Porsche.

Gayunpaman, ang Porsche ay isang luxury car. May ilang gasgas sa Porsche. Samantalang, ang kanyang electric bike ay sira na sa likod at imposible na itong masakyan ngayon.

‘Ang electric bike ay ginamit ko na ng tatlong taon!’

Gustong maiyak ni Harvey. Masyado siyang malapit sa electric bike niya na ito.

Samantala, biglang dumami na ang mga tao ang lumapit para makita kung ano ang nangyari.

Ang pintura ng Porsche ay sobrang mahal. Kaya kaya ng lalaki na nakasakay sa electric bike na ito na bayaran ito?

“Paano ka ba gumamit ng bike?” Isang magandang babae ang nagbukas ng pintuan ng Porsche at naglakad palabas, nakuha ang atensyon ng lahat ng tao.

“Wow...”

Ang mga tao ay napahanga sa kagandahan niya. Ang babaeng ito ay nakasuot ng sobrang propesyonal na kasuotan at naglalakad suot ang mataas na heels. Sobrang elegante niya tignan, na para bang isang babaeng lumabas galing sa isang painting.

Ang ganitong kagandahan ay pagtitinginan kahit saan man siya magpunta.

“Wendy?” Napangiti si Harvey. Grabeng pagkakataon nga naman. Hindi niya inaasahang makita ang kanyang dating kaklase sa unang araw niya sa pagpasok sa trabaho.

Kahit na nabunggo niya ang kanyang electric bike at siya, kaya niyang kalimutan ito tutal dating kaklase niya naman ito.

Hindi naman gusto ni Harvey na panagutan niya ito at handa na siyang kamustahin ito. Sa sandaling ito, nakita siya ni Wendy.

“Ikaw ba yan? Harvey? Bakit ka nandito?”

Kinabahan si Wendy. Nagpanggap si Harvey sa mga kaklase niya sa Platinum Hotel kagabi. Bakit siya nandito ngayon? Sinusundan niya ba siya? Nandito ba siya para manloko ng ibang tao?

Puno ng galit si Wendy ng maisip niya ito. Binili niya ang Porsche na ito gamit ang loan at gumastos ng higit sa pitong daang libong dollars. Iniingatan niya ito ng matindi. Hindi niya inaakala na ang manlolokong ito ay maglalagay ng ilang gasgas dito ngayon. Hindi niya alam kung magkano ang gagastusin dito para mapaayos ito.

“Harvey, bakit ka gumagawa ng masasamang bagay? Natutunan mo pang manloko ng tao!” Agresibong sinabi ni Wendy.

“Ito, ikaw ang siyang bumunggo saking, okay?” Mukhang walang masabi si Harvey. “Noong una gusto ko lang na palagpasin ito tutal kaklase kita. Paano mo na lang nasabing binunggo kita?”

“Anong nangyari?” Sa sandaling ito, isang may edad na malakas na lalaki ang mabilis na lumapit. Siya ang security chief ng kumpanya. Kasama niya ang isang grupo ng matipunong mga guard.

Pagkita sa eksena, nakilala kaagad ng security chief si Wendy at kaagad na sinabi, “Miss Sorell, ano ang nangyari?”

May mga balita na si Wendy ay aangat sa posisyon bilang general manager. Kung kaya naman, and security chief ay nagaalala an makahanap ng pagkakataon na puriin siya, walang hiyang sumisipsip.

“Hindi mo ba makita?” Mayabang na sinabi ni Wendy.

Amg security chief ay ngumiti at sinabi, “Miss Sorell, makakasiguro ka, ako ang bahala sa kanya para sayo.”

Lumapit siya kay Harvey habang nagsasalita ito. Sinipa ang electric bike at sumigaw. “Sino ka ba? Hindi mo ba alam na eksklusibong parking space ito para sa York Enterprise? Hindi mo pwedeng iparada ang electric bike mo dito!”

“Oh, ayos naman niyan, sino ang may gawa ng patakarang iyan?” Mayabang na sinabi ni Harvey. Hindi siya galit noong una, ngunit ng nakita niya na may sumipa sa electric bike niya, hindi niya na mapigilan ito.

“Sino may gawa nito? Syempre, ako!” Mayabang na sinabi ng security chief, “Huwag ka nang magsalita ng kalokohan. Bayaran mo na lang ang pinsala at humingi ng tawad kay Miss Sorrell, kung hindi, dadalhin kita sa police station ngayon.”

Sumimangot ng kaunti si Wendy ng marinig ang mga sinabi ng security chief. Tapos sinabi niya, “Hayaan mo na. Pabayarin mo na lang sa kanya ang pinsala. Huwag mo na siyang dalhin sa pulis.”

Lumingon si Harvey kay Wendy. Hindi niya inaasahan na may kaunting malasakit pa pala siya. Subalit, tinuro niya pa din ang electric bike sa lapag at sinabi, “Buksan mo ang inyong mga mata. Pinarada ko ang bike ko dito una. Tapos binunggo niya ito sakin. Mabait na ako para hindi siya pagbayarin sa mga pinsala. Sa halip, gusto mo akong pabayarin sa kanyang mga pinsala. Nababaliw ka na ba?”

“Ikaw!” Tinuro ng security chief si Harvey. “Ang taong ito ba ay tanga? Nagdesisyon na nga si Miss Sorrell na hindi tawagan ang pulis, ngunit bakit mo pa din pinipilit na bayaran ka niya sa mga pinsala mo? Sino ang magdridrive ng Porsche at bubungguin ang electric bike mo?”

Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at nagpatuloy, “Tignan mo ng maigi, ito ang pribadong mga parking space ng aming kumpanya hindi ka pwedeng pumarada dito.”

“Oh, grabeng pagkakataon nga naman? Nagtatrabaho din ako sa kumpanyang ito.” Sabi ni Harvey.

“Kung gayon bakit ang lakas ng loob mo na bastusin si Miss Sorrell? Madali ka lang niyang patalsikin sa iyong trabaho sa isang salita lang.” Naawang nakatingin ang security chief kay Harvey.

Ang batang ito ay sobrang hirap. Ang kanyang mga damit ay binili mula sa tabi tabi lang. Nakasakay siya sa electric bike papasok sa trabaho. Isa siyang cleaner, tama ba? Kung babastusin niya si Miss Sorrell, kinatatakot ko na hindi niya na kailangan pang maglinis ng banyo, tama ba?

“Sino ba ito? Bakit hindi ko pa siya nakita dati? Hindi ba siya takot na bastusin si Miss Sorrell?”

“Oo, nasa parehong panig tayo diyan. Bakit ka gagawa ng ganyang kaguluhan?”

“Siguro gusto niya lang makuha ang atensyon ni Miss Sorrell!”

“May punto ka diyan! Mukhang gustong kainin ng isang palaka ang isang swan! Hindi ba siya tumitingin sa salamin? Nakasuot siya ng mumurahing damit. Ano ba ang iniisip niya?”

Nanatiling tahimik si Harvey.

Ilang empleyado na nasa gilid na nakatingin ay pinag tsismisan ang tungkol kay Harvey sa mga sandaling ito.

Sumimangot si Wendy at sinabi, “Nagtatrabaho ka sa aming kumpanya? Sino ang tumanggap sayo? Bakit hindi ko alam? Sa paguugali mo, kahit na sino ang tumanggap sayo, ako na ang nagsasabi na tanggal ka na. Hindi mo na kailangan bayaran ang pinsala. Umalis ka na kasama ng electric bike mo!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status